201 The price

KINABUKASAN ay sumama si Miyu at Elijah kay Orgon sa Bukidnon upang sunduin ang buong wolf pack. Nagpaiwan si Olive upang mas makapagpahinga at makabawi ng lakas sa pangangalaga ni Devorah.

Matapos maihatid ni Night si Lexine sa university ay bumalik siya sa Black Phantom upang pag-planuhan nila ni Eros ang mga susunod na hakbang. Kung bumubuo ng malaking hukbo si Lucas, kailangan din nila nang mas maraming kapanig upang kalabanin ito.

"I have to meet someone from the Warlock underground society, I'll be back," paalam ni Eros at nagmamadali itong umalis. Naiwan si Night sa silid habang nasa kabilang suite naman si Devorah at Olive.

Pagtingin ni Night sa oras ay 1pm na. Lunch time na ni Lexine kaya tinawagan niya ito at nag-video call sila.

"Have you eaten cupcake?" bungad niya sa nobya.

"Mamaya na ako kakain may kailangan lang akong tapusin sa library," sagot ni Lexine sa kabilang linya, "Okay lang ba si Olive?"

"Yeah, Dev is with her. I'll pick you at five?"

"Sige. Baby, ibaba ko na ha… papasok na ako sa library."

"Okay, I love you."

"I love you too," matamis itong ngumiti at ganoon din siya. Binaba na ni Lexine ang tawag.

Pinulot ni Night ang pakete ng yosi sa ibabaw ng center table at tumayo mula sa sofa nang biglang may tumusok sa kanyang dibdib. Agad siyang napaluhod at natumba sa sahig.

"Arghhhh…" namimilipit siya labis na sakit. Katulad na katulad ito nang naramdaman niya noong nasa rooftop sila. Ano ang nangyayari sa kanya?

"Ahhhhh… Arghhhh… Ahhhhh…" patuloy na gumapang ang matinding kirot sa buong katawan ni Night habang tila may kamay ang mahigpit na pumipiga sa puso niya at nahihirapan siyang makahinga.

Mas tumindi ang sakit na nararamdaman ni Night at nangingisay na siya sa labis na hirap. Isa-isang lumitaw mula sa leeg niya ang mga itim na ugat at mabilis na gumapang paakyat sa kanyang mukha. "Arghhhhhhh!"

Nagpagulong-gulong si Night sa sahig habang sapo ang dibdib. Hindi din mapakali ang ulo niya sa pagpihit sa iba't ibang direksyon habang patuloy na binalot ng itim na ugat ang buong mukha niya hanggang sa umabot na ang mga ito sa kanyang braso at buong katawan.

"Arghhhhhhh! Ahhhhhhhh!!" pumainlanglang ang mga hiyaw niya sa apat na sulok ng silid.

Nakatingala si Night sa kisame habang nakahiga, mula sa pagkakapikit, dumilat ang mga mata niya at mula sa color brown mabilis itong nagbago at naging puro itim.

Isang pares ng pulang sneakers ang lumapit sa kanya at tumayo sa kanyang tabi. Pinihit niya ang tingin dito at ang nakangising mukha ni Santi ang bumungad sa kanya.

"How's the excruciating pain Night? Isn't it lovely?" the little fucker smiled mischiveously.

Nangigigil si Night sa galit, sinasabi na nga ba niya at may kinalaman ito sa mga nangyayari sa kanyang katawan, "W-what d-did you do to m-me?" aniya sa hirap na boses na nasundan pa nang mas maraming pag-ungol.

Santi smirked. His round eyes darkly gazed at him as if though looking at a precious toy, "You sold your soul to the fruit of sin, embrace the price."

Muling napahiyaw sa sakit si Night, "F-fuck y-you… arghhhhhh!"

Bumungisngis ang maliit na tinig ni Santi, "Oh, I love too. Ano kaya ang mararamdaman ni Lexine sa oras na malaman niyang kasalanan niya kung bakit ka nagkakaganyan? After all, you did it for her."

Umupo si Santi sa tabi ni Night habang nasisiyahan sa nakikita, "For sure she'll be broken badly and shattered into little pieces. Sisisihin niya ang sarili niya," nilapit ni Santi ang mukha kay Night, "Or maybe… the moment she finally see the 'real' you. She will repent you. She's an angel and angel hates devil like us."

"Would Lexine still love you once you reveal the true monster hiding beneath you Night?"

Patuloy na namimilipit sa sakit si Night. Masama ang titig niya kay Santi. Tumayo si Santi at nakakalokong ngumiti bago humakbang palayo, "Till I see you again Grim Reaper."

Mabilis na naglaho si Santi at nanatili si Night sa paghihirap. Paulit-ulit na umiikot sa isipan niya ang mga binitiwan nitong salita.

"Night! Oh my god, what's happening to you?" natatarantang lumapit si Devorah nang makita ang kalagayan ni Night. Kanina niya pa naririnig ang sigaw mula sa kabilang kwarto kaya nagmadali siyang nagpunta ngunit, di niya inaasahan ang maaabutan.

Nagilalas si Devorah nang makitang binabalot ng itim na mga ugat ang buong katawan ni Night habang naging puro itim naman ang mga mata nito. Patuloy si Night na sumisigaw sa labis na sakit habang pumainlanglang ang hiyaw nito sa buong lugar.

**

NAKARATING SILA Miyu Elijah at Orgon sa Bukidnon. Nasaksihan nila ang kalunos-lunos na nangyari sa buong tribu ng Mutawi. Matatagpuan ang kanilang dating tahimik na komunidad sa paanan ng bundok. Walang natira sa mga tirahan, pangkabuhayan at maging mga tanim ng mga ito ay tinupok lahat ng apoy. Tanging maitim na abo ang at masasamang alaala ang iniwan sa kanila.

Natagpuan din nila ang mahigit tatlumpu na lapida. Sabay-sabay inilibing ang labi ng lahat nang namatay sa sunog. Marami din ang mga sugatan maging bata at mga babae ay hindi nakaligtas.

Labis na nadudurog ang damdamin ni Miyu sa mga nakita, "Kawawa naman ang mga inosenteng buhay. They don't deserve this. Napakawalanghiya talaga ng Lucas na 'yan," nangigigil niyang sambit.

"The more reason we need to fight and stop him. Dahil mas marami pang madadamay kung hindi siya titigil," saad naman ni Elijah.

Inasikaso ni Orgon ang mga nasasakupan at binalita na may bago silang lugar na malilipatan. Marami ang natuwa at nagpasalamat. Labis na hirap at trauma ang dinanas ng bawat isa sa kanila.

Tumulong ang dalawa sa pag-aayos, pag e-empake at paglilipat ng buong wolf pack. Pinaubaya ni Night kay Elijah ang susi ng malaking hacienda nito sa Ilocos. Nagdala rin sila ng limang truck na magiging service ng lahat sa paglilipat.

"Ang mga bata, babae at matatanda ang sasakay sa truck, ang mga lalaki ay sasabay sa aking maglakbay patungong Ilocos," malakas na utos ni Orgon.

Bilang mga werewolf maaari na silang mag-transform sa totoong anyo at dumaan sa gubat. Di nagtagal at handa na ang lahat. Nagsimula na silang maglakbay. Sumakay si Elijah at Miyu sa isang truck kasama ang mga matatanda. Nakasunod naman sa kanila ang mahigit labinglimang naglalakihang werewolf.

Inabot na sila nang takipsilim sa paglalakbay nang biglang huminto ang unang truck kaya huminto rin lahat nang nakasunod.

"Ano ang problema?" tanong ni Orgon mula sa likuran.

"Alpha, may naaamoy kaming paparating," sagot ng binatilyong werewolf na nasa unahan.

Suminghot ang lahat ng werewolf sa hangin. Orgon hissed as the rusty smell pricked his nostrils. Umilaw ang dilaw niyang mata at humarap sa mga kasamahan.

"Humanda kayong lahat, protektahan ang mga bata,babae at matanda," he lowly growled.

HELLO I CREATED A DISCORD CHANNEL "CUPCAKE-FAM" FOR EVERYONE FEEL FREE TO JOIN HERE'S THE LINK : https://discord.gg/sz7rHfN

avataravatar
Next chapter