303 Five minutes

"LEXINE! Huwag mong kalimutan inumin yung collagen drink na binigay ko sa'yo okay? It will helps your skin to look fresh and healthy para sa big day mo tomorrow!" mahabang habilin ni Miyu habang nag-vi-video call silang tatlo nila Devorah.

Nakalapag sa lababo ang macbook ni Lexine habang kinukuskos niya ang mukha gamit ang mabulang facial wash.

"Yeah, noted."

"Yung face mask isuot mo din tonight Lexine, that's very effective to moisturize your face," sabi naman ni Devorah.

Naghilamos siya ng mukha gamit ang tubig, matapos matangal ang mga sabon ay nagpunas na siya ng twalya at dinampot ang sachet ng face mask na according kay Devorah ay binili pa nito sa Japan.

Binuksan niya ito at kinuha ang basang face mask saka pinakita sa webcam, "Ito na po, isusuot ko na," at sinimulan na niyang itapal sa mukha.

"Oh my gosh, I can't believe tomorrow na ang kasal niyo ni Night!" impit na tili ni Miyu na akala mo teenager habang nakapalumbaba sa kama at hawak ang iPad nito.

Napabuntong hininga si Lexine matapos niyang mailagay ng maayos ang face mask sa mukha, "Honestly, kinakabahan ako girls. Di ko alam kung makakatulog ba ako nito."

"Kaya nga inumin mo yung collagen drink, may relaxing effect sa katawan yun."

"O kaya mag chamomile tea ka," suggestion ni Devorah.

"Good idea, may bagong bili nga pala akong tea's sa TWG."

Matapos ang halos isang oras na pakikipag kwentuhan ay binaba na nila ang video call nang sa ganoon ay makapagpahinga na siya. Pagtingin ni Lexine sa digital alarm clock sa side table ay pasado alas dose na ng gabi. Pero kahit anong gawin niya ay hindi talaga siya makataulog hanggang sa mag-ala una ng madaling araw ay mulat na mulat pa rin siya.

Maya-maya at nag-ring ang phone niya. Nang makita kung sino ang tumatawag sa facetime ay excited niya itong sinagot.

"Hi baby…" ang napakagwapong mukha ni Night ang bumungad sa screen.

"Hindi ka rin makatulog 'no?"

He chuckled, "I'm so excited ayaw akong dalawin ng antok."

She giggled and bit her lower lip, "Me too."

"Damn I missed you so much, I can't sleep well kapag 'di kita katabi. I want to see you in person. Puntahan na lang kita?"

Umikot ang mata niya at bumangon para umupo sa kama, "Diba sabi ng matatanda bawal daw magkita sa araw ng kasal. Ala una na."

Ngumuso na parang batang nagmamaktol si Night, "Tss… naniniwala ka pa rin sa mga pamahiin."

"Malas daw yun. May hindi magandang mangyayari sa kasal."

"I just really want to hug you kahit five minutes lang…" pagpupumilit pa rin nito.

"Night…"

"Please? Pretty please? Promise hug lang kita. Tapos uuwi na ako."

Naningkit ang mata ni Lexine sa makulit na binata. Matapos ang ilang segundo ay bumuntong hininga siya sabay umikot ang mga mata.

"Fine. Come here."

"Yes! Open your door!"

Bigla siyang napabangon sa sinabi nito, "What? Nandito ka na agad?" nagmamadaling naglakad si Lexine palabas ng kwarto patungo sa pintuan ng condo unit at pagbukas niya ng pinto ay nandoon na nga si Night na nakatayo habang may nakakaakit na mga ngiti.

"I'm here."

Pumamewang siya, "Kanina pa ba diyan no?"

Pinulupot ni Night ang mga braso sa bewang niya habang hindi mawala-wala ang ngiti sa labi, "Yes, when I called you nandito na ako sa labas. I've missed you so much cupcake," hinalikan siya nito sa labi.

"I've missed you too," aniya na hindi na rin maitago ang ngiti.

Hinagkan siya ni Night nang buong higpit habang nakasubsob naman siya sa leeg nito at inaamoy ang bango ng binata. Dahan-dahan silang naglakad papasok sa loob ng condo na parang nag-s-slow dance at umiikot habang hindi binibitawan ang isa't isa. Panay ang halik ni Night sa tuktok ng ulo niya.

"I can't wait to see you in your wedding dress. I'm sure you're going to be the most beautiful bride in this world."

"Excited na rin akong makita kang naka-suit and tie. I can already imagine kung gaano ka-gwapo mamaya."

"Pero mas gwapo ako kapag walang suot na damit."

Mahinang tinampal niya ito sa balikat, "Ikaw talaga puro kamanyakan nasa isip mo."

"Masanay ka na dahil gabi-gabi kitang mamanyakin."

Ang lakas ng tawa niya, "Tarantado!"

Napatili siya nang malakas nang pangkuin siya ni Night at dinala sa kwarto. Umupo ito sa kama at kinandong siya sa mga hita nito habang nakapulupot ang dalawang braso niya sa leeg nito.

"I'll make love to you every morning…" hinalikan ni Night ang ilalim ng tenga niya, "Every night…" tapos bumaba ang halik nito sa kanyang leeg, "Every day…" umakyat ang mga labi nito upang hulihin ang labi niya.

"Kahit sa pagligo mo bobosohan pa rin kita."

Tinampal niya ulit ito ng mahina sa mukha, "Napakahilig mo talaga!"

"It's your fault. You always seduce me, titigan mo pa lang ako naakit na ako."

"So kasalanan ko pa pala na maganda at seductive ako," aniya natatawa.

"Yes, like now, inaakit mo na naman ako," dahan-dahan hinihila ni Night ang buhol ng suot niyang silk bathrobe.

Tinampal niya ang kamay nito sabay pinandilatan, "Hey, ano 'yang ginagawa mo? Sabi mo five minutes lang at uuwi ka na?"

"Huh? May sinabi ba akong ganun? Hindi ko maalala," pilyo ang ngiti nito hanggang sa tuluyan na nitong natangal ang buhol at sinimula na nitong hawiin ang tela sa balikat niya saka nagbigay ng maliliit na halik na nagbigay sa kanya ng masarap na kiliti.

"Night… ireserve mo na 'yan sa honeymoon natin," bulong niya habang nag-iiba ang takbo ng paghinga niya sa init na dulot ng mga labi nito sa kanyang balat. Patuloy na gumapang ang mga halik ni Night sa buong shoulder blade niya paakyat sa leeg at likod ng tenga.

"I'll have more energy on our honeymoon don't worry," lumipat ang halik nito sa kanyang panga habang ang isang palad naman nito'y gumagapang sa kanyang legs papasok sa loob ng bathrobe niya.

Hinugot ni Lexine ang lahat ng lakas ng loob para labanan ang nakakatukso nitong mga halik at mahinang tinulak si Night palayo sa kanya.

"Baby… kailangan ko na rin magpahinga kasi mahaba pa ang araw natin mamaya," malambing niyang hinaplos ang magkabila nitong pisngi.

Umikot ang mata ni Night saka bumuntong hininga, "Okay fine. I'll see you later."

Tumayo na sila sa kama at hinatid niya ito hanggang sa pintuan.

"Good night, see you later," humalik siya ulit sa nobyo nang makalabas na ito ng pinto.

"Bye…"

Dumungaw siya habang pinagmamasdan na maglakad ito palayo pero nakakailang hakbang pa lang si Night nang muli itong bumalik.

"Oh, why?"

"Last na," at kinabig nito ang mukha niya saka siya muling hinalikan ng madiin.

Natatawang tinulak niya ito, "Uwi na…"

Tumalikod na si Night pero pumihit ulit at hinuli na naman ang mukha niya, "Last na talaga."

"Nigh—mmmm" di na siya nakapagsalita dahil hinalikan na naman siya nito.

Kinurot niya ito sa kili-kili, "Ano ba umuwi ka na kase eh," halos ipagtulakan na niya ito para lang umalis.

Akmang babalik na naman ito para humalik sa kanya pero mabilis na niyang sinarado ang pinto.

"Baby! Last na talaga…"

"Tse! Umuwi ka na!"

"Promise isang kiss na lang…"

"Shut up!"

"Baby… Baby… Baby…" panay doorbell nito pero hindi na niya ito pinansin at naglakad na patungong kwarto.

"Baby ko… Cupcake ko… Asawa ko… Misis ko… pinakamamahal ko… last na talaga..."

Natulog na si Lexine at hinayaan itong mag-isa sa labas.

avataravatar
Next chapter