246 Halloween party

SA SUMUNOD na mga araw ay nagsa-shadow si Miguel kay Lexine upang malaman ang mga pasikot-sikot sa buong headquarters. Binigyan din siya ni Lexine ng mga documentary videos at reference book na kailangan niyang panoorin at basahin upang malaman ang iba't ibang klase ng mga demons at dark entities sa underworld. Including the history of supernatural beings.

Bukod doon sinali din siya ni Lexine sa physical trainings ng mga agents sa loob ng boot camp na pinamumunuan ni Orgon at Miyu. Noon sa military ay nag-undergo din sila ng mga matinding military trainings. Akala ni Miguel ay napaka-intensive na ng pagsasanay nila pero nahirapan siyang makisabay sa resitensya at lakas ng mga dark-entities na kasama niya sa trainings.

Madalas ay hinahayaan lang siya ni Lexine na mag-isa dahil abala ito sa pamamalakad ng buong operations including ang mga pagpa-plano ng mga susunod nilang mission. Sa ngayon, naka-focus ang buong team sa Project B0160: Mr. Oscar Kho.

"Dumating na ang costume natin guys!" excited na pumasok si Elijah sa loob ng office na bitbit ang isang malaking kahon na may LBC na tatak. Na-order niya ang mga ito sa Lazada.

Tumigil ang lahat sa ginagawa at lumapit sa kahon. Parang batang magbubukas ng regalo ang mukha ni Elijah habang tinatangal niya ang tape sa box. Agad niyang nilabas ang mga costume at pinatong sa ibabaw ng lamesa.

Nang makita ni Eros kung ano ang mga ito ay hindi niya napigilan ang sarili, "Elijah, ayos 'to ah!" maging ito ay na-excite rin.

"I told you man, ako bahala sa costume natin," ngising-ngisi na sabi ni Elijah.

Lumapit si Miyu at tinignan ang mga damit, "Hmm, not bad babe."

Dinampot ni Elijah ang isang costume at sinuot kasama ang wig, "Bagay ba babe?"

Natawa si Miyu, "Bagay!"

"Pogi pa rin?"

"Syempre poging-pogi."

"Aww. Love you babe, pa kiss nga!" sinungaban agad ni Elijah si Miyu.

Umikot ang mata ni Lexine sa kalandian ng dalawa at namili na rin ng susuotin.

"Ito na lang sa akin," sabi ni Devorah na nakapili na, "Ikaw Lexine?"

Saglit pa siyang nag-iisip ng pipiliin nang lumapit si Miguel na may dalang costume, "Bagay sa'yo 'to," inabot nito kay Lexine ang damit na may malaking ngisi.

Tinignan ni Lexine ang binigay nito, "Hmm, good choice Cap."

***

DINUMOG ng mga party goers ang malaking Halloween Event sa Xylo Manila. Kanya-kanyang gimik ang bawat isa sa suot nilang mga costume. Mayroon mga nagdamit ng vampires, zombies, white ladies. Patok din ang mga holywood icon like Bon Jovi, Marilyn Monroe at Elvis Presley. O kaya mga superhero like Avengers, X-men at video games character sa Tekken at Street Fighters. May iilan na imbis na nakakatakot ay pang comedy ang suot gaya ng grupo ng mga college student na nakasuot ng DIY costume ng mga gulay sa bahay kubo.

Isa ang halloween event sa inaabangan at pinaghahandaan ng mga gimikero at gimikera lalo na at masaya ang magsuot ng mga costumes. Higit sa lahat, party would never be complete without the booze. Kaya naman siguradong uulan ng alak ngayong gabi at uuwing gumagapang ang mga tao sa paglalasing at pagwawalwal.

Kainitan na ng party habang dumadagundong ang malakas na EDM music na pinatutugtog ng DJ. Hiyawan ang mga tao habang panay ang pagtalon at sayaw. Sa kabila ng kaguluhan sa loob ng club, sabay-sabay na napapihit ang ulo ng mga guest nang dumating ang isang grupo na lubos na umangat sa lahat. Pakiramdam nila ay nandito ang mga totoong holywood stars na gumanap sa pelikulang "Suicide Squad."

Si Elijah bilang si Deadshot, Miyu bilang Katana, Eros bilang El Diablo, si Devorah as Enchatress, si Lexine bilang si Harley Quinn at si Miguel as Joker.

Napanganga ang mga kalalakihan partikular sa ubod ng seksing si Harley Quinn with her Daddy lil monster tshirt, super sexy shorts, fish net black stockings, letting her long and slim legs exposed, messy make up, and two pony tailed blonde hair with a mix match of red and blue. Syempre, hindi makukumpleto kung wala ang baseball bat na nakapatong sa kanyang balikat at pink chewing gum na pinalobo ni Lexine hanggang sa pumutok ito, sabay nginuya ulit.

"Damn man, she's so hot, sana ako na lang yung chewing gum!" sabi ng isang lalaki sa kabilang table.

"Pare okay na ako kahit ako yung baseball bat!"

"Masaya na ako maging sahig, kahit maapakan niya lang ako!"

"Shit dude! Natagpuan ko na si The One!"

Tila mga batang teenager na nagtutulakan pa ang grupo ng mga kalalakihan kung sino ang unang lalapit kay Lexine. Pero bago pa man sila makabuelo ay humarang sa harapan nila ang nakangiti na si Joker.

"Hello gentlemen!" nakakakilabot ang ngisi ni Miguel dahil sa berdeng buhok, napakaputing face make up, at braces sa ngipin. Lalo na at gayang-gaya niya kung paano ngumiti si Joker.

Nanginig naman agad at napaatras ang mga lalaki, "S-sorry p-po s-sir, n-nagbibiruan l-lang kami…" kanda-utal na sabi ng binata sa harapan na siyang unang lalapit sana kay Lexine. Agad silang natakot para sa kanilang buhay.

Tumawa ng nakakakilabot si Miguel na katulad ng kung paano tumawa si Joker, sa takot ng mga binatang lalaki ay mabilis silang nagtakbuhan palabas ng bar.

"Lexine, on your right, sa second floor, fifteen o clock," bulong ni Miyu.

Tumingala si Lexine sa tinurong direksyon at napangiti nang matagpuan ang target nila na si Mr. Kho. Nakasauot ang matanda ng Santa Claus na costume habang nasa itaas ng VIP room sa second floor at nakadungaw sa glass railings. Sa magkabilang gilid nito may mga seksing babaeng naka-costume ng playboy bunny.

"We have to be cautious, nakakalat ang mga galamay ni Mr. Kho. At ang mga kasama niya sa VIP room ay kumpirmadong mga demons at vampires," dugtong naman ni Elijah.

"We must make sure first na walang mga inosenteng masasaktan. Masyadong maraming tao, baka magka-stampede sa oras na magkagulo," sabi ni Lexine habang pinagmamasdan ang hindi mahulugang karayom na paligid dahil sa bilang ng mga bisitang nasa loob ng club, "Eros and Dev, are you guys ready for your assignments?"

Inexpect na ng research team nila na maraming dadalo sa event. Kaya naman naka-ready na ang kanilang plan A and B nang sa ganoon ay walang mga civilian na madamay sa kaguluhan.

Halos one fourth o mahigit sa mga bisita ang siguradong galamay ni Mr. Kho, pero malaki ang posibilidad na mas marami pa'ng mga demons na nagtatago at maaring lumabas.

"Ready na kami," sabay na sagot ni Eros at Devorah.

"Okay, let's start the party," pinatong ni Lexine ang baseball bat sa kanyang balikat at muling nagpalobo ng bubble gum hanggang sa pumutok ito, "Pop!"

***

TUWANG-TUWA si Mr. Oscar Kho dahil successful ang kanyang event. Excited na siya para sa main course na inihanda niya para sa lahat ng demons at vampires na dumalo. Bilang isang makapangyarihan 'Hybrid' napamumunuan niya ang dalawang lahi.

"Mr. Kho, ready na po ang lahat," sabi ng head manager ng Xylo na isa rin sa mga galamay niya.

Mas lalong lumaki ang pagkakangisi ni Mr. Kho, "Perfect! Sige, ipamigay niyo na ang inihanda kong surpresa para sa kanila."

"Masusunod po Mr. Kho," yumuko ang head manager at saka umatras at lumabas ng VIP room.

Di nagtagal at mabilis na lumabas ang mga waiters na may dala-dalang jelly shots at pinamigay sa lahat sa mga bisita.

"Everyone! Feel free to have as many jelly shots you like!" sigaw ng DJ sa stage. Naghiyawan ang mga tao at sabay-sabay na kumuha ng jelly shots. Sarap na sarap sila at mas lalong naging mainit ang party. Lalo na at marami na din ang lasing.

Maganda ang ngiti ni Mr. Kho habang pinagmamasdan ang dagat ng mga tao sa ibaba ng first floor habang nakasandal ang dalawang siko sa glass railings at may hawak na champagne glass.

"What can you say about my grand event?" tanong ni Mr. Kho.

Naglakad palapit ang isang matangkad na binata na nakasuot ng half white mask na inspired sa Phantom of the Opera. Tumabi ito kay Mr. Kho at pinagmasdan din ang nagkakagulong mga guest sa pinamimigay na jelly shots.

"Nice party," tipid na komento ng binata.

Napataas ang sulok ng bibig ni Mr. Kho, "Is that a good nice or a bad nice?"

"In between."

Mahinang tumawa ang matanda sabay inangat ang basong hawak, "I'm pretty sure everyone would love the jelly shots. Cheers!"

Tinaas naman ng binata ang hawak na baso at nakipag-toast. Sabay sila ni Mr. Kho na uminom ng champagne. Nakatanaw ang binata sa first floor at pinapanood ang kaguluhan ng mga taong nagsasayawan nang isang partikular na babae ang nangibabaw sa kanyang mga mata. Natigilan ang binata sa pag-inom nang makilala ito sa kabila ng makapal na make up at costume.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa champagne glass kasabay nang pagtigas ng kanyang bagang. May isang mabigat na bagay ang bumara sa kanyang lalamunan at nanlamig ang buong pakiramdam.

avataravatar
Next chapter