57 Night vs Cael [2]

BALISA AT NATULALA si Lexine. Ang buong akala niya ay nakita na niya lahat ng nakasisindak sa pagkatao ni Night pero nagkamali siya. Patunay na totoo ang sinabi ni Madame Winona. Walang sinuman sa mundong ito ang makapapantay sa angkin nitong kapangyarihan.

Lumapit si Night sa anghel. Nakahandusay na ito sa sahig, sugatan at tila lantang gulay ang katawan. Nag-ubo ito ng dugo. Inangat ni Night ang sleeve ng suot na jacket. Sa loob ng kaliwang braso nito nakapinta ang isang malaking tattoo ng kambal na ahas. Nakapulupot ang katawan ng mga ito sa isa't isa na katulad ng numerong walo. Kinakain ng dalawang ulo ang parehong buntot.

"Luxuria!" Gumuhit ang asul na ilaw sa marka.

Mula sa kinatatayuan ni Night lumitaw ang malaki at bilog na pentagram na binabalot ng asul na liwanag. Mula sa paanan nito mabilis na gumapang ang crack sa semento. Unti-unting umangat ang lupa at nabiyak sa gitna. `Di nagtagal at tuluyang bumukas ang lagusan mula sa impyerno. Makikita ang kumukulong lava sa loob niyon.

Magkasunod na kumapit sa conrete ang dalawang pares ng buto't balat na kamay na may matutulis na kuko. Unti-unting lumitaw ang dalawang ulo mula sa butas hanggang sa tuluyang gumapang palabas ang dalawang halimaw. Sa bawat paggalaw ng ulo at balikat ng mga ito maririnig ang malutong na paglagutok ng buto. Sabay na humiyaw ang dalawang halimaw; matining at makabasag pinggan.

Si Luxuria—ang pangatlo sa pitong alipin ng prinsipe ng dilim––ay babaeng kambal na may ubod nang haba at itim na buhok. Bawat hibla niyon ay animo mga buhay na ahas na gumagalaw sa hangin. Walang laman ang payat at buto-butong katawan ng mga ito. Lubog ang pisngi at nangingitim ang ilalim ng pula at nanlilisik na mga mata. Nanunuyot ang nangingitim na balat, matutulis ang nangingitim na kuko at labi. Ang puti at sira-sirang bestida na suot ng dalawa ay duguan at ang laylayan niyon ay tila gripo ng dugo na tumutulo sa sahig. Tinatawag ang mga ito na Banshee.

Lumutang ang kambal na banshee sa ibabaw ni Cael. Hinawakan ng isa ang balikat nito at binuhat sa hangin. Ang isa naman ay pumuwesto sa harapan ng anghel, nag-angat ng isang kamay at hinanda ang matutulis na kuko upang dukutin ang puso ng binata.

Mabilis na nilubayan ng kulay ang mukha ni Lexine. Tila huminto ang oras kasabay ng kanyang paghinga. Nagpakawala ng makatindig balahibong tili ang banshee at buong pwersa nitong sasakmalin ang dibdib ni Cael. "KEEEEEEEEH!!"

Tinaas ni Lexine ang dalawang kamay at umiiyak na sumigaw, "Please, huwag!"

Natigil ang halimaw sa simpleng pag-angat ng hintuturo ni Night. Halos isang pulgada na lang ang layo ng kuko ng banshee sa dibdib ni Cael.

Halos habulin ni Lexine ang paghinga. "Night, please, don't do this. I'm begging you." Kulang na lang ay lumuhod siya.

Malamig ang mga mata na sumulyap sa kanya ang prinsipe ng dilim. Alam ni Lexine sa sarili na hawak niya ang alas. Dahil kung may isang bagay man na gustong-gusto nitong makuha, iyon ay walang iba kundi siya.

"Please, please, don't kill him I... I..."

Nanghihina ang mga tuhod na nilingon niya si Cael. Halos hindi na ito makakilos at parang lantang gulay na bitbit ng halimaw. Naghihirap itong bumulong. "Alexine... H-huwag."

Umiling siya. I'm sorry Cael, but I won't let you and Ansell die.

"What?" tanong ni Night. The devil's face was stone cold, but his eyes were flaming in anticipation.

Napapikit si Lexine. Hindi niya inakalang darating siya sa puntong ito. Huminga siya nang malalim upang buuin ang halos nadurog niyang puso. "I'll do everything you want just please... please, don't kill them." Tuluyan na siyang napaluhod sa sahig.

"Alexine hindi! Makinig ka sa `kin. Hindi mo `to kailangang gawin!" Sinubukan kumawala ni Cael pero hindi ito binibitawan ng banshee.

Umiling siya. "Hindi kita pwedeng hayaang mapahamak dahil mapapahamak din si Ansell."

Lumapit sa kanya si Night. Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat at dahan-dahan siyang itinayo. Kinuha nito ang baba niya at sinalubong ang mga mata niyang hilam sa luha.

"That's what I like about you, cupcake. You're soft but brave."

Lumingon muli si Lexine kay Cael. Sawing-sawi ito sa ginawa niyang desisyon. Hindi niya hahayaang malagay sa peligro ang mga mahal niya sa buhay kahit ang maging kapalit ay ang kanyang sarili.

Naramdaman niya ang pamilyar na init ng mga bisig ni Night. Pinulupot nito ang isang braso sa kanyang bewang at ang isa naman ay pinatong nito sa tuktok ng kanyang buhok. Hiniga nito ang ulo niya sa dibdib nito. Magaan nitong hinalikan ang kanyang noo gaya ng nakaugalian nitong gawin. Tumagal ng ilang segundo ang labi nito sa balat niya bago ito yumuko at taimtim na tumitig sa kanyang mga mata.

"Now, you're all mine." His eyes were like the eyes of an emperor who conquered the greatest war of his life.

Tumindig nang husto ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Unti-unti silang pinalibutan ng makapal at maitim na usok.

Muling nilingon ni Lexine si Cael sa huling pagkakataon. Naghihirap itong gumagapang patungo sa kanya. Nakataas ang isang kamay nito na pilit siyang pinipigilan.

"Alexine, huwag kang sumama sa kanya! Pakiusap, Alexine!"

Pumatak ang kanyang luha bago sila tuluyan nilamon ng dilim.

"ALEXINE!!!!"

avataravatar
Next chapter