294 Boracay

"HELLO BORACAY!!!" malakas na sumigaw si Elijah habang nakalahad ang dalawang braso at nakatingala sa langit, pagkalapag nila ng Caticlan Airport. Parang mga batang magfi-fieldtrip ang bawat isa sa sobrang excited ng kanilang mga mukha.

Nakasuot ng hawaiian polo, beach shorts at shades si Elijah na ready na magswimming. Ganoon din ang buong grupo. Panay picture at selfies naman nila Camille, Emily, at Katya habang akay-akay si Makimoto na walang choice kundi makisama sa makukulit na babae at napapangiwi na lang dahil bawat 1 meters na hakbang nila ay nagpi-picture ang mga ito.

Huling bumaba ng private jet si Lexine at Night na magkaakbay. Natuloy din ang pinaplanong outing ng grupo nila. Pinaubaya na ni Lexine kay Elijah ang pag-aasikaso sa lahat.

Sinundo sila ng van patungong port. Mula doon ay may nag-aabang na sa kanilang speedboat na magdadala sa kanila sa Boracay Island. Sa unahan pumuwesto si Eros, Devorah, Miyu at Elijah. Habang sa likuran na ang iba. Humahampas ang alon sa mabilis na takbo ng speed boat. Tumutusok sa ilong nila ang maalisansangang hangin habang nililipad ang mga buhok sa lakas nito.

Matapos ang fifteen minutes ay narating nila ang Island. Mula doon ay sumakay sila ulit ng Executive van ng hotel at bumyahe ng kalahating oras patungo sa Shangri-La Boracay na matatagpuan sa pinakadulo ng isla. Lagpas pa ito ng station one.

Parang nasa ibang lugar sila nang salubungin ng mga masiglang tunog ng mga tambol. May mga lalaking nakasuot ng bahag na siyang sumisigaw na katulad ng mga tribu.

"Welcome! Mabuhay!" sigaw ng isang lalaki na may hawak na bamboo at sine-shake ito. Nasunday pa iyon ng hiyaw na pang-aeta ang dating.

Sa likod nito may lalaking nagtatambol at ang isa naman ay gamit ang mahabang bamboo at hinihipan na parang malaking flauta. Nag aantay naman sa kanila ang mga lobby greeters para abutan sila ng flower necklace at welcome drinks. Matapos mag check-in sa lobby ay sumakay sila sa 'buggy'' o golf cart para ihatid sa kani-kanilang mga Villa.

Nagsama-sama sa loob ng 1,712 sqm Presidential Villa ang tatlong magkasintahan habang ang mga empleyado naman ay sa kalat sa iba't ibang two bedroom villas. Tropical, contemporay with Filipino touch ang kabuuan ng ambience ng mahigit 12 hectares na property. Tila nasa loob ka ng isang jungle. Meron itong dalawang private na beach: Punta Bunga Beach at Banyuga beach kung saan ma-e-enjoy ng mga bisita ang perfect white sand at blue azure oceans na pinagmamalaki ng Boracay Island.

Kumpara sa mas pampubliko na maingay at mataong beach from station 1 to 3 ng island mas pribado sa loob ng Shangri-La Resort. Kaya naman ito ang napili ni Elijah na perfect outing vacation para sa lahat.

Abala ang lahat sa pagkain sa lunch buffet sa loob ng Vintana Asian Café. Nasa lamesa ang mga babae habang nakapila ang tatlong binata. Lumapit si Night kay Eros at Elijah.

"Guys, I need your help."

Nagtatakang napatingin ang dalawa, "May problema ba?" tanong ni Eros.

Dinikit ni Night ang mukha sa dalawa at may binulong. Parehong nanlaki ang mata ni Eros at Elijah sa narinig. Sakto naman na lumingon si Lexine at nakita ang masinsinang pag-uusap ng tatlo. Napakunot ang kanyang noo ano ang meron at bakit tila masyadong seryoso ang mga ito?

Pagtapos kumain at magpahinga, pagdating sa hapon ay nagswimming ang lahat sa infinity pool. Kaharap nila ang Banyuga beach. Sigawan ng sigawan sila Camille, Katya at Emily habang pinagti-tripan na lunurin sa Makimoto sa pool.

"Kawawa naman si Maki sa tatlong girls," natatawang komento ni Devorah habang nakahiga sila beach reclining chair sa gilid ng pool at umiinom ng fresh coconut juice.

"Cute 'din ang Japinoy na 'yan kaso mukhang totorpe-torpe eh," sabi naman ni Miyu, "Crush ka kasi Lexine, ikaw ang ideal girl."

Napailing lang si Lexine na tumingin kay Makimoto. Indeed he's a good catch iyon nga lang ay hanggang pagiging boss at kaibigan lang ang pwede niyang ibigay dito.

"Nasaan pala ang mga boys?" tanong niya pagkuwan.

Napakunot ang noo ni Devorah at nagmasid sa paligid, "I don't know, kanina ko pa napapansin na parang may sariling mundo ang tatlong yun."

"Hindi kaya naghahanap ng mga chicks!" umusok ang ilong ni Miyu.

Natawa si Lexine, "Ayan ka na naman sa kapraningan mo Miyu, walang magandang dinudulot yan. Buti hindi nasasakal sa'yo si Elijah."

"Hmp! Subukan niyang magreklamo sasakalin ko talaga siya ng tuluyan lalo na 'pag nahuli ko siyang may babae!"

Nagkatawanan si Devorah at Lexine, "How are you and Eros, Dev? Okay na na si Eros sa family mo?"

Sumipsip ng coconut juice si Devorah, "Well, compare before mas hindi na sila nangingielam sa amin."

"That's good then."

"Eh kayo ni Night?"

Napabuntong hininga si Lexine, "Lately lagi kaming nag-aaway especially sa ginawa niya kay Miguel."

"Oh! Kamusta na pala si Cap? Sayang hindi siya nakasama," saad ni Miyu, "Miss ko na ang kalokohan nun!"

"Naku! Wag mong sasabihin 'yan 'pag andyan si Elijah, may bad blood kay Migz 'yun," natatawang sabi ni Devorah. Umikot ang mata ni Miyu.

"I'm so worried with Miguel kasi lately hindi siya masyadong nagpaparamdam. I guess, he's still recovering especially for his eyes," bumuntong hininga ulit siya, "I've never saw Night so furious before, hindi ko alam bakit nauwi sa ganoon ang alitan ng dalawa."

"Ganda mo kase ate girl, gupitan na natin 'yang buhok mo!" biro ni Miyu.

Nagkatawanan ang mga babae, "But seriously, I hope he's fine. Sana magkaayos na rin sila ni Night."

Muli niyang naalala si Ansell at mas bumigat ang dibdib niya. Tinignan niya ang cellphone at nagcheck ng inbox at emails. Hanggang ngayon ay wala pa rin reply sa kanya si Ansell, isa pa iyon sa pinag-aalala niya.

avataravatar
Next chapter