289 Weakness

SINUGOD agad sa ER si Miguel pagdating sa St. Lukes Hospital sa. Taguig. Hindi na nakalapit si Lexine sa binata dahil pinalibutan na ito ng mga nurse. Wala siyang nagawa kundi ang antayin ito sa labas. Labis siyang nag-aalala sa kalagayan ni Miguel. Awang-awa siya sa dinanas nito at sa kadahilanang si Night ang may kagagawan.

Dumating ang daddy ni Miguel na si General Michael. Nag gawa na lang ng kwento si Lexine na napaaway si Miguel sa mga lasing sa labas kung kaya nabugbog ito. Masama man sa loob niya pero pinagtakpan niya si Night.

"Thank you so much Lexine for your help. Kami na ang bahala dito, mabuti pa umuwi ka na at magpahinga," sabi ni General Michael.

"Sige po, please pakitawagan niyo po ako once na magising si Miguel," aniya.

Hinawakan siya nito sa balikat, "Of course."

May mahigit isang oras nang nagmamaneho si Night pauwi pero hindi pa din siya kinikibo ni Lexine. Napabuntong hininga siya at hinawakan ang kamay nito na nakapatong sa hita pero iniwas ito ng dalaga sabay humalukipkip habang nakatingin sa bintana.

"Cupcake…" bulong niya sa naglalambing na boses, "Hey, pansinin mo naman ako."

Ilang ulit na bumuntong hininga si Lexine bago humarap, "Night, hindi mo dapat ginawa kay Miguel yun. Paano kung natuluyan mo yung tao?"

Umasim ang mukha niya, "Bakit ba napaka concern mo sa gagong yun? Kasalanan niya yun dahil ang kapal ng apog niyang halikan ka."

"Kahit na! Hindi mo pa rin dapat tinorture ng ganon si Miguel. Sana sinapak mo na lang pero my God naman Night… muntik mo nang bulagin yung tao!" napataas na ang boses nito sa inis.

"Kulang pa yun! Dapat talaga dinukot ko na ang mata ng putanginang yun!"

"Night!"

Sa inis ni Night ay hinito niya ang kotse sa gilid ng kalsada, "Ano ba?! Pag-aawayan na naman ba natin yan?!" tumaas na rin ang boses niya.

Nahilamos ni Lexine ang palad sa mukha, "Ang gusto ko lang naman sabihin na sana next time pigilan mo naman ang pagiging seloso mo, nakakasakit ka na ng ibang tao."

Umismid siya, "Hindi lang pananakit ang kaya kong gawin, papatayin ko talaga ang kahit sinong mangtatakang agawin ka sa akin."

"See! Yan! Yan ang problema sa'yo! Masyado kang possessive! Parang hindi na ako pwedeng dumikit sa kahit sinong lalaki eh! Kahit sulyapan lang ako magwawala ka na. Kulang na lang ipa-tattoo mo yung mukha mo dito sa noo ko para makita ng lahat na ikaw ang boyfriend ko!" tinuro nito ang noo.

Natigilan sandali si Night at inimagine na may tattoo ng mukha niya sa noo ni Lexine, "Maybe I should really do that," aniya na may ngisi.

"Ugrh!" Lexine grunted, "Seryosohin mo nga ako! Nakakainis ka talagang demonyo ka!"

"Hey… hey… I'm sorry," sinuyo niya si Lexine at pinihit ang baba nito para humarap sa kanya pero umiwas si Lexine at humalukipkip at muli siyang tinalikuran.

Napakamot sa ulo si Night. Ilang sandali silang nanatiling tahimik sa loob ng kotse. Walang gustong magsalita. Maya-maya pa at gumagalaw na ang balikat ni Lexine at sumisinghot na ito.

Napamura nang mahina si Night, "Cupcake, please stop crying…"

"Nakakasakal na kasi eh, pati pagpunta sa birthday party hindi na rin pwede. Importanteng tao si General Benjamin, importante rin si Miguel dahil siya ang representative ng buong AFP. Ano na lang sasabihin ni General kung may nangyari kay Migz, sa akin niya pinagkatiwala ang apo niya."

Doon na nakaramdam ng guilty si Night. His impulsive actions can give a bad reputation to Lexine and her mission.

"Next time isipin mo naman sana yung magiging effect ng mga ginagawa mo, Night," anito sa pagitan ng paghikbi.

Natahimik si Night na parang batang pinagalitan ng magulang at na-realized kung ano ang mali niya. Kumukulo talaga ang dugo niya kay Miguel at hindi pa rin siya nakakaramdam ng guilty sa ginawa niya, pero mas nakakaramdam siya ng guilty dahil nasaktan niya si Lexine.

He sighed in defeat, "I'm sorry kung nasasakal na kita. I just really can't control my emotions because I love you so much Lexine. The truth is I have some insecurities too. Natatakot lang ako kasi baka…"

Dahan-dahang humarap si Lexine sa kanya. Namumula ang ilong at mata nito sa pag-iyak, "Na ano?"

Mabigat na bumuntong hininga si Night saka kinuha ang kamay ng nobya at nilaro ang mga daliri nito, "Baka maagaw ka ng iba."

Natahimik si Lexine.

"I know that you don't trust me anymore, and I'm really scared the day would come that you would fall in love with someone else."

Lumambot naman ang mata ni Lexine sa mga narinig. She never saw Night showed his insecurities before. Palagi kasing mataas ang tingin nito sa sarili. He is the mightiest demon prince of the Underworld. Isang nilalang na kinakatakutan ng lahat. Isang halimaw sa paningin ng marami. Pero ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay hindi isang prinsipe ng kadiliman kundi isang ordinaryong binata na may pangamba sa dibdib.

With this, Lexine was able to saw a human side of Night. He was slowly showing his weaknesses that makes him more human than a monster. It's ironic that she hate him being overly jealous and insecure but it symbolizes a good sign that he was changing for the better. She can't help but to feel warm in her heart.

"Night," hinaplos niya ang pisngi nito at hinuli ang mga mata, "Mahal kita at wala akong ibang mamahalin kundi ikaw lang. Hindi ako titingin sa iba at walang aagaw sa akin. Don't you trust my love for you?"

Sinalubong ni Night ang mga mata niya, "I do.. of course I do," hinalikan nito loob ng palad niya, "I just don't want to lose you again," he whispered as he closed his eyes. The worries and fears was obvious in his voice.

Maliit na ngumiti si Lexine at nilapit ang mukha dito, "You will never lose me again."

"Promise?"

"I promise."

Kinabig ni Night ang batok niya at siniil siya nang mainit na halik. Magaan ngunit mainit. Sapat na para maramdaman niya ang pagmamahal nito.

Kinulong nito ang panga niya sa malalaking palad at pinagdikit ang kanilang noo, "I'll try to control my jealousy. Susubukan ko kahit mahirap."

Tumungo si Lexine, "Thank you, sana less beast mode na please?"

He chuckled, "Nakakatakot ka magalit eh, para ka nang magiging dragon."

Muling tumawa si Night, "I'm sorry kung natakot kita kanina. I'm sorry if I said hurtful words. I didn't mean it, " muli siyang hinalikan nito, mas lumalim ang halikan nila at halos habulin niya ang hininga.

"Are you ready for your compensation?"

Kinabahan si Lexine nang biglang sumilay ang pilyo sa mga mata ni Night. Napalunok siya nang madiin lalo na at kakaiba na ang ngiti na binibigay nito sa kanya.

Alanganin siyang ngumiti, "Ano ba ang gusto mo?"

Night eyes darkened drastically it sent shivers to every depth of her being.

Oh boy… it's going to be a hot, sexy and rough evening again.

avataravatar
Next chapter