279 Little angel

ISANG pares ng mata ang palihim na nagmamasid sa magkasintahan habang yakap sa bisig ang bawat isa. Sa likod ng mga halaman na natatabunan ng snow, sumisilip ang isang batang babae habang hindi maitago ang ngiti sa nakikita.

Habang ninanamnam ang matamis na labi ni Night, sandaling dumilat si Lexine at natanaw ang isang bulto na nasa likuran ng mga halaman ilang dipa ang layo mula sa kanila. Mabilis na nagtago ang ulo.

Napakunot ang noo niya dahilan para bumitaw siya sa halikan nila. Napaungol si Night sa pagtutol at muling kinabig ang panga ni Lexine at siniil ito ng halik.

"W-wait lang Night…"

"Hmmm…" hindi siya pinakingan ni Night at muling hinuli ang kanyang labi at mas hinapit pa siya ng mahigpit.

"Night, w-wait…" bahagya niyang tinulak sa balikat ang binata upang mas makita ang tinatanaw.

"Tsk, baby, kiss mo pa ako," angal ng nag-aalburotong bata.

Natawa si Lexine pero hindi talaga niya magawang isawalang bahala ang nakikita, "Night, mamaya na… m-may sumisilip sa atin."

Doon lang natigilan si Night at nagtatakang dumilat. Kumawala si Lexine sa mga bisig nito at naglakad palapit sa halaman. May kumakaluskos doon habang nahuhulog ang snow sa ibabaw ng mga dahon nito.

"Sino 'yan?"

Naglakad pa siya palapit nang hinigit ni Night ang braso niya at ito ang naunang lumapit. Dahan-dahang humakbang si Night at mabilis na hinawi ang halaman. Nagulat sila pareho sa nakita.

For some reason ay mabilis na lumiwanag ang mukha ni Lexine nang makita ang isang batang babae na nakasuot ng pink na winter coat, at pink na bonnet. Maalon ang brown nitong buhok na hanggang lagpas balikat. Tila isang bituin ang mabilog at kumikinang nitong chocolate brown eyes at makapal at makurba nitong pilikmata. Namumula ang pisngi at ilong nito sa lamig.

Isang napakagandang bata. She looked like a living doll. Lexine can't help but to feel warm with this adorable girl in front of her.

"Hi little angel, are you lost?" magiliw na lumapit si Lexine dito.

Nagpalipat-lipat ang inosente nitong mga mata sa kanilang dalawa habang nakatingala. Bago bumalik sa mukha ni Lexine saka tumungo, "Yes," sabi ng maliit at napakacute nitong boses.

Napangiti si Lexine. Hearing her voice makes her want to squeeze her like a stufftoy, "What is your name?"

"Aye."

"Aye, such a wonderful name. Do you know the address of your home?" umupo si Lexine para maging pantay sila nito. Nanatili naman si Night na nakatayo.

Umiling si Aye, "I only know the direction going there."

Nagkatinginan si Night at Lexine, "Mabuti pa, samahan natin siya makalabas dito sa gubat..."

Pinagmasdan mabuti ni Night ang bata. Nakakapagtaka na merong bata sa loob ng gubat. Nasaan ang mga magulang nito? Pinakiramdaman niyang mabuti kung may kakaiba sa presensya nito pero wala naman siyang ma-sense. Instead, she was really adorable and something inside him felt warm just by looking at her innocent angelic face.

Bumuntonghininga siya, "Okay. Sabihan ko lang sila Eros na mauna na."

Matapos mag-paalam sa dalawa ay sinamahan nila Lexine at Night si Aye sa direksyon na tinuturo nito. According sa bata ay five years old na ito. Mukhang matalino din si Aye sa edad niya. Malapit lang daw ang bahay ng mga ito mula sa gubat.

"Where are your parents Aye?" tanong ni Lexine at hawak ang maliit nitong kamay habang naglalakad sila.

"My dad is at work, my mom went to the supermarket."

Nakasunod lang si Night sa dalawa habang pinagmamasdan ang mga ito. Napangisi siya dahil biglang pumasok sa isip niya ang ideya na kapag nagka-anak na sila ni Lexine ay ganito ang nakikita niya.

Abot hanggang mga mata ang ngiti ni Lexine habang nakikipag-usap kay Aye. Giliw na giliw ito sa bata.

"Where does your daddy work?" tanong ni Lexine.

Nag-isip sandali si Aye na nakatingin pa sa langit, "Uhm, I think he's an attendant or something. Because he always accompanies people going to their destinations."

Napangiti si Lexine, "Is he a taxi driver?"

"I guess? Daddy always says he needs to pick up someone and then escort them going to another place."

Napatungo si Lexine, siguro nga ay driver ang daddy nito, "How about your mommy?"

"Mommy is always at home. She used to work before as a policewoman because she chases down the bad people."

"Wow your mommy is so cool!"

"Yes she is! Someday I want to be like her and hunt down the bad guys so I could protect my friends. Mommy always says that we need to fight for the good against evil!" masiglang kwento nito.

Aliw na aliw si Lexine sa pagkabibo ng bata, "Do you have brother and sisters?"

"I heard my mom is pregnant," excited nitong sagot.

"Wow, I'm sure you'll have a cute sibling just like you."

Aye chuckled giddily. Lumingon ito kay Night tapos bumalik sa mukha ni Lexine, "I'm sure the two of you will have a beautiful daughter!"

Nanlaki ang mata ni Lexine. Samantalang lumaki naman ang ngiti ni Night. Humabol siya sa dalawa at tumabi sa kabilang side ni Aye.

"You think so?" lumuhod siya at pumantay sa bata.

Nag-smile ng ubod ng laki si Aye na umaabot sa mabilog nitong mga mata, "I'm 1000% sure!" she exclaimed excitedly.

Tumingala si Night at tinignan si Lexine nang may nanunudyong mata sabay kumindat. Naipaikot na lang any mata ni Lexine sa kapilyuhan nito at pati bata ay kinukuntsaba pa.

Sa sobrang tuwa ni Night ay kinurot niya si Aye ng bahagya sa pisngi at tumawa naman si Aye. Sa isip niya, ay kung magkaka-anak sila ni Lexine, gusto niya na kasing ganda ni Aye.

Nagpatuloy sila sa paglalakad at para mas maging mabilis ay binuhat ni Night si Aye sa likod at nag piggy back.

Tumingala si Lexine sa nagdidilim na langit, "Mukhang gagabihin na tayo."

"There will be a snow storm tonight," sabi ni Aye.

"We need to get back as soon as possible, mahihirapan tayong makauwi kapag inabot tayo ng bagyo sa labas," sagot ni Night habang nakatingala na rin sa langit.

Naglakad pa sila ng ilang minuto hanggang sa natumbok nila ang bungalow wood house sa gitna ng gubat.

"You can put me down," sabi ni Aye.

Binaba naman ni Night ang bata, "Is that your house?"

"Yes, you can go that way going to the town," tinuro nito ang isang daan.

"Are you sure you'll be okay here?" tanong ni Lexine. Sabi kasi ni Aye na wag na itong ihatid hanggang sa bahay nila at maglalakad na lang ito.

Malapit na lang din naman ang bahay na natatanaw nila, "Yes. Thank you for strolling with me!" magiliw na lumapit si Aye kay Lexine. Umupo naman ang huli para pumantay sa bata. Sa gulat ni Lexine ay kiniss siya nito sa pisngi.

She can't help but giggle with her sweet gestures, "Bye-bye!"

"Bye bye little angel."

Sunud naman na lumapit si Aye kay Night kaya yumuko si Night para pumantay dito. Hinatak ni Aye ang kwelyo ng jacket niya at may binulong. Kumunot ang noo ni Night sa sinabi nito. Tapos ay tumatawa ito at tumakbo paalis patungo sa kanilang bahay. Tumigil ito sandali at muling kumaway, nagbye-bye bago nagpatuloy sa pagtakbo.

"Ano ang binulong niya sa'yo?" curious na tanong ni Lexine.

Tumaas ang sulok ng bibig ni Night, "Secret," naglakad na ito patungo sa direksyon na tinuro ni Aye.

Ngumungusong sumunod si Lexine sa binata. Nilingon niya ang direksyon na tinahak ni Aye at nakitang wala na agad ito. Huh? Ang bilis naman atang nakatakbo ni Aye?

Nagkibit balikat na lang siya. Marahil ay nakapasok na ang bata sa loob ng bahay. Napangiti siya sa huling pagkakataon bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Aye… what a cute name," she mumbled to herself.

avataravatar
Next chapter