35 Promise to self

PINANGAKO ni Alexine sa sarili ang tatlong bagay: una, hindi na siya magpapakitang natatakot sa harap ng prinsipe ng kadiliman, pangalawa, lalaban siya rito sa kahit anung paraan hanggang sa makakaya niya at pangatlo, hinding-hindi na siya magpapa-apekto sa pang-aakit at panunuksong ginagawa nito sa kanya.

"Girl, umamin ka nga sa `min ano ba talaga'ng meron sa inyo ni Night?" tanong sa kanya ni Xyrille sabay kagat nito sa malutong na sliced apple. Kasalukuyan silang kumakain sa cafeteria.

Tumirik ang dalawa niyang mata. "Walang meron sa `min."

Humaba ang nguso nito. "Really, huh? Then why do I always catch him looking at you? And remember sa parking lot? When he first came here? Iba ang titig niya sa `yo. Masyadong malagkit... masyadong hot!"

"Oo nga. Palagi siyang kakaiba tumitig sa `yo lalo na sa class natin kay Mr. Hernandez. Natatapos ang buong klase na nakatitig lang siya sa likuran mo. Weird, pero ang sexy niya talaga!" kinikilig na dugtong ni Janice. Dumampot din ito ng isang piraso ng sliced apple mula sa plastic container sa gitna ng lamesa.

"Maybe he likes you. You're so lucky, girl. Ikaw na talaga ang pinagpala sa babaeng lahat!" Inilahad pa ni Xyrille ang dalawang palad nito sa langit.

"Stop it, girls. Mali `yang iniisip niyo." Pinandilatan niya ng mata ang dalawa. Ayaw niya na isipin sa campus nila na may something sa kanila ni Night. Ni madikit lang kahit ang pangalan niya sa bwisit na lalaking `yun ay ayaw niya. Kinamumuhian niya ito ng buong puso't kaluluwa.

"Speaking of the devil."

Napasulyap si Lexine kay Janice. Sinenyasan siya nito gamit ang nguso nito at may tinuturo sa kanyang likuran. Lumaki ang butas ng ilong niya at kahit `di na siya lumingon ay alam na agad niya kung sinung papalapit. Naamoy na niya ang kalaban. Nagkunwari siyang busy sa pagkain at pagbabasa ng libro.

"Hi, sweethearts. Mind if I share with you?"

Boses pa lang nito ay nagrarambulan na agad ang mga alaga niya sa tiyan. Mag-behave kayo riyan! Hindi na tayo dapat nagpapadala sa demonyong `yan!

Halos mamilipit naman sa kilig ang dalawa niyang katabi. "Sure, nireserve talaga namin `to para sa `yo, eh." Biglang lumiit ang boses ni Xyrille habang panay ang pagpikit at bukas ng mga mata nito na parang napupuwing.

Gustong tumawa ni Lexine sa akto ng kaibigan niya but she stopped herself. She needs to maintain her poker face. Buong gabi niya ata `yong pinagpraktisan sa harap ng salamin. Naaninag niya si Night na umupo sa kanyang harapan. Sa kanan niya nakapwesto si Xyrille at sa kaharap na upuan naman nito si Janice.

"Hi, cupcake. Missed me?"

Malakas at eksaheradang suminghap ang dalawa sa tabi niya. Nanlalaki ang mata ni Xyrille na tumitig kay Janice. Bumuka ang bibig nito na walang tunog. "Cupcake?"

Kinalma ni Lexine ang sarili. She makes sure na mas blangko pa sa papel ang mukha niya. "Bakit ko naman mamimiss ang katulad mong anak ni Satanas?" Tinaasan niya ito ng isang kilay.

Pilyo ang ngiti ng gunggong. Nilalaro pa nito ang ibabang labi gamit ang dila nito na lalong nakadagdag ng inis niya. Why the hell does he always do that tongue teasing? Ugh!

Promise number three, Lexine! Hinding-hindi ka na magpapaapekto sa seducing powers niya!

Sinandal ni Night ang dalawang braso nito sa ibabaw ng lamesa at taimtim siyang tinitigan sa mga mata. Nakipagtagisan naman siya ng titig dito. Kung staring game at walang kukurap ang gusto nitong laro, pwes, hindi niya ito uurungan!

Pasimpleng siniko ni Xyrille ang braso niya dahilan ng pagputol ng tinginan nilang dalawa. Hinarap niya ang kaibigan. Pasimpleng pinandilatan siya nito ng mata. "Ikaw naman, Lexi, you're so sungit. May dalaw ka ba?" Tumawa ito nang pilit. "Night, sorry, ah. Ganyan lang talaga maglambing si Lexine."

Sa ilalim ng lamesa ay pasikretong sinipa ni Xyrille si Janice sa tuhod. Muntik na itong mapasigaw pero agad itong pinandilatan ng mata ni Xyrille.

"Ara—ah! Oo nga! G-ganyan talaga siya. Sa una masungit pero `pag close na kayo, ay naku! Sobrang bait niyan. Mahihiya ang mga anghel sa langit."

Gusto ng ingudngod ni Lexine ang mga kaibigan niya na lantaran siyang binubugaw. Hindi ba nararamdaman ng dalawa na ayaw niya sa bwisit na gunggong na ito?

Night silently chuckled. His ego was obviously dancing. Sa inis niya ay inirapan niya ito. Hmp! Feelingero!

Muling nagsalita si Xyrille. "How `bout you, Night. Did you miss Lexine?"

`Di makapaniwalang nilingon ni Lexine ang katabi. What the hell? Pasimpleng kinurot niya ito sa tagiliran pero hindi pa rin ito nagpapaawat. Tila mga batang nag-aabang ng sagot ang dalawang maharot.

Without breaking his gazes on her, Night said the words in a low and soothing voice. "Yeah, I missed her... badly."

Halos umabot hanggang kisame ang kilig ni Xyrille at Janice habang nagkulay kamatis naman ang mukha ni Lexine. Night just kept on staring at her as though he really meant what he said. Pero alam naman niyang pinaglalaruan lang siya nito. "Do you know what's running on my mind right now?" He asked out of the blue.

Tila naputol ang dila niya. She doesn't like where the conversation is going. Nangangati na'ng mga paa niyang lumakad paalis pero pinangako niya sa sarili na hindi na siya magpapaapekto sa lalaking ito.

"Ano?" excited na tanong ni Xyrille.

Night keenly locked his eyes at Lexine as though she was a puzzle that he was obsessing to solve. Her palm started to sweat and her heartbeat abruptly increases. Mula sa mata niya bumaba ang titig nito sa kanyang labi. Na-conscious siya at awtomatikong kinagat `yon.

"I want to have a taste of those sweet little lips again."

Nanuyot ang lalamunan ni Lexine sabay ng pag-iinit ng magkabila niyang tenga. How could he say those words in front of her friends? Freaking demon slut! Naaninag niya sa kanyang peripheral vision ang pangingisay ng dalawa niyang katabi pero hindi niya `yon pinansin.

Pinilit ng dalagang pakalmahin ang sarili at muling binalik ang kanyang poker-face. He was obviously playing dirty and he's trying to distract her. Hindi siya magpapatalo rito

"Sad to say, but I don't miss your lips at all. It tastes like dirt." Eat that, you damn grim reaper!

Umangat ang sulok ng labi nito. "Really? Are you saying that I'm not a good kisser?"

Tumaas ang noo niya. Ha! Bulls-eye. Boys and their ego.

"`Di pa ba obvious? Should I say in detail how much I hate it? No, hate is an understatement. I despise it! It was the worst.kiss.ever."

Nanliit ang mga mata nito. The way he smiled at her was dangerous. "Are you challenging me?"

Tinaasan niya ito ng kilay and answered him back with a smirk.

Mas lalong nilapit ni Night ang mukha nito sa kanya. "I'm taking every challenge seriously. Mark my word, cupcake. The next time I'd kiss you..." dinikit nito ang bibig sa tainga niya, "It would be the best.kiss.of your life. And I'm going to destroy that feisty mouth of yours."

Mas malakas at mas eksaheradang suminghap ang dalawa sa gilid niya. Sa sobrang kilig ni Xyrille ay sinasabunutan na nito si Janice. Nanggigigil si Lexine gusto niyang manapak ng diablong may tsokolateng mga mata. Pakiramdam niya isa siyang umuusok na electric kettle. Nag-iingay ang mga raging cells niya sa katawan at puro pula ang nakikita niya.

Warning!

Danger!

Must!

Exit!

ASAP!

Tumirik ang mga mata niya, tumayo at nagdadabog na naglipit ng mga gamit. "I have to go. Pumangit ang ambience rito." Tuluyan siyang umalis ng table at katakot-takot na irap ang pinukol niya kay Night.

"Lexi, wait!" sigaw ni Xyrille. "Ah, mauna na kami. Bye, Night! See you in class!" Kinikilig pa nitong paalam sa binata bago natatarantang humabol kay Lexine.

"Hallelujah! Praise the Lord! Sa `yo na talaga ang korona!" Hindi pa rin tumitigil si Xyrille at pinatong ang invisible crown sa tuktok ng ulo niya. Habang si Janice naman ay umaalalay sa kanyang likuran na animo bitbit ang mahaba niyang buhok. "Excuse me, tabi po! Tabi po! Dadaan ang reyna! Oops! Ang buhok. Baka makatisod sobrang haba, eh, umaabot hanggang EDSA!"

Inulanan siya ng kantyaw mula sa dalawa. "Stop it girls, it's not funny!" aniya na may kasamang pag-tirik ng mga mata.

"Sus! Pikon mo, girl. Oh, heto, kumain ka na lang ng apple para mawala `yang asim ng mukha mo." Inabutan siya ni Xyrille ng isang slice.

Umiling siya. "I don't like apple."

"K, fine, whatever!"

Samantala, naiwan si Night sa lamesa habang hindi maitago ang ngisi sa labi. Sinundan niya lang ng tingin ang likod ni Lexine habang naglalakad ito papalayo na may namumulang tenga. No matter how tough or bad his day was. It instantly brightens up every time he sees her troubled expressions. Irritating her is his happy pill. How cute!

avataravatar
Next chapter