79 Nanggigigil ako sa'yo

"MOMMY!!! DADDY!!!" Masayang nagtatalon si Lexine nang makitang naglalakad na ang mga magulang papasok sa ballet studio. Kakatapos lang ng kanyang dance practice.

Sinalubong niya ng talon at yakap ang ama at tila unggoy na naglambitin sa leeg nito. Malakas na humalakhak si Andrew sabay inikot-ikot siya dahilan ng pagpuno sa pasilyo ng malakas na tili at hagikgik. "How was the ballet practice of my one and only princess?" tanong nito.

"I've learned how to do a pique turn!" aniya sa matining na boses sabay inilahad nang buong laki ang dalawang braso.

"Woah, really? Can you show it to mommy and daddy?" Leonna excitedly asked.

"Of course!" Bumaba si Lexine mula sa bisig ng ama. Agad siyang pumusisyon. She lifted both of her hands in front of her chest while bending them in a round position, and then on the count of three, she pointed her right toe forward, followed by lifting her left leg, and she executed a graceful quick full turn.

Magiliw na pumapalakpak si Leonna at Andrew na para bang nanood ang mga ito ng nakakamanghang sayaw. "That was amazing!" exaggerated na sabi ni Andrew.

"Really?" Lexine on the other hand feels so excited and proud.

Umupo si Leonna at pumantay sa kanya. "Yes my princess, you did it wonderfully. Mommy and daddy believe that someday you'll be a great ballerina. We're very proud of you."

Nagtatalon nang husto si Lexine dahil sa narinig. Masayang niyakap ng mag-asawang Alonzano ang munting prinsesa at napuno ng masisiglang tawanan ang buong pasilyo.

***

ISANG `DI PAMILYAR na kisame ang bumungad kay Lexine pagdilat niya ng mga mata. Dahan-dahan siyang bumangon at hinaplos ang basang pisngi. "Mommy, daddy," bulong niya. Mas lalong nagluha ang kanyang mga mata nang maalala ang mga magulang. That dream was one of the few memories with her parents that she remembers. Bumigat ang dibdib niya. Oh, how she badly misses them.

Pinagapang niya ang mata sa paligid. Saka niya lang napagtanto na nasa loob pala siya ng kwarto ni Madame Winona. Muli niyang naalala ang mga huling nangyari bago siya nawalan ng malay. Napatay niya ang demonyitang si Cruxia sa tulong ni Ithurielle. Hinaplos niya ang kwintas na nakasabit sa kanyang dibdib. Until now, it seems like a dream. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang makapatay ng dalawang demon sa loob lang ng isang araw.

Bumukas ang pintuan. Agad siyang nag-angat ng tingin.

"Lexine?" Sumilip ang ulo ni Night at nang makita nito ang itsura niya ay agaran itong lumapit sa kama. "Hey, what happened?" Maingat na pinunasan ni Night ang mga luhang lumalandas sa kanyang pisngi. Kinuha nito ang isa niyang kamay at mariin iyong pinisil.

"I dreamed about my parents. When I was six, my mommy always used to say that I'll be a great ballerina. She'd pushed me to do better, and to have faith in myself. I just wish that they're here with me. I wish that mommy would see how much I've worked hard to achieve her dream… our dreams. "

Kinulong siya ni Night sa mga bisig nito at hinayaan siyang umiyak nang umiyak habang malumanay nitong hinahagod ang likod niya. "I miss them so much." Siniksik ni Lexine ang sarili sa leeg ng binata at kumapit sa batok nito. Inside his warm arms she feel much better.

Ilang sandali pa bago siya tuluyang tumahan sa pag-iyak. Kinulong ng mga palad ni Night ang magkabila niyang pisngi. Hindi sila nagsasalita ngunit sa mga titig nila animo nagkakaintindihan na ang kanilang isip. Two pair of eyes, two connected souls and two hearts beating as one.

Pinagdikit ni Night ang kanilang noo at mabigat na bumuntong-hininga. "I hate seeing you like this. Tell me, baby, how could I make you feel better?"

Hinaplos ng mainit na palad ang puso ni Lexine. Kailanman hindi niya inakala na ang pinakakinatatakutan na prinsipe ng kadiliman ay lumalambot pagdating sa kanya. The funny thing is that she's already getting used to it, and she likes it when he's smitten over her. It makes her feel beautiful and it boosted her confidence. She can��t help the playful smile that soon formed on her lips.

"Halik mo lang okay na `ko," pilya niyang sambit.

For a second, Night was too shocked to react before he quickly recovered and released a silent chuckle. He didn't see that coming. Napailing ito habang halos mapunit na ang labi nito sa sobrang pagkakangiti. He cursed under his breath and looked at her like she was his prey. "Nanggigigil ako sa `yo."

Hindi na napigilan ni Lexine ang kanyang malakas na halakhak.

"Fuck, stop it, cupcake. I'm so turned on right now."

Mas lalong lumakas ang tawa ni Lexine. She likes seeing his pained face. Dumilim ang mata ni Night at sa gulat niya ay tinulak siya nito sa kama at mabilis na pinaibabawan. Napatili siya. "Night!"

"Do you fucking enjoy teasing me, woman?"

She giggled. "Ano ba! Umalis ka nga riyan! Ang bigat mo!" Pabiro niya itong tinulak. Pero agad nitong kinuha ang dalawa niyang pulsuhan at inipit iyon sa ibabaw ng ulo niya. She caught her breath. Uh-oh. She's in trouble. The devil's eyes are now flaming with intensity. Her chest pounded so fast like it wanted to leap out of her ribcage.

His smile is dangerously sensual. In a hardened tone he said, "You know I can't always control myself. Tease me again and I'd––"

"And you'd what?" She openly challenged him.

Mas lalong umapoy ang mga mata ni Night. Madiin na tumaas baba ang adams apple nito at buong pananabik na tinignan ang kanyang labi. Whatever the hell he's thinking right now is exactly what she also wanted him to do. Bumalik ang titig nito sa mga mata niya.

"Then I'd do this." His voice was so hoarse it was enough for her abdomen to shrink. Unti-unti nitong binaba ang mukha sa kanya. Her breath became heavy, while her toes curled in anticipation. She stopped breathing, and closed her eyes, waiting for the moment she's been yearning for so long.

As light as a feather, Night's tender lips grazed above hers, and Lexine's mouth automatically opened, inviting him more. His minty breath was intoxicating, and she's ready to get drunk from it and they suddenly heard the door opened.

Natigilan si Cael nang makita ang posisyon nila. Sa labis na gulat ni Lexine, tinulak niya si Night at agad umayos ng upo. Nagpabalik-balik ang mga mata ni Cael sa kanilang dalawa. Ramdam niya ang mabilis na pamumula ng buong mukha niya.

Nagtigas ang bagang ni Night at masama ang titig sa anghel. "Don't you know how to fucking knock?"

Umismid si Cael sabay nagkibit balikat. "Walang pinto sa paraiso namin."

avataravatar
Next chapter