85 What is your problem?

NARAMDAMAN ni Lexine na may tumayo sa kanyang likuran at humawak sa bewang niya. Naamoy niya agad ang panlalaking pabango. It's smells fresh and she likes it. "You surprise me. I didn't know you're such a good dancer," bulong ng malalim na boses sa kanyang tenga.

She twisted around, looked up and saw Ruru with his piercing stare. She giggled. She was surprised by herself too. She has always been the prim and proper Alexine that everyone used to know. Bago sa kanya ang magpaka wild but honestly, she's loving it. "I know right. Nakakasawa rin na puro pique turns ang ginagawa ko. Mas masaya palang magbooty-shake!"

Ruru's boyish laugh reached his gray eyes. The sound of it was sensual in her ears. Mas lalong nilapit ng lalaki ang katawan nito sa kanya at halos dumidikit na'ng dibdib ni Ruru sa likod niya.

Lumapit sa kanila si Jimm na may dalang bote ng Johhny Walker. "Another round?"

"YEAAAH!" sabay-sabay nilang sigaw.

Tinungga ni Lexine ang lahat ng shot na binibigay sa kanya. Umiikot na'ng mundo niya at pagewang-gewang na rin ang mga galaw. But she doens't give a damn kahit pawis na siya kakasayaw and the fact that she looks so wasted.

Pumulupot uli ang braso ni Ruru sa bewang ni Lexine at bumaba ang mukha nito sa kanyang tenga. "You're so hot, Lexine."

Humarap siya rito at napasinghap. Sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya. His gazes were darkly penetrating her. Siguro dahil sa halo-halong alak na bumabalot sa buong sistema niya kaya ang lakas ng loob niyang salubungin ang titig nito. Slowly, Ruru's face went down to her. Lexine froze on her feet.

Ilang pulgada na lang at magdidikit na'ng kanilang labi nang may isang malakas na pwersa ang humigit sa braso ni Lexine dahilan upang mapa atras siya. Sa sobrang bilis ng nangyari ay nagulat na lang siya na may matangkad na lalaki na ang nakaharang sa pagitan nila ni Ruru.

Hindi makita ni Lexine ang mukha nito pero likod at tindig pa lang nito alam na niya kung sino ang dumating. Sa gilid naman ay tila napako sa kinatatayuan sina Janice at Xyrille. Nagsisimula na ring tumingin ang mga tao sa paligid nila.

"What the fuck, bro?" lukot ang mukha na singhal ni Ruru.

"Fuck you too, fucker." Hindi gumagalaw si Night sa kinatatayuan pero sapat na ang madilim nitong mukha at nagkukuyom na mga kamao para malaman ni Lexine na nanggigigil na ang buong sistema ng binata.

"What the fuck is your problem?"

"Ang problema ko ay kung sa paanong paraan kita papatayin."

Napaatras si Ruru higit na nang makita kung gaano kalamig ang mata ng kaharap. Sapat na ang malakutsilyong titig ni Night upang manginig ang buong katawan ng binata.

"Night!" Agad pumagitna si Lexine sa dalawa.

Bahagyang sumulyap si Night kay Lexine at pakiramdam niya umaabot hanggang lupa ang lamig ng mga titig nito. Napako ang mga paa niya sa sahig. Para bang isa siyang kriminal na nahuling nagnanakaw. Nagsimula nang manginig ang mga tuhod ni Lexine. Madiin siyang napalunok. She feels guilty. Hindi naman sa gusto niyang halikan si Ruru pero ang mali niya ay hindi niya ito pinigilan.

"Lexine? Who the hell is this guy?" tanong ni Ruru. Lumapit na rin sina Jimm at Jacob sa kanila at pinalibutan si Night.

"Pare, `wag kang nanggugulo rito," taas noo na sabi ni Jacob. Ito ang unang beses na narinig ni Lexine na nagsalita ang tahimik na lalaki.

Night merely looked sideways, and that's already enough to make the color of Jacob's face suddenly drained. Parang hangin lang na dumaan ang angas nito kanina. Jacko stepped backward and looked at his friends with a worried face.

Tumigil na'ng mga nagsasayawan sa dance floor, imbis, ay nakaabang ang lahat ng mata sa away na nabubuo. Nababahalang tumingin si Lexine sa paligid niya. Napaliliburan na sila ng mga nag-uusia. Lumapit na rin sina Janice, Xyrille at Tasha sa likuran niya.

"Do you know this guy, Lexine?" ulit na tanong ni Ruru.

Lahat ng ulo ay pumihit kay Lexine. Napahawak siya sa sintido. Hindi pa nga nawawala ang kalasingan niya at sa totoo lang ay nahihilo pa siya. Dumagdag pa ang nabubuong tensyon sa sakit ng ulo niya.

Nagbuntong-hininga si Lexine. Mentally ay binatukan niya ang sarili. She's been a reckless girl. Huling-huli siya sa akto. May atraso siya sa prinsipe ng dilim at alam niyang hindi tama na nakikipagsayaw siya sa isang lalaki habang lasing. Mas lalo na ang makipaglandian.

"Yes, I know him," she answered and sighed heavily.

Hindi kumikibo si Night, imbis ay tinitigan ulit nito ng ubod ng sama si Ruru. Alam na ni Lexine kung saan papunta ito kaya kailangan na niyang pigilan ang lalaki. Kinuha niya ang braso nito. "Night, please, huwag dito—aaahhh!"

Bigla na lang siyang binuhat ni Night patiwarik at sinampa sa balikat nito na parang sako. Agad itong naglakad palabas. Humawi ang mga tao sa pagdaan ng binata.

Samantala, naiwang nakatulala sina Xyrille at Janice. "Holy mother queen!" buka ang bibig na sambit ni Xyrille.

"I knew it! Alam ko talaga na may something sa kanila, eh," komento ni Janice habang hindi maitago ang kilig. Para itong kiti-kiti.

"Did you see the way he looked at her? Para siyang hinuhubaran. Ang creepy pero kinikilig talaga `ko. Ang lakas maka Christian Grey!" tila nananaginip na sabi ni Xyrille. "Hay, Lexine. Ikaw na talaga ang pinagpala sa babaeng lahat!"

"Amen!" tugon ni Janice.

Mas lalong nabadtrip si Ruru at nag-walk out ito. Agad sinundan ni Tasha at Jacob ang binata. Dumikit naman si Jimm sa dalawang babae. Pumalatak ito. "I don't get you girls. Bakit gustong-gusto niyo ang mga bad boy? Mas okay naman kaming mga good boy."

Sumagot si Xyrille. "You know what they say, good boys go to heaven but bad boys bring heaven to you."

avataravatar
Next chapter