286 Birthday party

NAKABALIK na ng Manila si Night at Lexine. Ilang beses sinubukang kontakin ni Lexine si Ansell pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Maging text at chat ay hindi rin nito sini-seen. Nag-deactivate din ito ng mga social media accounts. Labis siyang nag-aalala sa kalagayan nito.

"Ansell, please answer my calls and messages. I am so worried about you. I'm really sorry."

Ito ang huling i-message na pinadala niya. Napabuntong hininga si Lexine. Paano siya makakapagfocus sa trabaho gayong inaalala niya si Ansell? She valued their frienship so much at masakit sa kanya na may hindi sila pagkakaunawaan. Lalo na at nalaman niya ang totoong feelings nito sa kanya. All her life, Ansell was there at her side. Mahal niya ito pero bilang kapatid lang. She never knew he feels different for her. At masakit sa kanya na magkakaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila.

Kasalukuyang silang nasa meeting room habang pinag-uusapan nila ang tungkol sa project DH01: Search for Devils Heart.

Dahil hindi nila ito natagpuan sa Haystock Mountain Tower, back to zero sila sa paghahanap kung saan ito napunta. Pati ang posibilidad na tinago ito ni Jacko, ang bunsong kapatid ni Eros na sumanib kay Lucas.

"Ang nakakapagtaka ay kung paano nalaman ni Jacko na pupuntahan natin ang puntod ng great grandfather niyo," tanong ni Elijah.

"Baka naman sinabi sa kanya ni Sarah!" komento ni Miyu.

Napailing si Eros, "Si Sarah ang tumutulong sa akin. Siya ang nagbigay sa'kin ng black book hindi ba?"

"Pero paano kung two faced bitch pala yang kapatid mo? Well… two faced bitch naman talaga siya dahil nakikipag-usap siya sa'yo behind Jacko's back," umikot ang mata ni Miyu.

"Kahit pa. Hindi ko naman pinaalam kay Sarah kung ano ang pakay ko sa paghahanap sa Black Book. Especially she don't know which spell I was looking for so paano niya malalaman na hinahahap natin ang Devils heart?" paliwanag ni Eros.

Napaisip ang bawat isa. May punto si Eros.

Malalim na nag-isip si Lexine, "May insekto sa loob ng headquarters."

Sabay-sabay na lumingon ang lahat sa kanya.

"Sino naman?" tanong ni Devorah.

"That's what we need to find out," aniya na seryoso.

"By the way, nasaan ba si Night?" tanong ni Elijah, "Nasaan yung boyfriend mo?"

Nabangit na rin nilang dalawa ni Night sa mga kaibigan ang tungkol sa pagkakabalikan nila. Kaya naman tuwang-tuwa ang mga ito para sa kanila.

"He had some work to do," sagot ni Lexine.

Matapos ang meeting ay muling nagbabad si Lexine sa tapat ng laptop upang mag analyze ng mga reports habang nakaupo sa kanyang working desk. Ilang sandali pa at pumasok si Makimoto sa loob ng kanyang personal office na may dalang malaking kahon.

"Ms. Lexine you have a package," inabot nito sa kanya ang box.

"Kanino galing?"

"Walang card eh," sagot nito.

"Okay, thanks Maki."

Umalis na si Makimoto at binuksan niya ang white box. Di niya inaasahan kung ano laman nito.

Tinaas ni Lexine ang dress. Isa itong glitz gold spagetti backless evening gown. Maging siya ay napahanga sa ganda ng damit dahil tingin pa lang dekalidad na ang pagkakagawa.

Sakto naman na dumaan si Devorah, "Wow! What a exquisite dress, sinong nagbigay?"

Sinubukan ni Lexine na hanapin ang card sa loob ng box pero wala naman siyang nakita, "Walang card eh."

Nang biglang nagring ang kanyang cellphone. Si Miguel ang tumatawag, "Hello?"

"Nagustuhan mo ba ang dress?"

"Sayo galing 'to? Para saan 'to Migz?" tanong niya nagtataka.

Miguel chuckled, "It's my lolo's birthday party tonight. I want you to be my date. Wear that gown, I'm sure it would look good on you."

Nakagat niya ang labi. She think this is not a good idea.

"Hey, bawal tumangi at magtatampo sa'yo si General Benjamin. He asked me to bring you and he never accept a no for an answer."

Pinagmasdan mabuti ni Lexine ang dress na hawak. Totoong maganda nga ito at ayaw naman niyang magdamdam sa kanya si General Benjamin kapag hindi siya pumunta. Isa lang ang pino-problema niya. Iyon ay kung papayagan siya ni Night pero knowing his possessive Grim reaper boyfriend siguradong hindi ito papayagan lalo na at si Miguel ang ka-date niya. Malamang ay masusundan ang world war three. O kaya mauuna pang pumuti ang uwak kesa payagan siya nito.

"I'll pick you up at six, party starts at seven. Bye!"

"Migz—"

Pero binaba na agad ni Miguel ang cellphone.

"Oh, may pupuntahan kang party? I can help you with your make up!" excited na sabi ni Devorah.

Alanganin napangisi na lang si Lexine.

Nakaready na si Lexine pagsapit ng alas sais ng gabi. Nag-aantay na siya sa tapat ng main entrance ng Black Jade Condominium kung saan siya pi-pick up-in ni Miguel. Sa tulong ni Devorah ay inayusan siya nito ng pang evening party make up at tinaas ang buhok niya into a messy bun. Nagsuot naman siya ng long diamond cluster earrings bilang accessories.

Litaw ang kanyang lubog na collarbone at long and slim neck. Habang napaka-flawless naman ng maputi at toned niyang likod na exposed dahil backless ang dress. Mababa ang neckline niyon kaya kita ang cleavage niya habang hapit ito sa balakang at pwetan, showing her curves. Flowing na ang palda nito mula sa binti pababa at may slit sa left side kaya sumisilip ang kanyang maputing legs.

Nag-text si Miguel na darating na ito in five minutes nang biglang tumawag si Night. Hindi alam ni Lexine kung paano niya sasagutin ang tawag nito dahi hindi pa siya nagpaalam.

I-i-slide na sana niya ang touchscreen nang biglang may bumusina. Pag-angat niya ng tingin dumating na pala si Miguel. Agad itong bumaba ng kotse at buong ngiti na lumapit sa kanya. Napanganga pa itong tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Wow, you're so beautiful Lexine," buong pag-hanga na sabi nito.

"Thank you."

"Let's go, para hindi na tayo masyadong ma-traffic," agad siya nitong pinagbuksan ng pinto at inalalayang makapasok.

Naisip niya na ito na rin ang pagkakataon para i-reject na niya si Miguel. Kailangan niya din itong makausap nang maayos nang sa ganoon ay hindi na ito umasa pa sa kanya.

After more than an hour ay nakarating na rin sila sa Solaire Resort and Casino dahil sa Grand Ballroom ginaganap ang birthday party ni General Benjamin Madrigo. Tila nagkaroon ng hollywood red carpet sa sobrang postura ng bawat bisitang dumalo. Ngunit higit na agaw pansinin silang dalawa ni Miguel lalo na at kumikintab ang suot niyang gold glitz dress habang napakagwapo ni Miguel sa all white tuxedo at may props pa itong baston na parang si Leonardo Dicaprio sa pelikulang 'The Great Gatsby'

avataravatar
Next chapter