14 House party

NAPATUNAYAN ni Lexine kung bakit binansagang "Queen of the Parties" si Xyrille ng kanilang department nang makarating siya sa bahay nito. Black sequence, one shoulder long sleeve asymmetrical dress, ang sinuot niya para sa gabing `yun. Humahapit ang tela sa petite at makurba niyang katawan habang may side slit iyon na umaabot hanggang kalahati ng kanyang hita. Tinernuhan niya `yon ng red stiletto at red lipstick na angat sa mala-gatas niyang kutis. Her innocent angelic face was surprisingly seductive. Nilugay niya ang pini-lantsang buhok. At para kumpleto ang kanyang outfit of the night, nagsuot siya ng glittery red eye-mask na tumatakip sa kalahati ng mukha niya. May black feathers pa iyon na nakadikit sa left corner.

Malaki at malawak ang mansion ng pamilyang Dominguez na matatagpuan sa loob ng Ayala Alabang. Madalas na wala si Mr. and Mrs. Dominguez dahil mahilig mag out of the country ang mga ito. Ang mga kapatid naman ni Xyrille ay nag-migrate na sa States. Kaya naman madalas magpaparty si Xyrille. Dagdag pa na bunso ito kaya nagagawa nito ang kahit anung gustuhin.

Ten PM na nakarating si Lexine at marami nang mga bisita. Kanya-kanyang face-mask, dress at suit and tie ang suot ng bawat isa at talaga namang postura at hindi nagpapakabog. Inayusan na tila isang masquerade ball na may gothic touch ang kabuuan ng property. Color black and gold ang motif niyon.

May catering at mobile bar na matatagpuan sa malawak na garden sa likuran ng bahay. Higante ang mga sound system at makukulay na strobe lights sa paligid. May fire dancers na sumasayaw habang may seksing DJ ang kasalukuyang nagpi-play ng house music sa maliit na stage na nakaset-up sa gitna. May iilang mga bisita ang nagsu-swimming sa malawak na infinity-pool na may changing color LED lights sa ilalim.

Small gathering, huh? Napailing na lang si Lexine.

Karamihan sa mga guest na nag-attend ay mga ka-department at schoolmate nila kaya naman marami ang bumabati sa kanya. Tila naging isang college ball ang party ni Xyrille. Natagpuan niya ito sa pool side. Napaka elegante nito sa suot na gold tube pemplum dress na tinernuhan ng gold eye-mask.

"Lexi! You came!" Xyrille giddily bounced up and down.

"Happy birthday, gorgeous!" Agad niya itong niyakap nang mahigpit at inabot ang regalo niya. Isa iyong mamahaling earrings na inorder niya mula sa Italy.

Nagliwanag ang mukha ni Xyille. "Aw. Thank you, girl! Oh, wait, bakit mag-isa ka? Where's Ansell? `Di mo ba siya kasamang dumating dito?"

"Hindi eh, kanina ko pa nga tinatawagan `di naman sumasagot. Pero pupunta `yun. Baka may ginagawa lang."

Pero ang totoo ay hindi kumportable si Lexine sa mga ganitong house party. Nasanay na kasi siyang laging inaalalayan at sinasamahan ni Ansell kahit saan siya magpunta kaya pakiramdam niya para siyang nawawalang batang paslit sa lansangan `pag wala ito sa tabi niya. Pero dahil naka-oo na siya kay Xyrille kaya napilitan siyang mauna na lang nang mag-isa.

Saglit pa silang nagkwentuhan ng birthday girl. Pinakilala siya nito sa mga kaibigan nito from outside of their university. Maya-maya pa at nagpaalam itong kukuha lang ng drinks.

Muling sinubukan ni Lexine na tawagan si Ansell pero nabigo pa rin siyang makausap ito. "Bakit kaya `di sinasagot ng unggoy na `to ang tawag ko? Siguro nang-chiks na naman. Naku, Ansell. Lagot ka talaga sa'kin mamaya," bulong niya at nanggigigil na pinatay ang tawag.

May isang grupo ng apat na kalalakihan ang lumapit kay Lexine. Nakasuot ng maskara ang mga ito. "Hi, Lexine. It's me, Cristoff." Ang lalaking nasa gitna na may dark-blue mask ang unang nagsalita. Hinubad nito ang maskara. He has dark eyes, a big pointed nose, and a charming smile. Lexine's eyebrows lifted. She remembers him now. He's the captain of the basketball varsity team.

"Oh, hi." Alanganin siyang ngumiti rito.

"A beautiful girl like you shouldn't be left alone in this kind of party." Malagkit na tumitig sa kanya si Cristoff mula ulo haggang paa. "Marami ang loko-loko riyan sa tabi. Lalo na `pag under influence of alcohol."

"Kumuha lang ng drinks si Xyrille," paliwanag niya. Panay ang paglikot ng mata niya sa paligid.

Sinubukan pa nitong tanungin siya ng kung ano-ano. Madami itong komento tungkol sa party. Niyabang pa nito na kakilala nito ang event organizer na kinuha ni Xyrille. Lexine tried to sound nice and casual kahit ang totoo ay kanina pa nangangati ang mga paa niya na umalis at hanapin si Xyrille.

Marahil napansin ng mga ito na hindi siya interesadong makipag-usap. Mas dumikit pa si Cristoff sa kanya. "Hindi mo ata kasama `yung body guard mo?"

Tumawa nang malakas ang mga kaibigan nito. Kung iyon ang way nito para makuha ang buong atensyon niya ay nagtagumpay ito. Naningkit ang mga mata ni Lexine.

"Kulang na lang kay Ansell buntot, eh. Parang aso na susunod-sunod kay Lexine," dugtong pa ng isang kasama nito na nagpakilalang, Jacko. Humahapit ang malalaking braso nito sa suot na white tuxedo.

"Mas bagay na tawagin siyang K-9! Body guard na aso pa! Arf! Arf! Arf!" sabat ni Trevor na tadtad ng piercing sa tenga, ilong at labi. Mas lalong lumakas ang tawanan ng magkakaibigan.

Mabilis na umakyat ang dugo ni Lexine sa ulo niya. Hindi na siya nakapagtimpi pa. Taas noong hinarap niya ang mga ito. "I don't like to stoop down my level with assholes like you, but I won't tolerate your rudeness either. So would you and your barking friends please stop insulting, Ansell? Hindi kayo nakakatuwa."

Natigil sa pagtatawanan ang mga ito. Sumipol si Jacko habang gumapang ang titig ni Cristoff sa kanya mula ulo hanggang paa. Tinaas nito ang dalawang kamay na tila sumusuko sa pulis habang `di pa rin nawawala ang nakaiinsultong ngiti sa labi nito. "Sorry, me and my bad mouth. Blame it on the alcohol." Kumibit balikat ito at pinakita sa kanya ang hawak na beer cup.

Bumuntong-hininga na lang si Lexine at binigyan ang apat ng lalaki ng nakahihiwang tingin. If looks can only kill ay nachop-chop na niya ang mga ito. Useless lang na patulan niya pa ang mga ito. Humakbang na siya paalis pero may nakalimutan siyang sabihin kaya muli siyang bumalik.

"And FYI. Hindi aso si Ansell. Nakakahiya naman sa mga katulad niyong mukhang bulldog!"

***

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Cristoff si Lexine nang naglakad ito palayo. Hindi niya maalis ang malisyosong ngiti sa labi. Lexine is one of the most popular girls on their campus. She's the ultimate fantasy of any man. Unfortunately, laging nakabakod ang kaibigan nito kaya mahirap malapitan ang dalaga. But not him because he always gets what he wants. And tonight, he wants Lexine.

"Whew! Taray nun pre, ah!" komento ni Luis sa gilid niya.

"Parang bubuga nang apoy!" dugtong ni Trevor. Nagtawanan ang mga ito.

"Pero chix talaga ni Lexine, dude. She's too hot just to be single. Check out her curves, Neneng B ang katawan," saad ni Jacko habang gumuguhit ng hugis bote sa hangin gamit ang dalawang palad nito.

"BOOOM!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo.

Ngumisi si Cristoff at sumimsim ng beer. Mainit ang titig niya sa buong katawan ni Lexine. Ngayon gabi, mangyayari lahat ng kanyang mga plano. Tonight is the best time for it.

"`Yan ang tipo ko, pre. Palaban."

avataravatar
Next chapter