13 Invitation

"HAY NAKU! Kailan ba luluwag ang kalsada sa Pilipinas? Everyday na lang traffic! Juice ko lord! Naloloka nang mga brain cells ko, ha! Sama mo na rin pati white and red blood cells!"

Mula sa dagat ng sasakyan sa kahabaan ng EDSA lumipat ang tingin ni Lexine sa katabing si Isabelle. "Masyado naman kasi nagmamahalan ang mga sasakyan dito sa'tin kaya gusto nila palagi silang ganito ka-close. Jusmiyo Marimar!" dugtong pa nito na may tumitirik na mata.

White at dark blue ang kulay ng suot ni Belle. Katulad iyon ng uniporme ng mga kasambahay nila sa mansion pero ang palda nito ang tanging kinapos sa tela. Slender at makinis ang legs ng dalaga kaya naman asset nito ang mga iyon. Mahilig ang babae sa shocking colors na make up at mga burloloy sa katawan. Every other month din ito kung magpakulay ng buhok. Sa ngayon ay color pink ang highlights nito. Always ready ang dalagang pilipinang maid upang i-represent ang bandera ng mga inday at makipaglaban ng slow-motion walk kay Catriona Gray. Pak! Ganern!

"Ang aga-aga ang ingay mo, Belle. Mas maingay ka pa sa mga busina sa labas. Ano ba'ng inalmusal mo kanina, microphone?" nakangising biro ni Manong Ben habang nakatingin ito sa rear view mirror. Ang matanda ang personal-driver ni Lexine mula pagkabata at halos parang tiyuhin nang turing niya rito.

"Excuseeeee meeeee, manong Bentolomon! Kung kasing ganda ko lang din naman ang mag-iingay tuwing umaga sa kalsada, aba! Bababa ang langit at mag-aawitan ang mga anghel! Kung `di mo naitatanong, eh, in-demand ata ang beauty ko sa mga foreigners `no. Hmp!"

"Oo naman. Aba'y bentang-benta talaga ang mga inday beauty sa mga kano!" Humalakhak ito nang malakas.

Umusok na parang tambutso ang dalawang butas ng ilong ni Belle. "Anung sabi mo!?"

Napailing na lang si Lexine sa bangayan ng dalawa at binuksan ang kanyang iPhone. May three messages galing kay Ansell.

Ansell: Gud morning my little swan! (Emoji kiss)

Ansell: Hey sleepy head, wakey-wakey!

Ansell: Jessie went to my place last night, she's wasted AF. She wanted to save our relationship, but I don't want her anymore (Emoji sad. Emoji face palm)

Napatuwid siya nang upo sa huling nabasa. Pinindot niya ang touch-screen at agad nag-reply.

Lexi: Asshole! (Emoji angry) What did u do to her? Don't tell me pinauwi mo lang siyang mag-isa? I'm going to freaking kill u Ansell Castanieda! (Emoji evil)

Mabilis na dumating ang reply nito.

Ansell: No, I drove her home, then she kissed me, but I didn't kiss her back. So she got angry like a bull dog and slapped me. Huhuhu. My cheeks are swollen until now. (Emoji crying)

Napangisi si Lexine. "Buti nga sa'yo."

***

NAABUTAN ni Lexine si Ansell na nag-aantay sa tapat ng kanilang classroom. Magkaiba sila ng kursong kinukuha. Business Administration siya at Architecture naman ang kanyang best friend. Pareho silang nasa second semester on their third year.

Napansin agad ni Lexine ang mga babae sa paligid na kasing lagkit ng glue ang pagkakatitig kay Ansell. Paano ba naman kase at nagsusumigaw ang kagwapuhan nito sa suot na white polo-shirt na tinernuhan ng skinny-pants, Topsider shoes at aviator shades. Nakaangat ang famous super-hero-hairstyle nito na tinalo si Stefan Salvatore ng Vampire Diaries habang umaalingasaw ang mamahaling Bvlgari Aqua Marine na tila malamig na hangin na tumutusok sa bawat ilong ng mga kababaihan doon dahilan upang mag-laway ang mga ito.

Agad umakbay si Ansell kay Lexine. Hindi nakaligtas sa peripheal-vision niya ang init sa mata ng mga babae. Sikat si Ansell sa buong campus lalo na't varsity player ito ng basketball team. Kalat naman sa karamihan kung gaano sila ka-close kaya marami ang naiingit sa kanya and vice versa.

"Baby, my cheeks hurt." Tila batang nagsusumbong na ngumuso si Ansell sabay tinuro ang pisngi nito. Pinagmasdan mabuti ni Lexine ang mukha nito. Hindi naman `yon namumula o namamaga. Dina-dramahan na naman siya ng mokong, imbis ay kinurot niya ito sa pisngi.

"Ouch!"

"Buti nga sa'yo at nasampal ka ni Jessie. Kung ako siya, hindi lang sampal ang gagawin ko, ipa-pa-murder kita! Para magkaroon naman ng katarungan ang pinatay mong puso ng mga babae!" Nag-sign of the cross siya sabay tingin sa kisame. "May they rest in peace."

"What? Anung pinatay? Those girls should be thankful to me dahil pinaligaya ko sila!"

"Pinaligaya? Baka pinaiyak!"

"Pinaiyak sa sobrang sarap." Nakaloloko itong ngumisi sabay kindat.

Namilog ang mga mata niya. "Puro ka talaga kalokohan! Ang manyak mo!" Pinaghahampas niya ito sa braso.

Natatawang sinangga nito ang mga atake niya. "Hey! Ikaw ang green-minded diyan! Pinaiyak ko lang naman sila sa sobrang sarap kong magluto."

"Namimilosopo ka pa. Magtino ka nga! Karmahin ka sana balang araw!"

"No need, ngayon pa lang kinakarma na `ko. Sumpa kaya ang maging kasing-gwapo ko!"

"Ang hangin mo!"

"Cute naman!"

"Mukha kang unggoy!"

"Cute na unggoy!"

Naputol ang pagkukulitan nila nang lumapit ang babaeng tila fashion model sa tangkad at katawan. Angat ang morena nitong kutis sa suot na white tank top at leather skinny jeans. Naka-pony tail ang wavy at itim nitong buhok. Prominent sa mukha nito ang natural na pouty lips na siguradong mahihiya ang mga Kardashian's.

"Hi, Lexi! Hi, Ansell!" bati ni Xyrille sa matining na boses. May inabot itong maliit na black envelope. "It's my birthday celebration tonight. It's a masquerade themed party, but it's not too formal naman `cause it's a small house gathering lang. So... could I expect you guys later?"

Pinagmasdan mabuti ni Lexine ang invitation na hawak. Parties? Lexine has never been a party girl. Kung `di pa nga siya pinilit ni Ansell nung isang gabi ay `di siya pupunta sa music festival. She doesn't like crowded places, and she hates the odor of cigarettes and alcohol. For her, social life is inside the ballet studio.

Xyrille remained standing and waiting like a little girl who's expecting to receive a candy. Isa ito sa mga ka-close ni Lexine sa department nila and knowing the girl since her first year in college, Xyrille will never take a no for an answer.

Nagbuntong-hininga si Lexine. "Sure. We'll be there."

Xyrille shrieked in excitement. "Yay! See you guys later, alligateeer!"

avataravatar
Next chapter