339 Epilogue

ISANG puting rabbit ang natanaw ni Ayesha na nasa isang sulok sa ilalim ng mga halaman. Napangiti siya at natuwa kung kaya't agad niya itong nilapitan. Hindi namalayan ng mga kalaro niya na umalis siya. Tumakbo ang rabbit at hinabol niya ito.

"Wait! Little rabbit, wait for me!"

Naabutan niya ang rabbit sa malayong parte ng hardin. Agad niya itong nilapitan at binitbit sa maliit na bisig saka hinimas-himas ang ulo nito.

"What's your name little rabbit?"

"White! White! White, where are you?!"

Isang boses ng batang lalaki ang narinig ni Ayesha. Hinanap niya kung saan ito nangagaling habang bitbit ang rabbit. Naglakad-lakad siya hanggang sa matanaw niya ang isang batang lalaki na sumisigaw sa kabilang panig ng garden.

Napaliligiran ito ng snow, kakaiba ang kasuotan ng batang lalaki, may suot itong makapal at itim na trench coat, may palamuting mga gold chains sa dibdib na maraming butones. Nakasuot ito ng black na gloves at boots. Blonde ang buhok nito at mamula-mula ang pisngi.

Lumingon sa kanya ang batang lalaki. Sa tingin niya ay mas matanda ito sa kanya ng ilang taon, mas matangkad din ito.

Nanlaki ang mata ng batang lalaki nang makita si Ayesha. Tila tumigil ang mundo sa pagitan nila. Umihip ang malakas na hangin at nilipad ang maalon at brown niyang buhok. Kasing kinang ng mga bituin ang mabilog at tsokolate niyang mata mata na sumisiblo ng kainosentehan at kuryosidad sa maraming bagay, habang bahagyang nakauwang ang mala-rosas na kulay ng maliliit niyang labi.

Saglit na natulala ang batang lalaki sa napakagandang batang babae na kanyang nasisilayan. Habang malamig at umuulan ng yelo sa kinatatayuan ng lalaki, mainit at mataas naman ang sikat ng araw sa kinatatayuan ni Ayesha.

Nang mga sandaling ito ay nagbukas muli ang pinto ng time and space. Hindi sinasadyang nakita nila ang isa't isa mula sa magkabilang panig ng mundo, sa magkaibang panahon.

"White!"

Naputol ang matagal nilang tinginan nang makita ng batang lalaki ang rabbit na hawak ni Ayesha, "White? His name is White?"

Tumungo ito, "Yes, he's my pet."

"Oh, sorry," naglakad palapit si Ayesha at hinimas-himas sa huling pagkakataon ang munting rabbit.

"I have to say good bye little white. It's nice to meet you. Please take care and don't wander around okay? You might get lost again."

Inabot niya ang maliit na rabbit sa batang lalaki. Kinuha nito iyon at ngumiti. Gumanti din siya ng matamis na ngiti na umaabot hanggang sa maibilog at brown niyang mga mata.

Muling natulala ang batang lalaki dahil pakiramdam nito tila bumukas ang langit at nakakita ito ng totoong anghel na bumaba sa lupa.

"What is your name?"

"Aye…"

"Aye," ulit nito na tila tinatanim sa isipan ang pangalan niya kasama ang bawat parte ng kanyang maamong mukha.

"You're so beautiful Aye, you're like pure innocent white snowflakes coming from the sky."

Sinalo nito ang isang snowflakes mula sa langit, lumiwanag ito at lumaki habang lumulutang sa ibabaw ng palad nito. Inabot nito iyon kay Ayesha.

Aye excitedly accepted the snowflakes but it instantly melted and vanished into blue glitters because of their time and space difference.

She giggled and blushed, "I like snow too! My dream is to see an Ice Castle just like the one that queen Elsa built."

Napakunot ang noo ng batang lalaki at nag-isip, "Queen Elsa, that's the first time I heard that name, I'll ask my father, if he knows a queen named Elsa."

"Really, is your father a King?" lalong namilog ang mga mata ni Aye.

Napangisi ito, "Yes, my father is the King of our kingdom."

"Wow! So you're a prince!"

"Yes, I'm the crown Prince."

Mas lalong na-amazed si Aye sa mga narinig at nagtatalon-talon, "That's so coooool! I want to be a queen too, just like queen Elsa!"

Napangiti ang batang lalaki sa sobrang cuteness niya. Tinaas nito ang isang kamay at pinatong sa ulo niya, mas matangkad ito sa kanya kaya bahagya itong yumuko upang pumantay sa mukha niya.

"Then I'll make you my queen."

Mabilis na tumungo si Ayesha at buong siglang ngumiti, "Yes! I'll be your queen when I grow up!"

Ginulo ng batang lalaki ang buhok niya habang 'di maalis ang ngiti si labi, maging mata nito ay nakangiti rin. Binaba nito ang ulo at hinalikan siya sa ng magaan sa noo.

"I promise, I'll marry you, my queen Aye."

"Aye! Aye! Aye!"

Mabilis na lumingon si Aye nang marinig ang pagtawag ni Sky. Lumapit ito sa kanya, "Hey, what are you doing here? Let's play!" kinuha nito ang kamay niya.

"Yes, but wait I'll just say goodbye to—" pagpihit niya paharap nawalan na ang batang lalaki maging ang nagnye-nyebe nitong lugar.

"Huh? To who?" nagtatakang tanong ni Sky dahil wala naman itong nakikita bukod sa kanilang dalawa.

"Ah, nothing, let's go."

Hinatak siya ni Sky pabalik sa party. Muling lumingon si Ayesha sa dating kinatatayuan ng batang lalaki at maliit na napangiti.

Samantala sa isang madilim na anino sa likod ng mga halaman, lihim na nagmamasid ang isang batang lalaki. Nakatayo sa harapan nito ang babaeng nakasuot ng itim na balabal na may silver na buhok.

"What a lovely little girl, isn't she?"

Tipid na ngumiti ito habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro, partikular na nakatingin ang mata niya kay Ayesha.

"She's like a beautiful snowflakes falling from the sky."

Parehong ngumiti si Snow at Santi bago unti-unting naglaho sa dilim.

~ The End ~

MBIAGR Trilogy by Anj Gee

May 08, 2019- Nov 02, 2019

________________

READ MY OTHER NOVELS:

Adik sa'yo (Shabu o ako?)

My Boyfriend is a Grim Reaper

[Sexy Monster Series]

Strawberry Bite

Diary ng Birheng Maria

avataravatar
Next chapter