190 Future with you [2]

"HINDI MO NAMAN ako naiintindihan Night eh," nabuo na ang luha sa kanyang mata.

Sinuklay ni Night ang kamay sa buhok at mabigat na bumuntonghininga, "Lexine mahal na mahal kita. Wala akong ibang gustong makasama kundi ikaw lang. Hindi ka ba masaya sa akin? Sa atin?"

"Masaya ako Night, masayang-masaya, pero hindi naman pwede na iikot lang ang mundo ko sa'yo… sa ating dalawa. I have dreams that I wanted to fullfil on my own. Please, intindihin mo naman ako. Pwede naman tayo magpakasal at bumuo ng pamilya in the future pero hindi lang ako handa sa ngayon."

"Night please… try to understand," malambing niyang sinuyo ang nobyo.

Alam ni Lexine na nasaktan niya si Night dahil tinatangihan niya ito ngayon pero 'yon naman kasi talaga ang totoong gusto niya. Sana naman at maunawaan siya nito.

Unti-unti ay nag-relax ang tensed na balikat ni Night at tinignan ang nakikiusap na mga mata ni Lexine. Masama talaga ang loob niya pero kapag ganito na ang titig sa kanya ng babae lumambot na naman siya.

"I love you Night, wala akong ibang gustong makasama habang buhay kundi ikaw lang. Pero sana hayaan mo rin akong magdesisyon para sa sarili ko. I appreciate everything you wanted for me. But I have to stand on my own. I need to feel that I have the control in my life. Huwag mo naman sana pangunahan ang mga desisyon ko."

Bumuntonghininga si Night at tinitigan nang taimtim si Lexine bago dahan-dahang tumungo, ano pa bang magagawa niya eh pakitaan lang siya ni Lexine nang isang patak ng luha bumabaliktad na siya.

Besides, tama naman ito. He had to learn to let her freely move and decide on her own. Hindi lang talaga niya mapigilan ang sarili sa pagiging controlling at possessive sa babae dahil natatakot lang siyang mawala ito ulit sa kanya.

"Okay, I'm sorry if I acted immature and selfish," bumagsak ang kanyang balikat. Di bale, sa isip-isip niya ay ilang taon na lang naman ang aantayin niya bago dumating sa right age si Lexine upang mag-decide na bumuo na ng pamilya.

Napangiti sa wakas si Lexine at mahigpit na hinagkan ang nobyo. Pinulupot niya ang mga braso sa leeg nito at buong pagmamahal na tinignan sa mata, "Thank you."

"Pero pwede kahit weekends sa akin ka na matulog? Siguro naman pwede na 'yong two times a week?" naglalambing na pahabol ni Night.

Hindi na napigilan ni Lexine ang ngiti, kapag ganitong nagpapa-cute si Night sa kanya ay nagiging marupok siya. Kunwari sandali muna siyang nag-iisip habang nagpa-pout pa ang nobyo niya sa kanyang harapan na akala mo nagmamakaawang bata.

"Please, weekends? sa akin ka na uwi please?" lalo pa itong ngumuso at nag-puppy eyes.

Naningkit ang mata ni Lexine. Naglalambing na pinulupot ni Night ang mga braso sa maliit niyang bewang at hinapit siya lalo. Nahigit niya ang hininga nang magtama ang dibdib nila at halos kadangkal na lang ang distansya ng kanilang mukha.

"Please?" ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang mukha.

"Hmm…" aniya na pinapatagal ang pag-iisip at tumitingin pa sa kisame.

"Mamatay ako sa lungkot kapag hindi kita katabi matulog. Magkakaroon ako ng anxiety at bad dreams, hindi ka ba naawa sa'kin? I'm alone in my big mansion I'm so scared," nanginginig-nginig pa ang labi ni Night na akala mo iiyak na.

Ang lakas nang halakhak ni Lexine sa kadramahan ng nobyo. Mahinang tinampal niya ang balikat nito.

"Ang arte mo ha, sige na. Weekends lang."

"Yes!" ngiting tagumpay ang mokong tapos biglang humirit ulit, "Pwede Friday, Saturday and Sunday para thrice a week na?"

Umungol siya at kinurot ito sa kili-kili, "Ikaw talaga napaka-pilyo mo. Tama na ang weekends. May duty pa ako sa bar sa gabi tapos mag-aaral sa umaga, busy ako."

"Ang busy mo naman masyado baka wala ka ng time sa akin."

Umikot ang mga mata niya, "Busy ka rin naman diba? Nearly two people die every seconds kaya marami kang susunduing kaluluwa."

Night grunted, "My dummies can do all those work."

"Edi ikaw na!"

Night chuckled then gently planted small kisses on her shoulders, slowly crawling to her neck and jaw.

Nakiliti si Lexine, ito na naman ang pilyo at nagpaparamdam naman ng kalandian, "Night ayan ka na naman pinagod mo na ako kagabi."

"Relax ka lang ako na ang kikilos," umangat ang labi nito sa likod ng kanyang tenga. Napapikit si Lexine sa sarap na dulot ng mga halik nito sa kanya.

Natatawang napahiga siya sa kama nang umibabaw na agad si Night sa kanya habang pinauulanan siya ng maraming halik. Nag-init na agad ang katawan niya. Napasinghap siya nang maramdaman ang tumutusok sa kanyang hita.

"Good morning daw," pilyong bulong ni Night.

"Napaka-hilig mo talaga!"

"Hindi pa ako nakakabawi sa one year na wala akong aksyon kaya hindi talaga kita titigilan," kasabay ng pag gapang ng mga halik nito sa kanyang leeg ay ang paglandas ng palad nito sa buo niyang katawan. Napaungol si Lexine sa init ng mga haplos ni Night. Mabilis niyang naramdaman ang pamamasa sa kanyang ibaba.

Pumosisyon na si Night sa pagitan niya at dahang-dahang pinasok ang sarili, hindi niya napigilan ang sensual na pag-ungol nang tuluyan itong nakapasok, "Ahhh… Night…"

Sinimulan nang gumiling-giling ni Night sa ibabaw niya at muli siya nitong dinadala sa langit nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.

"Good mor—oh shit!" napatalon si Elijah sa nakita at napatakip sa mata gamit ang dalawang palad.

Napatili nang malakas si Lexine at maging si Night ay nagulat din.

"Fuck Elijah! What the hell!" galit na sigaw ni Night at mabilis na tinakpan ang katawan ni Lexine. Nagtago naman si Lexine sa kanya at siniksik ang sarili. Natatarantang pinangtakip ni Night ang puting kumot sa katawan ng nobya. Mapapatay talaga niya si Elijah.

Tawang-tawa naman ang bampira na ngayon ay nakatalikod na.

"Hindi ka ba marunong kumatok tangina mo!?" galit na singhal ni Night.

"Hindi ba kayo marunong mag-lock?"

Sa inis ni Night ay dinampot niya ang unan at hinagis kay Elijah, "Fuck you get out!"

"Fine! Fine! Pero bilisan niyo na diyan at may importante pa tayong pag-uusapan. We'll wait you guys at the private room. And breakfast is ready!"

Saka lumabas si Elijah na may malakas na halakhak.

"I'm really going to burn that fucker inside his club," nangingigil na bulong ni Night.

Lexine on the hand can't contain her giggles and burst out loud.

avataravatar
Next chapter