46 911

NASA kalagitnaan nang mahimbing na pagtulog si Lexine nang mag-ring ang kanyang cellphone. Napilitang siyang dumilat at sagutin `yon. Nabasa niya ang pangalan ni Ansell sa screen at ang oras ay 2:22 AM.

"Hey?" namamaos niyang sagot. Hindi agad ito sumagot ang kabilang linya. Tanging mabibigat na paghinga ang naririnig niya. "Ansell? Hello?"

"Le… xi..." 

May hindi maganda sa tunog ng boses ng binata na nagpakabog sa kanyang dibdib. "Hey, are you okay?"

"Lexi... I feel so h-hot... so fucking hot. I feel like I'm b-burning..."

Mabilis na nawala lahat ng antok niya sa katawan at natatarantang bumangon. "Ansell what's happening? Where are you?"

"Condo."

"Just wait for me okay, pupuntahan kita."

Nagmadali siyang nagbihis ng t-shirt at pantalon bago kinuha ang susi ng kotse. Madaling araw na kaya siguradong tulog na si Rico lalo na si Mang Ben. Ayaw na rin niyang maka-istorbo kaya siya na lang ang magmamaneho patungong condo ni Ansell.

Labis ang pag-aalala niya para sa kaibigan. Noong isang araw niya pa napapansin na matamlay ang lalaki at tila may nararamdaman. Akala niya simpleng cough and colds lang pero mukhang nagkamali siya.

Pagkarating ng condo ay agad siyang sumakay ng elevator at pinindot ang Penthouse. Sa pinakatuktok ng condominium building ang unit ni Ansell. Nag-door bell siya pero walang nagbubukas ng pinto. Sinubukan niyang pihitin ang doorknob na hindi pala nakalock. Nagmadali siyang pumasok sa loob.

"Ansell?"

Madilim ang buong unit. Pinasok ni Lexine ang kwarto ng binata pero wala ito roon. Tanging magulong kama lang ang naabutan niya. Lalo siyang kinabahan. Parang may nag-uunahang mga hayop sa loob ng dibdib niya.

"Ansell where are you?" Nilibot niya ang buong unit pero wala pa rin siyang Ansell na nakita. Wala ito sa balcony, sa sala or kahit sa kitchen.

Natanaw niyang nakauwang ang pinto ng bathroom sa tabi ng kusina. Bukas ang ilaw sa loob niyon habang maririnig ang tunog ng shower.

"Ansell!" Pagbukas niya ng pinto ay agad niyang naabutan ang lalaki na nakahiga sa loob ng bathtub. Bukas ang shower at basang-basa ito. Wala na itong malay. Mabilis siyang lumapit dito.

"Ansell wake up—" Napasinghap siya nang mahawakan ang mukha nito. "Oh my God! Sobrang init mo!"

Kumuha si Lexine ng bimpo sa towel rack. Pinatay niya ang shower at pinilit na buhatin si Ansell palabas ng banyo. Kahit nakapulupot na ang tela sa katawan ng binata ay nararamdaman niya pa rin ang init nito. Hindi niya alam kung gaano katagal bago siya nagtagumpay na mabuhat si Ansell pabalik sa kwarto.

She's panicking. Hindi niya alam kung anung unang gagawin. Hinubad niya ang suot nitong basang pajama. "You're burning!"

Napahawak si Lexine sa sariling noo. Baka kung mapaano na ang best friend niya. Inaapoy na `to ng lagnat. Pagkatapos palitan ng tuyong damit ay ilang ulit niyang pinunasan ang katawan ni Ansell ng basang bimpo. Kahit na tila wala naman `yong epekto dahil hindi man lang naiibsan ang init ng katawan nito. Nagulat pa siya matapos macheck ang temperature nito gamit ang thermometer. "Forty-seven degrees? Is this possible?"

Hindi siya makapaniwala dahil hindi normal ang gano'ng kataas na temperatura. Nagmadali siyang tumawag ng 911 habang nanginginig ang mga daliri.

avataravatar
Next chapter