45 I don't care

"UHHH! SIGE PA DIINAN MO PA! Masarap diyan! `Yan, `yan, uhhh!"

"Dito po ba?"

"Yes! Yes! That part, harder, harder! Uhhh!"

Umikot ang dalawang mata ni Lexine at napilitang bumangon mula sa pagkakadapa. "Belle, ano ba ang ingay mo! Mahiya ka naman kela ate rito."

Natigilan sa pag-eexorcist si Belle at lumingon sa gawi niya. Nahihiyang ngumisi ito. "Sorry na, friend. Ngayon na lang kasi ulit tayo nakapagmassage at ang sakit-sakit na kasi talaga ng katawan ko. Alam mo naman sa mansion ang daming gawain. Jusmisyo Marimar! Puro kalyo na nga `tong kamay ko. Kaya sobrang feel na feel ko lang ang pagmamasahe ni ate sa `kin," mahabang litanya nito sabay nag-peace-sign.

Tumingin si Lexine sa dalagang masahista na naka-assign kay Belle. Halatang nagpipigil ito ng tawa mula pa kanina. "Please be quiet na lang, okay? Dahil sumasakit ang tenga ko sa ingay mo! Para kang minamaligno riyan!" bulyaw niya rito at muling dumapa upang ipagpatuloy ang pagpapamasahe.

"Sarreh!" sagot nito sabay ngisi.

Pagkatapos ng body massage ay sunud silang nagtungo sa nail-salon para magpafoot-spa, manicure, pedicure, wax at kung ano-ano pang services na inoffer sa kanila ng manager ay pinatulan niya. It was a relaxing day. Ito `yung mga araw na na-miss ni Lexine. Mga araw na pakiramdam niya normal lang ang lahat sa kanyang buhay.

Nag-shopping din sila ng mga bagong damit at pagtapos ay nagtungo sa salon upang magpa-haircut. Ang dating hanggang bewang na buhok ay pinaiksihan niya hanggang balikat. Nagpa brazillian blow-dry rin siya upang maging healthy and bouncy ang kanyang nanunuyot na buhok.

"In fairness my friend, bumagay sa `yo ang new look mo. Bet na bet! Pero bakit bigla ka atang nag-bonggang make-over ngayon? Don't tell me na may jowa ka na? Nakakaloka ka, `di ka nagkukwento sa `kin!"

Natatawang hinarap ni Lexine ang ubod nang daldal na si Belle. Kung ano-ano naman na kalokohan ang naiisip nito. "Anung jowa ang sinasabi mo? Wala `kong boyfriend, okay? Masama na ba magpagupit at mag-shopping? I always do this naman even before. What's new?"

May bakas ng pagdududa ang mga mata nito. Nanlalaki pa ang butas ng ilong nito. "Hmm, talaga ba? Memetey? Saka alam mo napapansin ko lang friend, ah. These past few days, ang lakas makarating ng diwa mo sa ibang galaxy. Tapos nung isang gabi naman late na kayo umuwi ni Mang Ben." Lalong naningkit ang mga mata ni Belle. Dinikit nito nang husto ang mukha kay Lexine. "Napapansin ko rin na nangangayayat ka. Aminin mo nga sa `kin," humina ang boses nito. "Tumitira ka na ba ng bato ni Darna? Hindi kita i-ja-judge pramis!" Nagtaas pa ito ng isang palad.

Hindi alam ni Lexine kung paano sasagutin lahat ng tanong nito. Napatingin siya sa bagong driver na kasama nila. Hindi na si Mang Ben kundi pinalitan na ito ng anak nitong si Rico. Nang magising si Mang Ben pagkatapos ng insidente nung nakaraang gabi ay wala itong alam sa mga nangyari. Umepekto ang ginawang pagbura ni Ira sa memorya nito.

Ang kwento ng matandang driver, ang huling naaalala nito ay nagmamaneho ito papuntang university upang sunduin siya at nang magising ay nasa mansion na sila. Nagdahilan na lang si Lexine na sa kalagitnaan ng biyahe ay nahilo ang matanda at siya na'ng nagmaneho pauwi. Tila naniwala naman ito. Kaya nang sinabi niya na magpahinga na lang at magpalakas muna ito at si Rico na muna ang magiging driver niya ay hindi na ito tumutol pa.

"Alam mo kung anu-anu lang `yang iniisip mo. Wala namang problema sa `kin. Kaya `wag ka nga praning diyan! Ikaw ata `tong adik kasi ang dami mong alam!"

"Vhaklang tuwoooh! Ako pa ang tinuro, eh, concern lang naman ako sa `yo!" Tumulis ang nguso ni Belle.

Laking pasasalamat niya na hindi na siya uli kinulit ni Belle sa byiahe at pinagtuunan na lang nito ng pansin ang mga paper bag na pinamili nila. Habang umaandar ang sasakyan ay nakatingin lang si Lexine sa labas. Muling pumasok sa isip niya ang mga sinabi ni Madame Winona.

Pinag-iingat siya ng ginang sa mga nilalang na sinasabi nitong may balak sa kanya ng masama. Ang buong akala ni Lexine ay si Night lang ang gumugulo sa buhay niya. Ngunit matapos ang nangyaring pagdukot sa kanya ng isang ravenium demon, tuluyan niyang napagtanto na hindi nga nagbibiro ang ginang.

Hindi niya rin maintindihan ang tinutukoy ng manghuhula tungkol sa mga nilalang na gawa sa nakasisilaw na liwanag na siyang darating upang protektahan siya. Isa kaya si Cael sa mga tinutukoy nito? Hanggang ngayon ay isang malaking palaisipan pa rin sa kanya ang binata.

Higit sa lahat, gulong-gulo pa rin si Lexine tungkol kay Night. Sa isang iglap ay ililigtas siya nito. Isang iglap ay pagbabantaan naman ang buhay niya. Tatakutin isang araw tapos magpapakita ng concern sa susunod. Hindi lubos matukoy ni Lexine kung ano ba talaga ang lalaki: kakampi o kaaway? 

Ilang lingo na rin hindi nagpaparamdam sa kanya si Night. Nais man niyang magdiwang sa pansamantalang kapayapaan sa buhay niya. Hindi niya maitatanging naging parte na ng mundo niya ang prinsipe ng kadiliman at tila ba hinahanap-hanap niya ang presensya nito.

***

MULA SA LIBRO ay lumipat ang tingin ni Lexine sa iPad na biglang pumatong sa ibabaw ng table. Break niya at naisipan niyang magreview para sa darating na finals habang nagmi-meryenda sa cafeteria.

"You will not believe this!" Umupo si Xyrille sa harapan niya at sa tabi naman nito si Janice. Tinuro ng mahaba at pink acrylic nitong kuko ang picture sa screen.

Kumunot ang noo ni Lexine. Kuha `yon sa isang club. May mga taong lasing at nagpupulong-pulong sa isang couch. "What's that?" tanong niya.

"Girl, look closely." Gamit ang daliri ay i-zi-noom ni Xyrille ang picture.

Pinagmasdan mabuti ni Lexine ang litrato. Isang lalaki at babae ang nakaupo sa couch habang naghahalikan. Halos nahuhubaran na'ng babae sa iksi ng suot nitong dress habang nakaupo sa hita ng lalaki. Hindi masyado maaninag ang mukha ng mga ito dahil naka-sideview ang dalawa at natatakpan ng mahabang buhok ng babae.

Pinakatitigan niya itong mabuti. Naningkit ang mga mata niya. Mabilis siyang nanlamig matapos makilala kung sino ang binata. "My gosh, girl. Pinagkakaguluhan na'ng post na `yan sa group page ng campus. That was one of the photos posted on Revel's Facebook page. It's so scandalous! I can't believe na pinatulan ni Night ang malanding babae na `yan. So cheap. Uh, gross!" Tumirik ang mga mata nito.

"Diba si Debbie Flores `yan?" saad ni Janice.

"Debbie as in `yung trying hard mag-english na vlogger?" Tumaas ang kilay ni Xyrille.

Tumungo si Janice. "Yup, siya nga. Look, nagpost siya sa instagram last night. She was at Revel. Tignan mo `yung suot niyang damit dito. Same ng suot ng girl na `yan."

Pinakita nito ang instagram post sa cellphone nito. Totoo nga na magkaparehong silver spagetti strap dress ang suot ni Debbie at ng babae sa picture.

"Did you know `bout this, Lexi?" tanong ni Xyrille.

Nanatiling nakatitig si Lexine sa picture. Hindi niya alam kung bakit naninikip ang dibdib niya ng mga sandaling iyon. Ano naman kung makipaghalikan si Night sa ibang babae? Hindi na siya dapat magulat dahil alam naman niyang nagmula sa lahi ng higad ang lalaking `yon!

"No, and I don't care." aniya at muling binalik ang atensyon sa binabasang libro.

Sabay na dinikit ng dalawang babae ang mukha sa kanya. Nagpalitan ng malisosyong tingin ang mga ito. "Are you sure you don't care?" nanunudyong tanong ni Xyrille.

"Oo, bakit naman hindi? Ilan beses ko bang sasabihin sa inyo na wala `kong pakielam sa gunggong na `yan."

Tumulis ang nguso ng dalawa. "Eh, bakit lumalaki `yang butas ng ilong mo?" nangingising tanong ni Janice. Awtomatiko siyang napahawak sa ilong niya. Nagtawanan ang mga ito.

"Uy, wala raw paki," panunukso ni Janice.

"Pwede ba, tigilan niyo na nga `ko! Makipagtukaan siya sa kahit kaninong babae niya gusto. I.don't.care!"

avataravatar
Next chapter