198 Save her

AFTER A WEEK ay balik na ulit sa normal ang routine ni Lexine, nakabalik na rin nang maayos ang pamilya niya sa Bicol. Kakatapos lang ng kanyang last subject at nag-aayos siya ng gamit sa locker nang tumunog ang cellphone niya.

Si Night ang tumatawag, "Baby, I'm just at the locker," sagot niya agad.

"Okay, I'll wait here at the front gate," sagot nito sa kabilang linya.

Binaba ni Lexine ang cellphone at tinawagan naman si Miyu na nasa comfort room dahil sasabay ito sa kanila pauwi. Ilang sandali pa at dumating ito na tila aligaga.

"Oh, ang tagal mo ata sa—"

Hindi na natuloy ni Lexine ang sasabihin dahil nagmamadali siyang hinigit ni Miyu sa isang sulok, "Bakit Miyu?"

"May nakita akong schoolmate natin na babae, hinahabol siya ng mga ravenium demons na sumanib sa janitor at security guard," mahinang bulong nito.

Nanlaki ang mga mata ni Lexine sa narinig, "Nasaan na sila?"

"Nakita ko siyang tumakbo papuntang fire exit, sa tingin ko aakyat siya sa rooftop."

Nabahala si Lexine, hindi pu-pwede na wala silang gagawin, "Let's go, we need to help her."

Nagmadali silang tumakbo ni Miyu patungong fire exit, nakita agad nila ang mga patak ng itim na likido sa sahig na paakyat sa taas. Nagkatinginan si Lexine at Miyu. Tama nga ang hinala nila na sa rooftop patungo ang mga ito. Agad nilang sinundan ang mga patak hanggang sa makaabot sila sa metal na pintuan.

Dahan-dahang binuksan ni Miyu ang pinto upang sumilip at sabay silang napasinghap ni Lexine nang makitang hawak-hawak ang babae ng dalawang janitor habang may isa pang guard ang nakatayo sa harapan nito.

Kumpirmado na sinapian ang mga ito ng ravenium dahil sa namumuting mga mata at maiitim na ugat sa kanilang mga mukha.

"Ano'ng kailangan nila sa kanya?" bulong ni Miyu.

Ang schoolmate nila ay payat at maliit na babae, nasa mukha nito ang labis na takot sa mga kaharap.

"I don't know but we need to save her, teka, tatawagan ko si Night," kinuha ni Lexine ang cellphone at mabilis na nag-dial pero bago pa man mag-ring ang tawag niya aksidenteng natabig ni Miyu ang isang balde na nasa tabi ng pintuan at nakagawa ito nang malakas na ingay.

Agad na lumingon ang tatlong ravenium sa pintuan at nahuli silang nakasilip, "Oh shit!" napasinghap si Miyu.

Tila hayop na mabilis tumakbo ang security guard at sinugod sila. Napatili si Lexine nang binaklas ng ravenium ang metal na pinto. Nabitawan niya ang cellphone sa gulat.

"Lexine? What happened? Lexine? Lexine?!"

Hindi na niya nagawang sagutin si Night sa kabilang linya dahil mabilis na hinablot ng galit na ravenium ang kwelyo ni Miyu at tila papel na hinagis palayo.

"Miyu!"

Nagpagulong-gulong si Miyu sa semento.

"Yo nari seheraz pirizo hadonzi keleizi mera mera zipi si Panoharu (kung su-swertehin nga naman at ikaw pa ang kusang lumapit sa amin Nephilim, tiyak na matutuwa ang aming Panginoon)

Mabilis na hinablot nito ang braso ni Lexine at kinaladkad siya na parang basahan.

"Let me go you dirty scumbag!" pinagsisipa ni Lexine ang security guard pero matigas pa ito sa bato.

Samantala, babangon sana si Miyu mula sa pagkakadapa nang madiin na tinapakan ng isang janitor ang mukha niya at inipit siya.

"Fuck…" nangigigil ang ngipin niya. Nanakit ang buong katawan ni Miyu lalo na at masama ang pagkakabagsag niya. Ramdam niya ang pagtunog nang buto niya sa balakang.

"Hara hara zelmis rohazi lemis sile, (mahinang sorcerres 'wag ka nang manlaban) nang-iinis na utas ng ravenium.

Sinubukan ni Miyu na gumamit nang mahika, pinailaw niya ang kanang kamay ngunit, malakas na inapakan ito ng ravenium napahiyaw siya sa sakit dahil maging buto niya sa daliri ay nadurog.

"Miyu!" nag-aalalang sigaw ni Lexine.

"Matutuwa ang Panginoon dahil hindi lang ang kapatid ni Orgon ang dadalhin natin sa kanya kundi pati ang Nephilim," isang malalim na boses ang nagsalita.

Napalingon si Lexine sa likuran niya. Nakatayo doon ang isang lalaking Lethium Demon. Nanlaki ang mata niya. Kilala niya ang demon, ito ang lalaking nakabangaan niya sa Black Phantom noong pangalawang beses niyang nakapunta sa club. Ang mahaba at itim nitong buhok na nakapusod maging ang gwapo nitong mukha. Ngunit, nakakakilabot pa rin ang puro itim nitong mga mata.

"It's good to see you again, Nephilim," nakakaloko itong ngumisi at naglakad palapit sa kanya.

Nangigigil sa galit si Lexine, nilingon niya ang kawawang babae na bihag din ng janitor. Sugatan ito at sira-sira ang damit, mukhang napuruhan ito sa pakikipaglaban bago pa man sila makarating ng rooftop. Habang nanatili naman nakadapa si Miyu at inaapakan ng ravenium.

Tumayo sa harapan ni Lexine ang makisig na Lethium Demon. Hinawakan nito ang baba niya at nilapit ang mukha sa kanya habang hindi pa rin nawawala ang nakakaloko nitong ngisi.

"Mukhang pumapabor ang tadhana sa akin at nakatuhog ako ng dalawa."

Masama ang tingin ni Lexine dito. Sa isip niya alam niyang ilang sandali na lang at darating na si Night.

"Wag ka munang magdiwang dahil hinding-hindi ako sasama sa inyo."

Mas lumaki ang pagkakangisi nito at nilapit ang mukha sa kanya. Mula sa baba niya gumapang ang kamay nito sa kanyang pisngi, panga, leeg at bigla siyang sinabunutan sa batok at pwersadong tiningala ang mukha niya.

Pinilit ni Lexine na magpakatatag at hindi kumukurap na tinignan ito nang matalim. Hindi siya magpapakita ng takot dito.

Tinitignan siya nito nang buong pagnanasa, "Tipo ko ang mga babaeng palaban na katulad mo," nilapit nito ang bibig sa sintido niya at parang adik na suminghot nang madiin sabay pumikit, "You smell so good Nephilim, sa amoy mo pa lang tinitigisan na ako."

Nandidiri sa galit si Lexine, "Bitawan mo 'ko."

Sinakal siya nito gamit ang isang kamay at mabilis na nanikip ang lalamunan niya nahihirapan siyang makahinga. Tumawa ang demon na parang baliw.

"You're making me really horny darling. Maybe I should fuck you now in front of your friends."

Nagilalas si Lexine nang bigla siya nitong tinulak at pinatuwad sa sahig at mabilis na hinablot ang suot niyang pantalon upang hubaran siya. Napasigaw siya nang malakas.

Subalit, kasunod nang iyak niya ang biglang pagtilapon palayo ng katawan nito sa malayo.

"How dare you touch my girl," Night hissed in rage. Nanlilisik nang husto sa galit ang mga mata niya habang nakatayo sa kabilang panig ng rooftop at sakal ang Demon gamit ang isang kamay. Umangat ang mga paa nito mula sa sahig.

Nagdidilim nang husto ang paningin niya nangangati siyang kumitil, "Papatayin kita putangina ka."

Nang-iinis na umismid ang Lethium, "You forgot to watch your back."

Huli na para makalingon pa si Night. Nanlaki ang mata niya sabay napabuka ang bibig nang maramdaman ang matinding hapdi sa kanyang likuran. Isang ravenium ang mabilis na umatake at kumalmot sa kanya.

"Night!" iyak ni Lexine.

Natumba si Night at nabitawan ang Lethium. Napasinghap siya sa sakit dahil malalim ang sugat na binigay ng ravenium. Namilipit siya sa sahig.

Nakakalokong tumawa ang Lethium at lumuhod sa tabi niya, "Masyado kang mayabang Tagasundo."

Nangigil si Night sa galit. Bukod sa sakit na gawa nang malalim na sugat sa kanyang likuran. May isang kakaibang pwersa ang pumipigil sa kanyang makagalaw. Naparalisado ang buo niyang katawan.

"I'll f-fucking bring you b-back to h-hell…" matalim ang titig ni Night sa demon habang nahihirapan na siyang magsalita dahil umabot na ang pamamanhid hanggang sa kanyang mukha.

avataravatar
Next chapter