53 Guardian and Protectors of the Earth

PAYAPA AT MAHIMBING ang pagtulog ni Ansell sa kama. Tahimik lang itong pinagmamasdan ni Lexine. She still can't believe that Cael and Ansell can be one. Totoo pala ang mga possession na napapanuod niya lang before sa mga movie. Hindi lang pala demonyo ang pwedeng sumanib sa katawan ng tao, kahit pala ang katulad ni Cael.

Pero sino nga ba talaga ang misteryosong lalaki? Bukod sa gawa ito sa nakasisilaw na liwanag at nilikha upang maging tagabantay ng mga tao na katulad niya. Ano'ng totoong katauhan nito? Kinuha niya ang puting balahibo na madalas niyang tinatago sa bag. Maraming bagay na tumatakbo sa isip niya. Liwanag. Protector. Guardian.

Binuksan niya ang laptop at nag-search sa internet tungkol sa mga creature na gawa sa liwanag. Pati mga word na protector and guardian. Matapos ang ilang oras na paghahanap, napadpad siya sa isang website na tungkol sa mga lihim na kababalaghan sa mundo. Anonymous ang may gawa ng blog. Black and white lang ang web design pero napakadetalyado ng bawat blog entry nito. Kung gawa-gawa lang ang lahat ay nakamamangha iyon sa sobrang daming informations na binibigay ng blogger. Kung paano nito nakuha at naresearch lahat ng artifacts ay isang malaking palaisipan.

"Guardian and Protectors of the Earth?"

She clicked the link. Bumungad sa screen ang iba't ibang pictures. May mga litrato na galing pa sa sinaunang panahon. Mga drawing at kung ano-anong larawan na halatang ancient. Isang partikular na image ang pumukaw ng atensyon niya. Nanlaki ang kanyang mata at agad pinagdikit ang balahibong hawak at ang picture sa screen.

Napasinghap siya matapos makumpirmang magkatulad ito. Iisa ang itsura nila! Ang tagal niyang nagresearch at dito lang pala niya makikita ang hinahanap sa sagot. Pinagpatuloy pa ni Lexine ang pagbabasa hanggang sa matagpuan niya ang isang paragraph na labis na nagpatayo ng mga balahibo niya sa katawan.

"They are known as a creature made of holy lights. They have the ability to possess a human body in order for them to step down on earth and join humanity. They are the secret protector and guardians of GOD's people against evil." Napatakip siya ng bibig.

Nanghihinang nabitiwan niya ang balahibo sa ibabaw ng study table. Sinarado niya ang laptop at sinabunutan ang sarili. Nagsimulang bumara ang lalamunan niya habang isa-isa niyang pinagtatagpi-tagpi ang lahat.

"Kung si Night ang Tagasundo at nakatali ang kaluluwa ko sa kanya dahil sa isang sumpa. At may iba pang mga halimaw ang gusto `kong kunin at dalhin sa kamahalan nila—or whoever that freaking weirdo is. And now this? Angel? Cael is an Angel? Angel ang sumasanib sa katawan ni Ansell na kanina lang nag-confess sa `kin—oh my God!" dire-diretso niyang salita na halos hindi na humihinga.

Lalo niyang nasabunutan ang sarili. Mababaliw na ata siya. Hindi na kayang i-process ng utak niya ang lahat ng impormasyon. "Ano ba kasing klaseng gulo `tong napasukan ko? Bakit sa `kin pa? Why me of all people?"

Tumayo siya at sumandal sa dulo ng study table. Hindi sinasadyang natabig niya ang isang bagay na diretsong nahulog sa sahig. Iyon ang kahon na binigay sa kanya ni Madame Winona. Pinulot niya ito at agad binuksan. Binati siya ng isang gintong kwintas. Tinanggal niya ang alahas mula sa foam at sinuring mabuti. The pendant was a shape of a single and wide gold leaf. Pero bakit naman siya binigyan ni Madame Winona ng ganito?

Suddenly, a weird sensation burst inside her. As if this thing was talking to her. Sinuot niya ang kwintas at tinago sa loob ng blouse. Somehow, Lexine feels that she's being protected by a special magic from this gift.

avataravatar
Next chapter