180 This is real

PATULOY SA PAGDADALAMHATI si Lexine nang mapansin ni Miyu ang pag galaw ng talukap ni Night. Napasinghap siya nang malakas nang unti-unti itong nagkamalay at dumilat.

Napatingin ang lahat kay Miyu na tila nakakita ng multo habang tinuturo si Night. Nang bumaling sila sa direksyon nito, sabay-sabay silang nagulat at napasinghap.

Umungol si Night dahil ang sakit ng buong katawan niya, lalo na ang kanyang dibdib.

Natigilan si Lexine sa pag-iyak nang marinig ang boses nito. Dahan-dahan siyang nagtaas ng ulo at nabunutan nang malaking tinik nang makitang gising si Night.

"Night…" bulong niya na may malaking ngiti.

Unti-unting bumangon si Night at nakakunot noong tumingin sa paligid, una niyang napansin si Sammie na panay pag-iyak sa kanyang tabi habang anim na pares ng mata ang nakatingin sa kanya. What the hell is going on?

"Fuck man! You made us all worried, kala namin di ka na gigising! Tangina ka pinaiyak mo ako!" angal ng kakatahan lang na si Elijah. Mamula-mula pa ang ilong nito.

Nang muling maalala ni Night na hindi niya nahanap si Lexine sa mundo ng mga kaluluwa ay muling naparalasido ang buo niyang katawan. Bumigat ang kanyang ulo kasabay ng kanyang puso. Literal na masakit ang dibdib niya sa sugat na mabagal na gumagaling, ngunit, mas makirot ang dulot ng pagkabigo niyang mahanap si Lexine.

Kung hindi siya pinigilan ni Abitto na tumalon, malamang ay wala na talaga siya dito.

Tulala lang si Lexine at nakamasid kay Night. Sobrang saya niya na ligtas ito, "Night, ako to si—"

"I don't want to talk to anyone right now just fucking leave me alone," malamig na sabi ni Night na hindi man lang siya pinatapos sa pagsasalita.

Agad itong bumangon at nagmamadaling lumabas ng silid. Nagkatinginan ang lahat, saglit na natulala si Lexine bago natauhan at mabilis na hinabol si Night.

"Night sandali!"

Naiwan ang lahat sa silid, napanganga si Ansell, natulala si Winona na nakatingin sa pinto, si Eros na nanghihina pa rin habang inaalalayan ni Devorah at si Miyu na umikot ang mga mata dahil ang pakiramdam niya naubos ang lahat ng enerhiya niya sa ka-dramahan ng dalawa. Walang gustong magsalita hanggang si Elijah ang pumutol ng nakabibinging katahimikan.

Napabuntonghininga siya ng malakas, he wholeheartedly felt pity for those two crazy lovers na wala nang ginawa kung hindi maglaro ng tagu-taguan, "Ayoko na sa earth."

**

"NIGHT SANDALI LANG!" sigaw ni Lexine habang patuloy sa paghabol kay Night.

Hindi siya nililingon nito at mabilis na naglalakad palabas ng Black Phantom. Hanggang sa nakarating sila ng parking lot.

"Night ano ba! Pakingan mo ako at may sasabihin ako sa'yo!"

"Leave me alone Sammie! Ayoko makipag-usap sa kahit na sino!" sigaw ni Night na mabilis na hinahakbang ang mga paa. Nahihirapan tuloy makasunod si Lexine.

"Pwede bang pakingan mo muna ako?"

Pero hindi pa rin siya nito pinansin at dire-diretso na nagtungo sa nakaparadang itim na R8 Audi Coupe at nagmadaling pumasok sa drivers seat.

Nabahala si Lexine, "Night! Wait!"

Narinig na niya ang pagbukas nito ng makina, mas binilisan ni Lexine ang pagtakbo pero naka-andar na ang kotse ni Night.

"Night! Urg!" She grunted and quickly followed his car.

She used all her strenght to run as fast as she can, tutal nasa parking pa si Night kaya hindi pa ito makakaharurot ng mabilis. Buti na lang at nakatakbo ng mas maliksi si Lexine at agad humarang sa tapat ng kotse habang nakataas ang magkabilang braso sa gilid.

Napatapak sa break si Night at badtrip na bumusina. Tangina! Ang kulit ng babaeng 'to!

Nagdadabog na lumabas siya ng kotse.

"Ano ba? Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Hindi ba't sinabi ko na ayoko kitang makausap? Sammie umuwi ka na!"

Pero hindi nagpatinag si Lexine at hindi umaalis sa pwesto, "Hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nag-uusap!"

Nahilamos ni Night ang palad sa buong mukha, he grunted in frustrations. Hindi nakakatulong ang pangungulit ni Sammie. He's still badly mourning that he failed to find Lexine. This girl is such a nuisance.

"Fine! Then I'll turn the other way," humakbang si Night at aktong papasok ulit ng sasakyan.

Nabahala si Lexine, may kabilang way nga naman. Shit!

"Pag pumasok ka sa sasakyan na 'yan at tuluyang umalis, I'm telling you, you will never see your cupcake anymore! Ever! Again!" buong lakas at tatag niyang sigaw.

That caught Night attentions. Natigil ang kamay niya sa door handle ng kotse at nagtatakang napalingon kay Sammie.

"What did you say?"

Ha! Got yah with the magic word. Silently, ay nagdidiwang ang kalooban ni Lexine.

Taas noo niya itong hinarap, "You heard me, hindi ko na uulitin."

Labis na nagsalubong ang kilay ni Night at nagagalit na humakbang papalapit sa babae, "Sammie! Wala ako panahon makipag-inisan sa iyo, where the fuck did you get that word," nagdidilim na ang mukha niya.

Ngumuso si Lexine, "There's this one asshole who always call me cupcake. Sa kanya ko nakuha."

Mas lalong nalukot ang mukha ni Night at napatitig nang mabuti sa kaharap. He sighed, whatever is this bitch trying to play, nauubos na ang pasensya niya. He's fucking tired and he wants to go home.

"Whatever."

Bago pa man pumihit patalikod si Night maagap siyang hinila ni Lexine sa kwelyo at mabilis na tumingkayad saka hinalikan sa labi.

Natulala si Night sa nangyari, ngunit, matapos ang ilang sandali, isang ubod ng pamilyar na init ang mabilis na gumapang sa buo niyang katawan at para siyang baliw na nahulog sa napakatamis na gayuma ng mga halik nito.

Awtomatiko na pumulupot ang braso niya sa maliit nitong bewang at hinapit padikit sa katawan niya. Fuck! He missed her lips, nakalimutan na niya ang bigat ng problema niya.

Lexine felt like she was indeed born again under the warmest place on earth, only by his lips and touched she felt so alive once more. Pumulupot ang mga braso niya sa batok ng binata at mas mainit na tinugunan ang makapagtindig balahibo nitong halik.

Night was deliriously captivated by her sweet lips. God, how long has it been since he tasted this kind of heaven? Ito ang klase ng pakiramdam na tanging isang babae lang ang nakapaghatid sa kanya. Namumukod tanging dalaga na sinisigaw ng kanyang puso at buong pagkatao. Her lips brings him to his sanctuary.

Only her… only one girl… only Lexine.

Halos habulin nila ang hininga matapos bitawan ang labi ng isat isa. What the hell was that? He felt like he was brought to a realm of happiness.

Naghinang ang mga mata nila at ang lakas ng tibok ng dibdib ni Night. Sa sobrang lakas nabibingi na siya. This feeling… this kind of heat… why is this so…

Nang makabawi nang hangin saka nagsimulang magsalita ulit si Lexine, "Now tell me… am I not your cupcake?"

Parang malulusaw ang buong mundo ni Night, hindi siya makapaniwala, "Fuck, please don't tell me this is only a joke dahil tangina papata—"

Nahinto si Night nang muli siyang gawaran ni Lexine ng mabilis ngunit, madiin na halik.

"Papatayin ko ang kahit sinong magtatangkang halikan ka," tinitigan ni Lexine si Night sa mata at nagpatuloy nang hindi humihinga, "That's what that asshole told me before. And he also said na kahit ipis titirisin niya kapag dinapuan ako, na ako lang mundo niya, na I can never escaped him because he will never let me go and no one can take me away from him. That whatever or whoever blocked our path, he will never give up and we will always fight together."

Sunod-sunod na bumuhos ang patak ng mga luha sa mata ni Night. Ganoon din si Lexine.

"I'm back Night, I promised that I will come back for you and here I am. Because no matter how many times I die or how many lifetime I'll have. I'll always find ways to come in your arms again… and again and again."

Buong pagmamahal niyang hinaplos ang magkabila nitong pisngi, nahihilam na sa sariling luha ang mata ng binata at tinutusok ang puso niya sa sobrang saya.

"I love you so much Night."

"Lexine.. oh God it's really you!" mahigpit na hinagkan ni Night ang dalaga.

Finally, nakita na niya ito. Nandito na ito sa kanyang harapan. All this time she was just at his side. Kung saan-saan siya nagpunta para hanapin ito and now here she is. Alive and breathing. Warm and soft. Lovely and beautiful as always.

"Please don't tell me this is just a fucking dream, mababaliw na talaga ako... matutuluyan na akong masisiraan ng bait…" ani Night na hindi pa rin makapaniwala.

Natawa ng mahina si Lexine at buong pagmamahal na tinitigan si Night, "No, totoo 'to Night. Totoo ako, nandito ako, this is me."

"Can you please slap me?"

"Ha?"

"Fuck, just do it," Night grunted.

Kahit nagtataka ay sinampal siya ni Lexine. Malakas.

"Aww!" napanganga si Night dahil parang malalalag ang bagang niya sa lakas non. He remembered that kind of slap. Only one girl dare to slapped him.

"Fuck this is real!"

Lexine giggled, both of them are still in a cloud nine.

"But h-how did it happen?" tanong ni Night pagkuwan.

"I'll explain everything to you, lets go inside with everyone," sagot ni Lexine.

Tumungo si Night at sabay silang naglakad pabalik. Mahigpit niyang hinawakan ang palad nito dahil kahit kailan ay hinding-hindi na niya ito pakakawalan.

avataravatar
Next chapter