150 Reunion

NAMAYANI ang napakatagal na katamikan sa buong Black Phantom Club. Ni walang nais kumibo at lahat ng atensyon ay nanatili kay Eros. Habang sa isang sulok tila naging isang rebulto si Devorah. Nawala ang kulay sa mga mukha habang hindi binibitiwan ang titig sa dating nobyo. Umiikot ang sikmura niya at pakiramdam niya sa bawat segundong lumilipas ay lalo siyang nalulunod sa kailalim ng mga mata ni Eros na nagpapaalala sa kanya ng mga bagay na pinilit niyang ibaon sa ilalim ng lupa.

Ilang sandali matapos matulala, sa wakas at muling natauhan si Elijah. Malaki ang ngiti na nilapitan nito ang kaibigan. "Man, long time no see. Finally at lumabas ka rin ng lungga mo."

Naputol ang tingin ni Eros kay Devorah at napangisi nang malaki sa makisig na bampira. "How are you, Elijah? It's good to see you again."

"As always, hot and gorgeous."

Eros smirked. "You mean, vain and narcissistic?"

"Fuck you, I'm not vain!"

"Pero gwapong-gwapo lang? Buti hindi ka pa na-iinlove sa sarili mo?"

"Shut up, man. I've missed you!"

Nagkatawanan ang dalawa na parang mga batang kolehiyo at nag-hand shake sabay tinapik ang balikat ng bawat isa. Bakas sa nagliliwanag na mukha ng mga ito ang labis na tuwa sa muling pagkikita. Two of the most remarkable gentlemen from the vampire clan and warlock clan, finally reunited after so many years. Indeed, it was a night to remember in Black Phantom Club.

Meanwhile, nagpabalik-balik ang tingin ni Miyu mula sa dalawang nag-reunion at kay Sammie na nanatili pa rin sa loob ng shield. Namumutla na ang buong mukha nito at sigurado siyang labis itong natakot sa mga nangyari. Si Night naman ay nanigas sa kinatatayuan habang nagmamasid kay Eros.

Nagbuga ng hangin si Miyu. Seriously? Talagang dito pa nag-moment ang mga ito habang naiwan ang kaibigan niya sa loob ng shield. Mano man lang pakawalan muna si Sammie bago nagkwentuhan diba? Ugh. She really hate men! They're all like a kid hiding in a big body. She cursed under her breathe. "Losers."

Nagdadabog na nilapitan niya si Sammie. Fuck these morons! Pasikat pa masyado ang lalaking nakasuot ng cowboy-hat. Anung meron at trip nitong magpa-engrande ng dating? Kung hindi lang siya natabig ng mga member ng Black Phantom, she could have saved Sammie on her own. Hmp! Papakita niya sa mga lalaking ito kung sino ang magaling pagdating sa mahika.

Tinaas ni Miyu ang kaliwang kamay. Nag-init ang mata niya. Tila ahas na gumapang ang enerhiya sa kanyang braso patungo sa kanyang kamay. She chant a spell, "La soltó!" Binalot ng purple na liwanag ang palad ni Miyu at tila nabasag na salamin na nasira ang shield na pumapalibot kay Sammie.

Saka lang natauhan si Sammie mula sa matagal na pagkatulala. "M-miyu?" bulong niya sa nanginginig na boses. Kanina niya pa pinipigilan ang hininga at nang masilayan ang mukha ni Miyu ay saka niya lang nagawang pakawalan ang bigat sa dibdib. Ang buong akala niya ay mamatay na siya. Muntik na siyang mapahamak at siguradong mababali ang lahat ng buto niya kung natuluyan siyang tamaan ng malaking loob. Pakiramdam niya tuloy naging jelly ang mga tuhod niya sa sobrang panghihina niyon.

Saka lang napansin nina Elijah, Eros, Night at Devorah na nasira na pala ang shield. Nang makita ni Night ang namumultang mukha ni Sammie ay nataranta siyang naglakad palapit sa kinaroroonan ng mga ito. Pansamantalang nakuha ni Eros ang atensyon niya. Bago pa man siya makarating dito ay tumirik ang mga mata ni Sammie at agad natumba. Mabilis ang reflexes ng mga braso niya upang saluhin ang dalaga ngunit nauna na itong bumagsak sa bisig ng babaeng katabi nito.

"Sammie!" Agad siyang dumalo sa dalawang babae.

"Sammie! Sammie!" paulit-ulit na tawag ni Miyu habang niyuyugyog ito.

"Give her to me!"

Natigil si Miyu nang biglang lumuhod si Night sa gilid at inagaw ang kaibigan niya na para bang isa itong bagay na pagmamay-ari nito. Nag-init agad ang ulo niya at binuka ang bibig pero naurong agad ang dila niya nang makita ang labis na pag-aalala sa mukha ng makisig na binata. Unang tingin pa lang ni Miyu dito ay naramdaman na agad niya kung sino ang kaharap. Ito ang sikat na Tagusundo. Kung ganoon, ito rin ang Night na tinutukoy ni Sammie na nobyo ni Lexine?

Hindi na siya tumutol pa nang binuhat nito ang kaibigan niya. Sumunod na lang si Miyu nang dalhin ito ni Night sa second floor.

avataravatar
Next chapter