157 Valac

SA TUWING huhugot ka ng hangin para huminga, kasamang malalanghap ang matapang na amoy ng halo-halong klase ng sigarilyo. Tila nagkaroon ng fog ang buong lugar sa kapal ng usok na bumabalot sa buong floor. Habang sa paligid naman patuloy ang ingay ng mga cash chips sa ibabaw ng bawat lamesa na sinasabayan ng hiyawan ng mga tao sa tuwing nanalo sa sugal na nilalaro. Ganito ang araw-araw na eksena sa loob ng Midnight Sun Casino. Sa pinakatuktok ng eighty-eight floors building na nakatayo gitna ng BGC, Taguig, matatagpuan ang prestihiyosong sugalan. Nagkalat ang mga magagandang casino dealer na nakasuot ng pula at hapit na dress habang bihasa ang mga ito sa pagbabalasa ng baraha.

Sikat ang larong Blackjack, Poker, Baccarat at American Rollete. Bukod sa mga Pilipino mas marami ring makikitang mga chinese, korean at japanese na players. Mas legal kasing nakakapag-sugal dito sa Pilipinas ang mga foreigners kumpara sa pinanggalingan bansa kung kaya naman dito nag-tatapon ng milyones ang mga ito.

Sa pagdating ng apat na nilalang na nakasuot ng puro itim na damit, animo magnet na dumikit sa mga ito ang bawat mata at atensyon ng lahat ng tao sa loob ng casino. Malakas na suminghap ang isang matandang ginang na naglalaro sa slot machine nang dumaan sa gilid nito ang apat na nilalang. Tatlong napakakisig na lalaki at isang posturang babae ang kumuha ng spotlight sa loob ng casino. Tila apat na diyos ang nagkatawang tao at bumaba sa lupa at nagpatunay na totoo ang isang himala.

Bawat ulo ay nakasunod kay Night, Elijah, Eros at Devorah. Ngunit wala silang pakielam sa mga ito at diri-diretsong naglakad patungo sa pakay na lugar. Ni sulyap ay `di nila ginawa. Sa pinakadulo ng malawak na casino floor natumbok nila ang private salon. Nakatayo ang dalawang security personel sa tapat ng pinto at agad silang hinarang.

"No visitors are allowed in this room," matabang na saad ng matangkad na caucasian guy na malaki ang pangangatawan.

Elijah with his notorious charismatic smile stepped forward. "Hi, gentlemen. As much as I'd like to formally introduce ourselves, unfortunately, we don't have enough time to waste. So get off your fucking asses and let us enter or..." He moved closer until their faces were inches apart. He inhaled deeply. His nostrils flared in hunger, his gray eyes lighted in red. He opened his mouth, showing two sharp fangs itching to dig into the skin nearest to it. "I'd drink all the warm blood flowing in your veins until the very last drop and tear your head off. What do guys you think?"

Naubos ang kulay mukha ng dalawang guard at nang sandaling tumitig sa namumulang mata ni Elijah, nahipnotismo agad ang dalawa at napasunod sa kapangyarihan niya. "You may enter now, ma'am, sir," sabay na saad ng mga ito na tila mga robot.

Umismid si Eros, ngumiti nang matamis si Devorah, tinapik ni Elijah ang balikat ng dalawa habang walang kahit anung reakyon ang malamig na mukha ni Night. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanila ang nag-iisang casino table na matatagpuan sa gitna ng malawak na silid.

Solo na nakaupo ang isang lalaki na humihithit ng tabako. A shiny black stone, sized of an eyeball, rested on his left ring finger. Two sultry women wearing thin clothes were sitting on both of his sides. May hawak ang mga ito ng baso ng champagne at panay ang pagbungisngis. One of them, whispered to the guy's ear. He snickered and kissed the girl. In the middle of the table was a blonde casino dealer. Nakasuot ang lalaki ng white suit and slacks paired up with dark aviator shades na nagtatago sa mga mata nito. Habang may kahabaan na ang balbas na sinasadyang hindi gupitin. Nakapusod ang buhok nitong hanggang balikat ang haba.

"Long time no see, Night," swabeng wika ng lalaki na hindi man lang lumingon sa direksyon ng mga bisitang dumating. Tumaya siya ng one million casino chips sa banker. Total of seven ang lumabas na unang dalawang baraha galing sa player. Three of hearts at three of spades naman ang sa kanya, total of six. Nagbuklat ng pangatlong bahara ang dealer galing sa player: queen of hearts. Equivalent iyon sa zero. Seven plus zero equals seven. He needs to be higher than seven to win the game in the baccarat. "It's very rare for me to see you here. Balita ko nababaliw ka na raw?"

Naglabas ng third card ang dealer para sa banker. Unti-unti niyang pinu-fold ang dulo niyon, anticipating what's hiding beneath it. If he gets a three, he wins. If he gets a two, it's a tie. If he gets a picture he lose. If he gets more than four, he lose.

"Matagal na `kong nasiraan ng bait," malamig na tugon ni Night.

Ngumisi si Valac. Nakaipit ang tabako sa bibig niya habang unti-unting binubuklat ang korner ng baraha. He saw the first icon of the diamond. Kumabog ang dibdib niya. Two or three. Gimme two or three. He sidelooked to the two girls surrounding him. "What do you think, honey?" tanong niya sa babae sa kaliwa.

Ngumiti ito. "Three of diamonds."

"And you?" tanong niya sa kanan.

Hinaplos nito ang dibdib niya. "It's a two."

"Whoever is correct would get this million," aniya. Sabay na nanlaki ang mata ng dalawang babae. He looked at the dealer one last time and smiled. He opened the card: three of diamonds. He got total of nine. Malakas na napatili ang babae sa kaliwa habang nanlumo naman ang isa.

"Banker wins at nine," announced ng dealer. Nagbayad ito sa kanya ng one million casino chips. Inabot niya ang isang milyon sa nanalong babae. Pinaulanan siya nito ng halik habang panay ang thank you. Umismid namana ng isa at umirap.

Sumandal siya sa upuan at pinagsaklop ang mga daliri. "Alam ko namang maluwag talaga ang turnilyo sa ulo mo, pero hindi ko inakala na tuluyan kang mauulol ng dahil sa isang mortal. Nasaan na ang dati kong estudyante na tinatapon na parang basahan ang mga babae?"

Nagtigas ang bagang ni Night. "I don't need to explain everything to you, Valac. Just give me the fucking athame."

The side of his lips curved upward. Valac put off the tobacco from his lips and exhaled the black smoke through his nose and mouth. A burned wood and leather with sweet caramel circulated in the entire room like a dancing bird. Unti-unti, umikot ang upuan at hinarap niya ang mga bisita.

Kahit pa natatakpan ng madilim na shades ang mata ni Valac ramdam ni Night bigat at init ng titig nito sa kanya. Dahan-dahan itong tumayo at humakbang palapit sa kanya. Memories of him hastily infiltrated his mind like flashes of pictures in a movie film role. Valac, vigorously training his younger self every day. His mentor, who helped him to gain what he has now: power, magic, strength, speed, fighting skills, and most of all his immortality. Utang na loob niya ang lahat dito.

Umiiling na pinagmasdan siya nito mula ulong hanggang paa. Matagal na panahon na noong huli silang nagkita pero wala pa ring nagbago rito. Valac, the omnipotent former Grim Reaper, still has a laid back demeanor and happy go lucky personality. He was centuries older than Night. He holds more wisdom, more knowledge, even more power, but that was before. Now, Night was sure that he has got stronger ten times since the last time he'd challenged him in a fight. Most of all, his mentor still possesses the womanizing skills which he also learned from him. Laging bukambibig nito noon, "Women are like fruits and rice. They were planted by men and harvest by men. Therefore men should always devour what they have worked hard for and never waste even a single fruit or a piece of grain."

Nang makalapit sa tapat ni Night ay muling humithit si Valac ng tobacco at binuga ang usok sa sa mukha niya. Hindi siya kumibo kahit ang pumikit. Samantala, sa likuran niya nanatiling tahimik at walang kibo sila Elijah, Devorah at Eros.

"Alexis, Alexis, Alexis…" Pinagpag nito ang imaginary alikabok sa kaliwang balikat niya. "Sasayangin mo ang immortality na pinagkaloob ko sa `yo para lang sa isang babae? Tsk, tsk, tsk, you dissapoint me."

Lalong nag-igting ang bagang ni Night. Nauubos na ang pasensya niya. Malaki ang paggalang niya kay Valac at utang niya rito ang lahat ng bagay na natutunan niya. Kaya naman hangga't maaari ay pinipigilan niya ang init ng kanyang ulo; kahit nung unang beses niya pa lang itong masilayan na nasa kangkungan ng mga babae ay gusto na niya itong ingudngod sa ibabaw ng table at puwersahin na ibigay sa kanya ang pakay.

Humugot siya ng malalim na hangin at pinakalma ang sarili. "Valac," aniya sa mas madiin na tinig. "I need the athame. Just fucking give it to me."

Sumipol-sipol si Valac na sinasadyang mang-inis. He knows him so well. Kung hindi niya lang kaibigan si Elijah ay mapagkakamalan niyang mag-ama ang dalawa sa pagiging alaskador ng mga ito. "And why should I give it to you?"

Mas tumalim ang malamig na mata ng Tagasundo. "Just give it to me." He gritted his teeth. Like a thread, his patience is thin.

Napangisi nang malaki si Valac. Pumihit ito paikot at naglakad pabalik sa tapat ng casino table. Tamad itong sumandal doon at humarap uli sa kanila. Nilahad nito ang isang palad at lumabas mula roon ang itim na usok kasabay ang pag-litaw ng punyal. His smiled like a serpent. "Try to get it then."

avataravatar
Next chapter