305 Magic Mike

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL!!!"

Sinalubong ng umuulan na bulaklak si Lexine at Night pagdating nila ng reception area kasabay ang hiyawan at palakpakan ng mga bisita. Sa gulat ni Lexine ay bigla siyang pinangko ni Night saka ito naglakad papasok sa loob at sinalubong ang lahat.

"Woooooooooh!"

"Best wishes!!"

"NiXine Forever!!!"

Natuloy ang kasiyahan. Umulan ng pagkain at alak habang enjoy ang lahat sa masayang program na pinaghirapan ni Brusko. Lahat ay bumabati sa dalawa at hinihiling ang masayang pagsasama para sa kanila. Ang pinaka nagpainit ng kanilang gabi ang inihandang special performance ni Night para sa kanyang magandang bride.

Pinaupo nila si Lexine sa gitnang unahan habang nakapatay ang mga ilaw. Nagsimulang tumugtog ang beat ng kantang "Pony" by Ginuwine at bumukas ang spotlight sa harapan kung saan nakatayo si Night na nakasuot ng oversize gray jacket at jogger pants. Naghiyawan ng malakas ang lahat higit ang mga kababaihan. Napatakip naman si Lexine sa mukha ng mapagtanto kung ano ang balak gawin ng husband niya.

"Woooooooooooh!!!"

Nagsimulang sumayaw si Night at hinubad ang suot na jacket. Suot niya ay white sando na hapit sa napakagandang hubog ng katawan nito. Nakasauot pa siya ng cap at ginaya ang outfit ni Channing Tatum sa pelikulang Magic Mike.

"Oh my God!" namumula na parang kamatis ang mukha ni Lexine habang lalong nag-ingay ang mga babae.

Gumiling-giling si Night na hindi niya inakalang malambot pala ang katawan. Alam niyang magaling gumalaw si Night sa ibabaw niya pero nagulantang pa rin ang lahat ng cells niya sa buong nervous system nang mapanood ang napaka init nitong performance.

Sa sobrang init ay pinapaypay na niya ang kamay sa mukha. Napansin ni Miyu ang nangyayari sa kanya kaya inabutan siya nito ng tubig na agad naman niyang ininom.

Nawindang ng bonga-bonga ang sistema ni Lexine nang biglang lumuhod si Night at nag-slide sa floor palapit sa kanya na saktong huminto sa harapan niya saka gumiling-giling. Malapit nang magiba ang buong reception hall dahil sa pinag-gagawa nito.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!"

Ang pinaka-highlights ng performance ni Night ay ang pag-grind nito sa floor na kung babae lang ang floor ay malamang nabuntis na sa galing niyang sumayaw. Napalunok ng buong diin si Lexine nang pumasok sa isipan niya kung gaano ka-rough ang asawa niya pero mas intense na makita itong sumasayaw.

Nagwawala na si Camille, Katya at Emily sa isang tabi habang sinasabunutan si Makimoto na walang magawa.

"Sana ako na lang yung floor! Kyaaaaaaaaaaah!" tili ni Katya.

Si Brusko ang pinakamasaya sa lahat habang nagtitili sa tabi ni Lexine.

"Mamshieeeeeee! Ikaw na talaga ang Diyosa ng mga babaeng pinagpala! Di ko na 'to keribells! Ang asawa mo ang "Dakota Harrison" ng bayan! Pangmalakasan ang labanan! Confirm na confirm ng mga mata ko na ang asawa mo ay borta na borta super the max! (malaking malaki) Good luck na lang sa kepay mo sa honeymoon niyo! Ipagtitirik ko na lang 'yan ng kandila. Nekekelekeeeeeeeee!!!"

Nang maghubad ng sando si Night ay tuluyan nang pumutok ang mga ovaries ng mga bisitang babae.

Nanlaki nang husto ang mga mata ni Lexine. Gusto niyang sapukin sa ulo si Night dahil ang maharot talagang binabalandra pa ang katawan sa lahat. Alanganing napalingon siya sa pwesto ng mga magulang pero sa gulat niya ay aliw na aliw ang mga ito at maging ang Papang at Mamang niya ay nakikisigaw.

Si Katherine na katabi si Madame Winona ay nangunguna sa pagtitili na parang teenager, "Lower!!! Wooooooooh! Lower!!!"

"Mamang!" saway ni Sandy sa maharot na nanay.

What the hell?

Hindi pa nakuntento si Night kaya tumayo naman ito saka binigyan si Lexine ng "super grinding" lap dance at halos wala ng hangin na makuha si Lexine sa dibdib sa sobrang pag-a-apoy ng buong katawan niya sa ginagawang kalokohan ng "asawa" niya sa harap ng mga bisita nila.

Literal ang pagpapawis ni Lexine at hinihiling niya na sana ay matapos na lahat ng ito dahil unti-unti nang nagdidilim ang paningin niya. Pinilit niyang mag-inhale exhale pero talagang hindi na kinaya ng sistema niya at tuluyang nanlamig ang buo niyang pakiramdam bago siya hinimitay.

Napatigil si Night at natarantang nilapitan ang asawa sa sahig.

"Lexine! Lexine shit! Baby… Lexine!"

avataravatar
Next chapter