178 I am here

PATULOY NA NABABAHALA si Devorah. Ilang oras na ang lumipas simula nang mangyari ang ritual, hindi niya sigurado kung paano umiikot ang oras sa kabilang mundo pero ang ikinatatakot niya ay mabilis ang pagtunaw ng itim na kandila. Halos one fourth na lang ito.

Kinakagat na niya ang hinlalaki habang hindi mapakali at naglalakad pabalik-balik sa kwarto. Patuloy pa rin sa pagbigkas ng orasyon si Eros habang nakahiga si Night at nakaturok ang athame sa kanyang dibdib.

Nandoon pa rin ang mga itim na usok na kamay na kumakapit sa kanya at hindi pa nilulubayan ang katawan ng binata.

"Please Night, bumalik ka…" bulong niya.

Napatalon si Devora nang biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Pagkuha niya sa bulsa agad niyang nabasa ang pangalan ni Elijah, bahagya siyang lumayo sa dalawa at sinagot ang tawag.

"Hello Elijah, where are you? Bumalik ka na dito."

"Dev, pigilan mo si Night at Eros sa ritual."

Napaikot ang kanyang mata, "Too late for that Elijah, kanina pa nagsimula ang ritual."

"What!!!"

Halos masira ang eardrums niya sa lakas nang pagkakasigaw ni Elijah sa kabilang linya.

"Ano'ng nangyari?"

Narinig niya ang boses ng babae.

"The ritual started," sagot ni Elijah.

"Ano?" sigaw ng mas maraming boses. Napakunot ang noo ni Devorah. Sino ang mga kasama ni Elijah at maingay sa kabilang linya?

"Hello, Dev, please tell Eros to stop the ritual now!" si Elijah.

"I'm afraid I can't do that Elijah," muli siyang bumaling sa dalawa at napabungtonghininga.

***

DALAWANG PULGADA na lamang ang natitira sa itim na kandila ngunit, hindi pa rin muling nabubuhay si Night mula sa malamig nitong bangkay.

"Eros, malapit nang maubos ang kandila," nababahalang sabi ni Devorah.

Patuloy pa rin sa pagbigkas ng orasyon si Eros, hindi siya maaring tumigil dahil pino-protektahan niya si Night sa mundo ng mga kaluluwa, ngunit, halata na sa pamumutla ng kanyang mukha at pawisang noo ang paghihirap sa ginagawa.

Di nagtagal at narinig ni Devorah ang papalapit na mga yabag, malakas na bumukas ang pintuan ng kwarto. Paglingon niya sa likuran, nakatayo si Elijah kasama si Sammie, Miyu, at dalawa pang mukha na hindi niya kilala.

Nanlalaki ang mata nilang lahat ng makita ang nangyayaring ritual.

Pansamantalang nanigas sa kinatatayuan si Lexine, hindi siya makapaniwala sa nakikita, sa gitna ng pentagram nakahiga si Night at napalilibutan ng mga usok na hugis ng maraming kamay, habang nakaturok ang isang punyal sa dibdib.

Mabilis na tumulo ang mga luha sa kanyang mata habang dahan-dahang hinahakbang ang mga paa, "Night… oh my god…"

Nanghihina na lumuhod siya sa gilid ng pentagram. Dinudurog ang puso niya ng mga sandaling ito. Nahuli siya ng dating. Kung sana ay mas maaga niyang nalaman ang totoo na siya si Lexine, hindi sana aabot sa ganito.

Tuluyan siyang napahagulgol.

"Paano natin sila mapipigilan?" tanong niya kay Devorah.

Napailing si Devorah, "Hindi na natin pwedeng itigil ang ritual, dahil mas lalong mapapahamak si Night kapag bumitaw sa orasyon si Eros, wala na tayong ibang magagawa kung hindi ang mag-antay na magbalik buhay si Night. But we have one problem…"

Lalong nanikip ang dibdib ni Lexine, "Ano?"

Tinuro ni Devorah ang itim na kandila, "Kailangang makabalik si Night bago maubos ang kandila dahil kung hindi, he will never wake up."

Pakiramdam ni Lexine pinagsakluban siya ng langit at lupa, mabilis ang pag-iling niya habang pinagmamasdan ang katawan ni Night sa loob ng pentagram.

"No, no, hindi pwede, Night please wake up! I'm here… Night, I'm here, please bumalik ka na…" iyak niya habang nagsusumamo.

Naguguluhan si Devorah, nagtatakang napabaling siya kay Elijah, bumuntonghininga si Elijah at mabigat ang loob niya na hindi niya agad napigilan si Night at Eros.

"What's happening Elijah?"

"It's a long story Dev but Lexine is alive. She's not in the spirit world."

"What?" hindi makapaniwala si Devorah, "H-how?"

"Dahil ako si Lexine."

Nagtatakang bumaling si Devorah kay Sammie, lalo siyang naguguluhan, "Paanong ikaw si Lexine?"

"We will explain everything to you later Dev but first, we need to do something to make Night come back to life as soon as possible," ani Elijah.

Humarap si Lexine sa mag-inang Sorceress na nanatiling nakatayo sa labas ng pinto, halata sa mukha nila ang takot sa mga nakikita.

"May magagawa po ba kayong paraan Madame Winona? Miyu?" nag-aasam niyang tanong.

Maluha-luhang umiling si Winona, "Patawad anak, pero hindi basta-basta mapipigilan ang kapangyarihan ng fruit of sin, napakalakas nito at napakapanganib din."

Tuluyang bumagsak ang balikat ni Lexine, ano na ang gagawin niya?

"Siguradong hanggang ngayon hinahanap ka ni Night sa mundo ng mga kaluluwa Lexine, knowing that asshole, hindi titigil 'yon hangga't hindi ka niya nakikita," nababahalang saad ni Elijah.

"That's what I'm worrying the most Lexine, if you only saw how desperate Night was just to bring you back, talagang ibibigay niya ang lahat para makapiling ka lang ulit. Even sacrificing himself to the darkest power," nahahabag na sabi ni Devorah.

Mas lalong nanikip ang dibdib ni Lexine, bakit ngayong nandito na siya ulit si Night naman ang umalis? Talaga bang ganito kalupit ang tadhana sa kanila at patuloy silang tinutulan? Hindi ba sila pagbibigyang maging masaya?

"Night please… please… I'm here, I promised that I will come back for you and I'm here. Nandito ako Night please bumalik ka na sa akin…"

Patuloy siyang umiiyak at nagmamakaawa na sana ay naririnig siya nito.

avataravatar
Next chapter