242 Nice to meet you [1]

"Good morning Cap!" bati ng empleyadong ginang na nakasalubong ni Miguel paglabas niya ng elevator.

"Good morning," matamis na bumati pabalik si Miguel. Cool na cool siyang naglalakad sa loob ng malawak na opisina sa loob ng headquarter ng AFP sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Marami pa ang bumati sa kanya at ganoon din siya. Karamihan sa mga kababaihan ay matamis na ngumingiti lalo na at crush na crush siya ng mga ito. Bukod sa isa si Miguel sa pinakabata na kabilang sa commission officers ng Army. Siya rin ang pinaka-gwapo at mabenta sa mga kababaihan. Mapa-bata man o matanda ay nangingisay na sa kilig sa isang ngiti niya pa lang.

Isa sa pinaka-nagpapacute sa kanya si Betty. Ang sexi-tary ng kanyang lolo. Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Betty nang makitang paparating si Miguel. Mabilisan itong nanalamin sa cellphone, tinaas ang push-up bra at tinangal ang unang dalawang butones upang ipakita ang cleavage.

Agad siyang tumayo sa silya sabay umupo sa ibabaw ng table at nag-pose na para bang magpo-photoshoot sa FHM Magazine. Nilagay niya ang magkabilang kamay sa likuran, niliyad ang likod at tinagilid ang ulo. Para mas seksi, kinuha niya ang ballpen sa pen holder at kinagat ang dulo niyon.

"Good morning Captain Miguel," napakasensual na sabi ni Betty. Iyong tipong nauubusan pa siya ng hangin.

Napangisi ng malaki si Miguel. Isa si Betty sa mga na-i-kama na niyang babae. Mga dalawa o tatlong beses na rin. Hindi na niya kasi maalala. Basta ang natatandaan niya lang ay magaling itong kumanta…gamit ang batuta.

"Hi Betty, where's Lolo?"

Umayos ng upo si Betty at mas lalong niliyad ang dibdib na kulang na lang ay hilahin niya ang batok ni Miguel at ingudngod ang nguso nito sa cleavage niya, "Nasa loob po ng office si General. May kausap na babae," aniya sa mas hinihingal na boses.

Napakunot ang noo ni Miguel, "May hika ka ba Betty?"

"Wala po Cap," sagot niya na hindi nagbabago ang tono.

Napailing na lang si Miguel. Parang kinakapos sa hangin ang babae at di niya mawari kung nag-jogging ba ito bago pumasok ng opisina.

"Okay, pasok na lang ako," naglakad na siya patungo sa pintuan ng office ng Chief of Staff.

Naiwan naman si Betty na hindi bumibitaw ng tingin sa makisig na binata. At dahil nakatalikod na ito kaya malaya niyang napagmasdan ang mabilog at mataas nitong puwet na bakat sa suot nitong maong pants.

Hinawakan ni Miguel ang door handle ng pinto at pinihit na ito nang marinig niya ang nagtatawanang boses sa loob. Napakunot ang kanyang noo, bakit tila pamilyar sa kanya ang boses ng babae? Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at nanlaki ang mata ni Miguel nang tuluyang makita kung sino ang katawanan ng lolo niya.

Sabay na pumihit ang ulo ng dalawa sa direksyon ng pinto, "Oh, nandito ka na pala Migz. Halika pumasok ka."

Saglit na natulala si Miguel sa babaeng kasama ni General Benjamin. Hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ito mula ulo hanggang paa. The woman is wearing a pointed black boots na hanggang tuhod. She's wearing blue maong pants na hapit sa katamtamang bilog ng mga hita at balakang, paired up with black crop-top. Kung hindi dahil sa suot nitong maong denim vest ay kitang-kita na niya ang kurba ng petite nitong katawan. Her stomach is perfectly flat and toned at may piercing pa ito sa pusod.

Umakyat ang mata niya sa mukha ng babae. She's sweetly half smiling to him. She's wearing nothing on her face; except a bright red lipstick that looked gorgeously hot on her porcelain skin while her medium long hair was loosely tied up at kulot ang dulo. May iilan hibla ng buhok ang tumakas sa tali na lalong nagpakaganda sa mukha nito. How in the world can a women possess an innocent angelic face at the same time undeniably seductive without trying hard to be sexy at all?

Napalunok nang madiin si Miguel lalo na nang magsalita ito at marinig niya ang napaka-sweet nitong boses.

"Hi Captain, it's good to see you again," matamis na ngumiti si Lexine sa lalaking pwede nang pasukan ng isang buong pakwan ang bibig sa pagkakabuka. She can still clearly remembered the exact facial expression he made when he saw her at the Pink Ladies nightclub.

Pero dahil madilim noon at nakikipaglaban siya kay Mr. Park kaya hindi niya masyadong nabigyan ng pansin ang itsura nito. Ngayon na maliwanag at walang kaguluhan sa paligid, Lexine realized that this man was actually a good catch.

He's wearing a brown leather shoes, skinny pants, and white polo na naka-tuck in habang nakatupi naman ang sleeves nito. His face is clean and well shaved, the man possess a thin manly lips that has a pinkish color, his square jaw faced matched his pointed nose and high cheekbones. Katamtaman lang ang lubog ng pisngi nito na lalong nag-enhance ng kanyang panga. He have a dark brown eyes and naturally long lashes. Military cut din ang buhok nito na faded sa gilid, neatly brushed up ang konting buhok nito sa tuktok ng ulo.

Hmm, not bad at all.

avataravatar
Next chapter