86 Love and hate

"NIGHT, ANO BA! IBABA MO NGA AKO!" Pinagsusuntok ni Lexine ang likuran ni Night pero hindi ito natitinag at diri-diretsong pumasok sa loob ng females comfort room.

"Get out!" sigaw nito sa tatlong babaeng nasa harap ng salamin. Kumaripas nang takbo ang mga ito. Binaba siya ni Night at nagdadabog na ni-lock nito ang pintuan.

"What the hell! What do you think you're doing!?"

Nakapamewang at nakatalikod sa kanya ang binata. Pinanghilamos ni Night ang dalawang palad sa buong mukha at ilang beses na bumuntong-hininga na para bang sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang nag-iinit nitong ulo. Nang pumihit ito paharap ay agad nag-yelo ang balat ni Lexine. His brown eyes are now flaming in anger.

"What do you think you're doing, Lexine?" buong diin na binalik nito ang tanong sa kanya.

Umurong ang dila niya. Kahit naiinis siya sa mga nangyayari ay alam niyang may pagkakamali siyang nagawa sa pagkakataong ito.

"Kailan ka pa natutong magpakalasing at magpaka-puta? Putangina! Magpapahalik ka lalaking `yon? Nanadya ka ba? Ginagalit mo ba talaga `ko?"

Kasing tulin ng tren na umakyat ang lahat ng dugo ni Lexine sa utak niya. Alam niyang nasobrahan siya sa pag-inom at pagwalwal pero hindi naman ata tama na sabihan siya nito ng masasakit na salita.

"Well, sorry ha! I'm not always the freaking-good-girl-Lexine that everyone loves! Nagkakamali ako, nagiging pakawala, reckless, stupid! Hindi ako perpekto! At mas lalong hindi ako anghel!" Pumiyok siya bandang huli. Mabilis na namuo ang luha sa mga mata niya. The euphoria moments are now gone and she's back to reality.

Natigilan si Night sa biglang pagsabog niya, especially when he saw the visible pain in her eyes. Sunud-sunud nang tumulo ang mga luha niya at nanghihina siyang sumandal sa lababo. Pinanghilamos niya ang dalawang palad sa mukha at hinagod ang buhok.

"My whole life akala ko rin perfect na lahat sa buhay ko, eh. I have my lolo, my social status, friends, career, money. I have the best of both worlds. Pero nabuhay lang pala ako sa kasinungalingan. Because everything is a lie. I didn't ask for any of this. Ang gusto lang mabuhay ng tahimik kasama ang mga taong pinapahalagaan ko. Kaya bakit ako pa, why me of all people?"

Tuluyan na siyang humagulgol. Unti-unti siyang umupo at tila batang bumaluktot. "I just want my life to be normal again."

Naramdaman niyang lumuhod si Night sa kanyang harapan. Mabigat itong bumuntong-hininga. "Fuck." Kinulong siya ng bianta sa mga bisig nito. "I'm sorry, cupcake. Shit, why do I always keep on messing everything?"

Inangat ni Lexine ang ulo at mahigpit na tinapon ang sarili kay Night. Humigpit ang kapit niya sa batok nito at siniksik ang mukha sa leeg nito. "I'm sorry too, I didn't mean to make you jealous. Hindi naman ako nanadya, it's just tha—"

"Hush." Kinuha ni Night ang magkabila niyang pisngi at sinalubong ang namamaga niyang mga mata. Pinunasan nito ang nagkalat na luha sa kanyang mukha gamit ang hinlalaki nito. "Just please don't do that again. The last time that you went to a party, you almost got raped."

Lexine's chest compressed as the memories flashed back to her like a whirlwind. How could she forget about that terrifying night? She bit her lips, shame enveloped her.

"You know that I'm fucking possessive with you. And I'll burn anyone who'll try to touch you, even with their fucking pinky finger. I don't like anyone ogling to my girl like a goddamn pig." He heavily sighed as if trying to bring back his patience. "Gusto ko na talagang pasabugin ang bungo ng gagong `yon." Night looked like he's about to massacre an entire continent.

Hindi na napigilan ni Lexine ang sarili na mapangisi. Madalas na nakaiinis ang pagiging possesive sa kanya ni Night pero hindi niya maiwasan na minsan ay kiligin. Lalo na sa tuwing nakikita niya ang reaksyon ng mukha nito.

Kumunot ang noo nito. "What's funny, woman?"

"Eh, kasi naman, natatawa ako sa `yo."

"And when did I became a fucking clown?"

Mas lalong lumakas tawa niya. "Alam mo cute ka `pag nagseselos ka kahit lumalaki ang butas ng ilong mo."

Naiiling na napangiti ang prinsipe ng dilim. Tumayo silang dalawa at sumandal siya sa lababo. Dinantay ng binata ang dalawang kamay nito sa magkabilang gilid ni Lexine at tinignan siya nang buong pang-aakit. Dahan-dahan nitong pinagapang ang titig nito sa kanyang mata, ilong, labi tapos pabalik sa mga mata niya. Bumilis ang pintig ng dibdbib ni Lexine lalo na't naamoy niya ang bango ng binata. Night's winter evening scent was a million times more intoxicating than any alcohol in this world. It's only him who could make her feel frustrated and happy at the same time. Ah, she's going crazy because of this naughty rascal.

Night gazed at her with his remarkable flirty smile. "Ikaw kasi, anung gayuma ba ang pinainom mo sa `kin?"

Nakagat niya ang ibabang labi at pinigilan ang nagbabadyang ngiti. Since when did the prince of darkness become a sweet talker?

"Gayuma? Excuse me, hindi ko na kailangan gumamit ng gayuma kasi matagal ka na talagang patay na patay sa `kin," aniya.

Nanliit ang mga mata ni Night at mas lalo siyang inipit. Halos isang pulgada na lang ang distansya ng mukha nito sa kanya. "At papatayin ko talaga ang kahit sinong magtatangkang halikan ka." Nilaro ng dalawang daliri nito ang labi niya. "Akin lang `to, Lexine," bulong nito. "Nagkakaintindihan ba tayo?"

Pigil ang hininga na sumagot siya. "Oo, sa `yo lang."

"Good, now I want to mark my territory."

avataravatar
Next chapter