154 Hot and cold

NAABUTAN ni Sammie si Night na tahimik na naninigarilyo sa balcony ng private suite. Sa tulong ng pinainom na potion ni Miyu ay kumalma na rin sa wakas ang sistema niya. Napakaraming nangyari at sa loob lamang ng ilang araw ay sunud-sunud na kababalaghan ang dumating sa buhay niya na hindi niya kailanman inisip na mararanasan niya.

Vampires, werewolves, witches, demons? Never in her life, she'd imagined that these creatures were real. Higit pa sa pinagtataka niya ay ano ang misteryo sa pagkatao ni Night? Bakit napakalakas at napakabilis nito? Malinaw pa rin sa alaala niya kung paano nito walang awang binali ang leeg ng bampira sa harapan ng buong members ng Black Phantom.

Gayunman, kahit sa nakagigimbal nitong pagkatao, nakakapagtakang hindi siya lubusang natatakot dito. Hindi niya makalimutan ang pakiramdam ng pagkakadikit ng mga katawan nila. At ang malumanay nitong boses na tila hinehele ang kanyang puso. Nalilito na si Sammie sa mga nangyayari at nararamdaman. Nahuhulog na ba ang loob niya kay Night?

Humugot siya ng malalim na hininga at hinakbang ang mga paa palapit sa binata na hanggang ngayon ay nakatanaw lang sa madilim na kalangitan. "Night." Hindi ito kumibo sa kanya, imbis, nanatili itong nakatalikod at humithit ng sigarilyo sabay buga ng usok sa hangin.

Nakagat ni Sammie ang ibabang labi. Ang lakas ng tibok ng dibdib niya at hindi niya alam kung bakit siya nakararamdam ng ganito. Kailangan na niyang sabihin kung ano ang pakay at kung bakit siya nagtungo sa Black Phantom nang sa ganoon ay matapos na ang lahat ng ito. Humugot siya ng malalim na hangin.

"G-gusto ko lang sanang sabihin na… salamat sa pagpapahiram mo sa `kin ng isang milyon. Naging successful ang operation ng papang ko. Ligtas na siya, salamat sa `yo."

Nang walang kahit anong sagot na narinig kay Night ay mas lalo tuloy ninerbyos si Sammie. Nilaro na lang niya ang mga daliri at baka sakali na kumalma ang mga nag-uunahang kabayo sa kanyang dibdib. "Babayaran ko `yon. Kahit hulog-hulugan ko na lang."

Muling humithit si Night hanggang sa maubos ang stick na hawak niya. Diretso niyang nilanghap hanggang baga ang init na hatid ng sigarilyo habang dahan-dahang binuga ang usok na pinadaan niya sa ilong. Pumihit siya paharap at tinapon sa sahig ang yosi bago ito tinapakan. His face was colder than the icy air that was hitting his skin.

Napalunok si Sammie. Napakadilim na mata ng makisig na binata. Nasaan na ang Night na sobrang nag-aalala sa kanya kanina?

"I don't need the money," malamig nitong sagot na hindi man lang nag-abalang sulyapan siya bago mabilis na humakbang papasok sa loob ng suite. Nahigit ni Sammie ang hininga nang magtama ang balikat nila ni Night nang dumaan sa gilid niya.

Bakit ba ganito ang turing sa kanya ng lalaking ito? Why was he always hot and cold towards her? Siya nga itong nanahimik sa buhay niya hanggang isang gabi ay bigla na lang siya nitong hinatak at pinaghahalikan sa labi. Niligtas pa siya nito sa kahihiyan at pinakikielaman ang mga desisyon niya na para bang may karapatan ito. Bakit ba siya nito tinutulungan? Bakit kanina kung paano siya hagkan ng ubod ng higpit ni Night para bang totoong importante siya rito?

Tapos heto ito ngayon, susungitan siya at ita-trato na parang wala lang? Hindi na nakapagtimpi pa si Sammie. Buong loob niyang pinihit ang sarili paharap sa binata. "Bakit ba ang kumplikado mo?"

Nahinto si Night sa paghakbang ngunit hindi ito lumingon. "Go home."

Go home? Anung klaseng sagot iyon? May on and off switch ba ang katauhin nito? Anu ba ang gusto nito sa kanya? Bakit siya nito pinaglalaruan?

Sumiklab ang apoy sa dibdib ni Sammie. Kailangan niyang ilabas ang lahat ng saloobin dahil kung hindi ay mababaliw siya. "For all I remember, ikaw ang nagpunta sa bar at nagpakalasing. Ikaw ang parang baliw na bigla na lang akong pinaghahalikan. Ikaw itong nangingielam sa `kin sa desisyon kong magpakaputa at ikaw rin `tong bigla na lang akong paghuhubarin tapos hindi naman pala ako gagalawin."

Tumawa siya ng mapakla. Ano ba ang pinagsasabi niya? Pati ata kabaliwan ng gagong ito ay napasa na sa kanya. Daig niya pa ang naka-shabu. Ngunit tila ba may sariling pag-iisip ang bibig ni Sammie at hindi tumitigil sa pagsasalita. "Porque ba mayaman ka kaya magtatapon ka lang ng isang milyon?"

Nanatili pa ring naninigas sa kinatatayuan si Night, nagkukuyom ang dalawang palad nito.

"Bakit mo `ko niyakap kanina at sinabi na pinatay kita sa pag-aalala? Ano `yun? Trip mo lang? Pa-fall ka lang ganun? Ayos ka rin `no… sala sa init, sala sa lamig."

Sa tuwing naaalala niya kung paano siya nito halikan, titigan, at kung paano nito lituhin ang damdamin niya ay mas lalong sumiklab ang inis niya sa dibdib. Lalo na at alam naman talaga niya kung ano ang sagot. Ginagawa sa kanya ni Night ang lahat ng ito dahil sa isang babae na puno't-dulo ng pagkakadikit niya rito.

"Tao akong humaharap sa `yo pero kung ituring mo ako para lang akong bagay na walang damdamin. Huwag mo nga akong i-gaya sa mga babaeng pinapaikot mo, Night! At mas lalong hindi ako si Lexine para––"

Nahigit ni Sammie ang hininga nang isang kurap ay bigla na lang siyang hinawakan ni Night sa magkabilang balikat at malakas na sinandal sa pader. Nanlilisik ang mga mata nito na para bang papatayin na siya. Habang nanginginig naman ang bagang nito at nagdidilim nang husto ang mukha. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakakakita si Sammie ng totoong demonyo sa kanyang harapan. She can see nothing but death in his cold dark eyes.

"Don't you ever… fucking… say her name," mabagal ngunit buong gigil na sambit ni Night.

Namuo ang mga luha sa mata ni Sammie. Ngunit pinilit niya pa rin patatagin ang mga tuhod at hindi kumukurap. Nakipagtagisan siya ng titig sa napakatulis nitong mata. Ngunit deep inside nagwawala na ang kalooban niya sa labis na takot. She's seeing a monster in front of her, paano siya kakalma?

Night is so furious. Pakiramdam niya sasabog na siya. How dare this girl used Lexine to slapped him hard on his face; that he has unstable emotions? Tangina! Oo na! Guilty siya dahil para na siyang tanga. Nililito ng babaeng ito ang isip niya dahil hawak nito ang mukha ni Lexine. Ginugulo nito ang sistema niya at nagagalit siya sa sarili dahil pakiramdam niya pinagtataksilan niya si Lexine.

He doesn't suppose to feel this kind of emotion on Sammie. Bakit kahit sobrang nagagalit siya ngayon ay kasabay naman nito ang pag-iinit ng mga kalamnan niya sa pagdidikit ng katawan nila? Bakit ba sa tuwing nasa malapit ito gumigising ang lahat ng ugat niya na para bang may sariling utak na hinahanap ang init ng balat nito?

The way her almond-shaped eyes looked at him with courage as hard as stone. Her beautiful face of an angel that seemed so innocent but underneath it was flaming like a fearless warrior. That sweet little lips that are now partially opened while trembling. Goddamn it! He wants to have a taste of that fucking lips again. Nawawala na siya sa ulirat.

Only Lexine has all the power to make him feel this way but why the hell does Sammie evokes him so much of the girl he loves? Why the fuck does her voice, her eyes, and her body feels like…. Lexine?

Nandito na si Eros, masisimulan na nila ang plano upang mamamatay na siya at masundan na niya si Lexine sa mundo ng mga kaluluwa. Hindi na siya dapat nakakaramdam ng ganito sa babaeng ito. This is nothing Night, whatever is this raging emotions you're feeling for this girl is meaningless! Nililito ka lang niya dahil kamukha niya si Lexine, nangungulila ka lang sa babaeng mahal mo.

Humugot ng malalim na hangin si Sammie. Tama na! Nasabi na niya ang lahat ng hinanakit. Hinding-hindi na siya magpapakita sa lalaking ito at ayaw na niyang makita ang pagmumukha nito kahit kailan. Sa huling pagkakataon, hinugot niya ang lahat ng natitirang lakas na mayroon siya at sinabi ang salita sa kalmado pero matatag na boses.

"I'm not her." Tinitigan niya ito sa mata. "So don't you ever… fucking… treat me like a toy." Tinaas niya ang noo at buong diin na sinambit ang mga huling salitang gusto niyang ipa-baon sa lalaki. "Dahil gago ka, hindi ako panakip butas."

Hindi na niya inantay na sumagot o makapag-react pa si Night. Buong lakas niya itong tinulak at mabilis na dinala ang mga paa paalis. Palayo sa lalaking ito. Palayo sa buhay niya.

avataravatar
Next chapter