177 What is your name?

NAGKAMALAY SI SAMMIE mula sa tila napakatagal na pagkakatulog. Pagmulat niya ng mata, puting kisame ang kanyang unang nasilayan.

"Gising na siya."

"Sa wakas at nagkamalay ka na anak, kamusta ang iyong pakiramdam?"

Mula sa nanlalabong mga mata, unti-unting luminaw ang lahat. Pinihit niya ang ulo at apat na pamilyar na mga mukha ang kanyang nakita.

Dahan-dahan siyang bumangon.

"Anak, nakikilala mo ba kami?"

Napatitig siya sa ginang na kaharap.

"Madame Winona," aniya.

Nagliwanag ang mukha nito.

"Ako? Kilala mo ba ako? Sino ako?" tanong ng isa pang babaeng katabi nito.

"M-miyu?"

Nagkatinginan ang mag-ina. Si Ansell ang sumunod na nagsalita.

"Ano ang pangalan mo?"

Napakunot ang kanyang noo. Sino siya? Mahabang katahimikan ang namayani bago siya sumagot.

"Ako si… Lexine."

Tuluyang nagliwanag ang mukha ng bawat isang taong nandoon. Sa wakas at nagtagumpay sila.

"Ako si Lexine…" ulit niya, "Ako si Lexine… ako si Lexine… Lexine ang pangalan ko….at ako rin si… Sammie."

Napasinghap ng malakas si Lexine nang bumalik ang lahat ng alaala niya at tuluyang nalinawan sa mga nangyari.

"Ako si Lexine, I'm her... All along I'm her. I'm Lexine… I was… I was…."

Hindi makapaniwala na nagpabalik-balik ang tingin niya sa mga kasama.

"Reincarnated…" she said almost a whisper.

Napatakip siya sa bibig. All the memories from her previous life came back instantly like a fast wind. Everything. All the details. Pagtalon niya sa mata ng Samsara napunta siya sa mahiwagang lugar at nakausap ang isang mahiwagang boses. She asked for another chance to live and she was reincarnated. She was born again in a different year. A year earlier when Lexine was born. She had a different life, a different family, a different home. She became Samantha De Leon. Kaya wala siyang kahit anong maalala. But because of the ritual Miyu and Winona did for her. She remember again everything from her previous life.

She is Lexine, she is Samantha. But they have the same soul. One soul that was given another chance to live again to fullfill a special mission to protect the humanity against evil. She was given that responsibility in exchange for her reincarnation. She must stop the king of darkness.

And then she remember someone.

"Night… nasaan si Night?"

Lahat ng ulo ay napapihit kay Elijah, lumabas na rin siya mula sa pagkakatago matapos sumabog ang liwanag mula sa katawan ni Lexine.

Doon lang muling naaalala ni Elijah ang totoong sitwasyon, "Oh shit!" napatayo ito bigla.

"Sammie—I mean Lexine, you need to come with me," anito natataranta.

Bigla siyang kinabahan, "Bakit?" tuluyan na rin siyang tumayo habang inaalalayan ni Ansell.

Napasabunot si Elijah sa sarili at naging balisa, "Si Night… susundan ka niya sa mundo ng mga kaluluwa, he will kill his self."

Nagulat ang lahat.

"Ano?!" sigaw ni Lexine.

"Yes, fuck we need stop him, he will use the fruit of sin."

"Diyos ko po!" nahabag si Winona, maging si Miyu ay napanganga rin.

"Anong fruit of sin?" tanong ni Lexine na naguguluhan sa reaksyon ng mag-ina.

"It's the forbidden fruit in this world, an immense kind of power but very dangerous," si Miyu ang sumagot.

Kinilabutan si Lexine sa narinig. No, he need to stop him.

"Then lets go, ano pa ang tinutunganga natin dito?"

Mabilis silang kumilos at dinala ang mga paa papuntang Black Phantom.

avataravatar
Next chapter