244 Welcome to the team

MABILIS na sumunod si Miguel kay Lexine na tila nagmamadali sa bilis nitong maglakad. Huminto si Lexine sa tapat ng kanyang itim na baby boy at pinatunog ang lock niyon.

Hindi naiwasang mapa-sipol ni Miguel nang makita ang napaka-poging Maserati Gran Turismo sa kanyang harapan, "Damn girl, your driving this car?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Ngumisi lang si Lexine at pumasok ng drivers seat, "Hop in."

Agad naman sumakay si Miguel. Bilang lalaki hindi niya maiwasang maingit sa sasakyan ni Lexine. He was driving a red BMW M4 but damn her sports car is one of a kind!

Hindi pa man nakakapag-seatbelt si Miguel ay mabilis nang humarurot si Lexine at napasandal siya bigla sa upuan. Mas lalo siyang nagulat sa bilis nitong magmaneho at pakiramdam niya ay kabilang na sila sa cast ng 'Fast and the Furious.'

Hindi mapigilan ni Miguel na tignan ang seryosong mukha ni Lexine habang nagmamaneho. This girl is indeed have a lot of surprises.

"Ganyan ka ba talaga?"

"Ha?" nagulat siya sa tanong nito.

Nanatili sa daan ang mata ni Lexine, "Ano ba'ng meron sa mukha ko at hindi maalis-alis 'yang mata mo?"

Napangisi siya ng malaki, "It's because you're so beautiful I can't help it. I'm sorry if I'm making you uncomfortable. It's just really hard for me not to look at you."

For the first time simula nang umalis sila sa Camp Aguinaldo ay nilingon siya ni Lexine. Pakiramdam ni Miguel nanalo siya sa lotto sa mabilis na sulyap nito.

"Captain Miguel Madrigo. Hindi na ako teenager para magpadala pa sa mga banat at pambobola mo. Kung umeepekto 'yan sa mga babae mo, pwes sa akin, hindi. Better think something else and unique," bumalik ang mata ni Lexine sa daan.

Mas lalong lumaki ang ngisi ni Miguel, "Does that mean you're challenging me?"

Umismid si Lexine at lumiko sa stoplight, dahil mabilis ang pagpapatakbo niya kaya nang mag-shift siya ng gear ay nag-drift ang gulong ng kotse at nagulat si Miguel sabay napakapit ng husto sa seatbealt.

Hindi makapaniwalang tumingin si Miguel, papatayin ata siya ng babaeng ito sa atake sa puso!

"Ngayon pa lang kina-klaro ko na sa'yo Captain Miguel that what we have is purely a business and professional relationship. So whatever kind of flirting moves you have on your plate. Hindi uubra sa akin 'yan. Better feed it to someone else," diretsong sabi ni Lexine.

Sa isip-isip ni Miguel ay mas lalo lang siya na-challenge na makuha ito, "Alam mo ba yung kasabihan na 'wag magsasalita ng tapos?"

Tumaas ang kilay ni Lexine at sumulyap sa katabi, "Alam mo rin ba 'yung kasabihan na masama ang lahat ng sobra? Baka masyado nang umaapaw ang kumpyansa mo sa sarili mo."

Malakas na tumawa si Miguel, "Why not? Ngayon pa lang din kinaklaro ko na sa'yo na gusto kita Lexine. So whatever kind of pagpapakipot you have on your plate. Hindi rin uubra sa akin 'yan."

Umikot ang mata ni Lexine at lalo namang lumaki ang pagkakangisi ni Miguel, "Not unless that… someone already have your heart?"

Biglang dumilim ang mata ni Lexine at napahigpit ang kapit sa manibela. Dumiin din ang pagkakatapak niya sa gas at humarurot sila sa highway ng lagpas sa dalawang daan. Napakapit ng husto si Miguel sa bilis ng takbo nila at nanlaki ang mata niya nang biglang mag-overtake si Lexine kahit may kasalubong na silang ten wheeler na truck.

"Fuuuuucck!"napasigaw siya sa takot dahil mababanga na sila.

Bumusina ng malakas ang truck pero nalusutan ito ni Lexine. Halos sapuhin ni Miguel ang dibdib niya dahil parang tatalon na ang puso niya palabas. Hindi makapaniwalang lumingon siya sa katabi.

"Holy fuck!? Ganyan ka ba talaga magmaneho? Don't you follow traffic rules? Bawal mag overtake dito!" aniya naghi-hysterical na dahil literal na life and death situation ang pinagdaanan nila.

"Yes, this how I drive. And no, I don't follow rules."

Matapos ang kalahating oras ay nakarating sila sa Moonhunters HQ. Labis na namangha si Miguel sa kabuuan ng buong lugar. Napaka-high tech nito at futuristic. Malayong-malayo sa camp nila.

Nagulat ang lahat nang dumating si Lexine na may kasamang bagong mukha. Napatingin ang mga empleyado sa office.

"Good morning Ms. Lex…ine," natulala si Makimoto nang makita si Miguel.

"Maki, this is Captain Miguel Madrigo from Scout Rangers. From now on he will be part of our team. This is Makimoto our Team Leader in research department," pakilala ni Lexine sa dalawa.

Nag-lahad ng kamay si Miguel kay Maki at naiilang na inabot naman ito ng huli. Dire-diretsong naglakad si Lexine paakyat ng second floor at mabilis itong sinundan ni Miguel. Naiwan naman nakatulala si Maki habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Pst, sino 'yon? Sobrang gwapo! Bet na bet! Boyfriend ba 'yun ni Ms. Lexine?" usisa agad ng isang service assistant na si Camille.

Mabilis na namula ang mukha ni Maki at pinangigilan ang hawak na tumbler, parang nadidikdik ang puso niya sa iisiping may ganoon ka-gwapong lalaki sa office nila. Siguradong hindi imposible na magustuhan ito ng kanilang boss at pag nangyari iyon ay iiyak siya ng dugo.

Nanginginig ang labi niya at teary-eyed na, "H-hindi, b-bagong ka-team lang," aniya.

"Hmm, I doubt. Nadinig mo ba Captain siya ng Scout Ranger, eh special unit ng AFP Military yun dba? Naku! Bagay na bagay silang dalawa. Kamukha niya si Big Boss ng Descendant's of the Sun! Boto ako kay Cap para kay Ms. Lexine," tuloy-tuloy na sabi ni Camille na kinikilig pa.

Sumama lalo ang mukha ni Maki at isang hipan na lang ay tuluyan na itong maiiyak.

***

AGAD pinakilala ni Lexine si Miguel sa mga kaibigan. Nagulat din ang lahat ng malaman na magkakaroon sila ng bagong kasama.

"This is Elijah, siya ang head ng IT and Security System. He was to the one who designed and develop all our sofware including the AI of our headquarters."

Tinignan ni Elijah si Miguel mula ulo hanggang paa. Bahagyang naningkit ang mga mata niya dito dahil naaamoy na agad niya na mayabang ito. At ayaw niya ng may mas mayabang sa kanya.

"Miyu together with Orgon, are the head masters in boot camp intensive trainings including combat and weapon skills. Eros is the one who leads our chemical engineering department while Devorah handles our medical team."

Isa-isang ngumiti ang bawat isa kay Miguel maliban kay Elijah na hindi maganda ang timpla ng mukha. Napansin na agad ni Miguel na hindi siya gusto ng huli kaya napangisi na lang siya dahil the feeling is mutual. Sabi nga nila birds with the same feathers, hate each other.

"Everyone this is Captain Miguel Madrigo. From now on he will be part of our team as a trainee. General Benjamin personally requested for this special mission."

Ngumiti si Miguel sa lahat, "Just call me Migz."

"Welcome to Moonhunters Migz," ngiti ni Devorah habang nakalingkis ito sa braso ni Eros.

Lumapit na rin si Eros at ang iba pa upang makipag-kamay kay Miguel. Pero naiwan si Elijah at pasimpleng hinatak si Lexine palayo sa kanila.

"Lexi, what is this? Why are we allowing an outsider in our team?" bulong nito.

Napabuntonghinga ni Lexine, "As I told earlier, this is an order from General Benjamin. The President wants to train the whole AFP under our guidance and Miguel is the representative."

Muling sumulyap si Elijah kay Miguel na tumitingin din sa kanila, "I don't trust him," mariin niyang sabi.

"Who does? I don't trust him too. But this an order from the President. We have to comply," saad ni Lexine, "Don't worry. I'll keep an eye on him. After all, nasa pangangalaga ko siya dahil ako ang personal na magte-training sa kanya."

"What?" di makapaniwala si Elijah, "Why you? Nandyan naman si Orgon."

"I told you Elijah, this is a request by General Benjamin. Syempre sa akin niya ipagkakatiwala ang apo niya. Kanino pa ba?"

"So you mean, isasama natin 'yan sa mga mission natin?"

Tumaas ang kilay ni Lexine at tumingin kay Miguel na ngayon ay nakikipagtawanan sa lahat. Lumingon ito sa direksyon nila at nagtama ang kanilang mata, to her surprise ay kumindat pa ito.

She inwardly rolled her eyes, "We have left with no choice."

avataravatar
Next chapter