204 Thank you

TATLONG KATOK ang narinig ni Elijah at Devorah. Paglingon nila sa nakauwang na pintuan nakatayo si Miyu.

"Everything okay?"

Ngumiti si Devorah at tinapos ang ginagawang orasyon upang pagalingin ang malalim na sugat ni Elijah sa balikat.

"He'll be fine, mahirap patayin ang masamang damo. But it would take some time before he fully healed, malalim ang sugat niya," paliwanag ni Devorah.

"Thanks Dev," tipid na ngumiti si Elijah.

"Don't forget to drink the herbal drink I made for you. Sige, maiwan ko na kayo and I'll check Olive," tumayo si Devorah at naglakad patungong pinto. Nagkangitian sila ni Miyu bago ito tuluyang lumabas.

Hindi makatingin nang diretso si Miyu kay Elijah na prenteng naka-upo sa kama nito. Nanatili siyang nakatayo sa pinto.

Napangisi si Elijah. He knows that she's concern pero halatang pinipigilan lang, "Are you here to say thank you?"

Napalunok si Miyu at namula ang pisngi. Mas lalong lumaki ang pagkakangisi niya.

Bumuntonghinga si Miyu at naglakad palapit kay Elijah. Huminto siya sa harapan nito at humalukipkip, "Thank you for saving me," aniya pero ang mata niya ay nakatingin sa kisame.

"Why don't you look at me? Hindi ko tatangapin ang thank you mo, coz you don't look sincere at all, I almost risked my life for you pero parang labas naman sa ilong ang pasasalamat mo."

Inis na bumaling si Miyu. Nakangisi na ang bampira at mukhang tuwang-tuwa na asarin siya. Damn this vampire! Pasalamat talaga ito at may utang na loob siya dahil never siyang magpapasalamat dito.

"Fine!" nilakasan niya ang loob at tinitigan ito sa mata, "Elijah, thank you for saving my life. I really appreciate what you did for me. Kung wala ka baka kung ano nang nangyari sa akin," she said in a more sincere tone.

Ang kaninang nakangisi na mukha ni Elijah ay naging seryoso. Taimtim na tumingin ang gray nitong mga mata kay Miyu at may kakakaibang emosyon ang sumasalamin doon na labis na nagpakaba ng dibdib ni Miyu. Bakit ganito ito makatingin sa kanya?

Dahil naiilang siya sa tingin nito, pinutol niya ang tinginan nila, "Nasabi ko na, that's all I need to say," agad siyang humakbang paalis nang bigla siyang pigilan ni Elijah sa braso.

Nagtatakang napabaling siya dito, "Ano ba Elijah?"

"That not what I want as a token," his voice was firm as his eyes instantly darkened.

Mas lalong kinabahan si Miyu at nanlaki ang mata, "Ano ba ang sinasabi—" napasinghap siya nang malakas nang bigla siyang hilahin ni Elijah at napaupo siya hita nito.

Nahigit niya ang hininga nang mabilis na tumusok sa ilong niya ang bango nito at ang pagkakakadikit ng kanilang mga katawan. Kumabog nang malakas ang dibdib niya halos kadangkal na lang ang distansya ng mukha ni Elijah sa kanya habang nakakulong siya sa mga braso nito.

"Elijah ano ba! Papatayin talaga kita!" sinubukan niyang pumiglas pero mahigpit ang kapit nito sa kanya.

"Hindi ko pa nakukuha ang token ko Hey, hindi na uso ang TY ngayon," muli na naman ito ngumisi nang nakakaloko.

"Ano ba kasi ang gusto mo?" singhal ni Miyu.

Napalunok nang madiin si Elijah at bumaba ang tingin sa mga labi ni Miyu. Something inside him fired up, the feeling of their skin together made him feel hot and…. a new kind of sensation. He likes the feeling of her petite body inside his strong arms.

Mas lalong kinabahan si Miyu at awtomatiko na napatitig din siya sa nakauwang na labi ni Elijah. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya sa kaba nabibingi na siya. Unti-unting lumapit ang mukha ni Elijah sa kanya at kahit gusto niyang magprotesta ay tila nanigas ang buong katawan niya at hindi niya magawang gumalaw.

Nahigit niya ang hininga nang maramdaman ang tungki ng ilong ni Elijah sa kanyang ilong at ang mainit nitong hininga sa tapat ng kanyang bibig.

Miyu! Kilos!

Pero bakit napako siya sa kinauupua? Hindi niya alam kung ano ang sumapi sa kanya at awtomatiko na pumikit ang mga mata niya nang maramdaman ang mainit, malambot at nakakabaliw na labi ni Elijah. Pakiramdam niya nakuryente ang labi niya na sumabog at gumapang sa buong parte ng kanyang katawan.

Ang magaan na halik ay lumalim. Elijah gently sucked her lower lip and savoured its sweetness. Miyu felt like her mind threw off to another galaxy as she was hipnotized under his electrifying kiss. Elijah wants more of her. He opened his mouth and without a warning, tresspassed her inside as he twirled his tounge in a circular motion as if looking for a treasure.

Napaungol si Miyu dahil kakaibang sarap ang naibibigay ng mga labi at dila ni Elijah sa kanya. Hindi niya namamalayang napapahigpit na ang kapit niya sa balikat ni Elijah at nadiinan niya ang sugat nito sa balikat kaya napa-ungol ito sa sakit.

Naputol ang halikan nila at doon lang siya natauhan. Dumilat ang mata niya at bumungad ang lukot na mukha ni Elijah. Napatingin siya sa balikat nito na dinidiinan ng kamay niya at tila napaso siya at agad binawi ang palad.

"Damn babe, masyado ka naman gigil sa akin," Elijah grunted but his eyes was twinkling in naughtiness.

Namula ang buong mukha ni Miyu! What the hell!

Sa inis niya ay sinapak niya si Elijah.

"Aw! Fuck!"

Mabilis siyang tumayo at galit na sininghalan ito, "Gago!"

Nagmamadali siyang lumakad palabas ng may namumulang mukha at tenga. She can't believe he let him kissed her and the fact that she enjoyed it pissed her more! Urgggh!!!

Naiwang nangingiwi si Elijah sa magkahalong tuwa at sakit. Hinawakan niya ang labi at umaabot hanggang tenga ang ngiti.

Wow, her lips taste heaven.

avataravatar
Next chapter