webnovel

Chapter 2: Tutor!?

Wala sa sarili akong pumasok sa school. Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil sa dami ng iniisip ko na pwedeng posibilidad na gawin niya sa letter at ang pinaka nakakainis pa naman ay hindi ko ito kilala. No, hindi namin kakilala ang isa't isa, basta nag-away lang kami tapos..tapos.. Ugh!

"Oh anong nangyari sa'yo?" Parang natatawang tanong ni Roxane pagkasok ko sa classroom. Ibinaba ko ang bag ko at umupo tsaka ako napailing-iling.

"Wala..Teka! Diba sabi niyo na no.38 ang locker ni Aries?"

Naparoll eyes si Roxane.

"Duh.. Di namin 'yon sure.." Sabay tawa nila ni Vina.

"D-di niyo sure!?"

"Yah.."

"Edi dapat sinabi niyo sa'kin.." Nakasimangot na sabi ko.

Napangisi si Roxane.

"Edi sino 'yong nakakuha?"

"Hindi ko siya kilala basta napakasungit nito.."

"Talaga!?" Tumawa bigla si Vina.

"Baka naman napakapangit pa nito?"

Napaisip naman ako.

"Oo.. Sarap niya pa na sipain.."

"Ang malas mo naman.." Parang naawa na sabi ni Roxane.

Pabagsak ko na lang na ipinatong ang ulo ko sa desk.

Nag aalala pa ako baka kasi gagamitin niya 'yong pang black mail. Mas lalo na't may name pa ako doon. Though, wala din naman siyang rason para gawin 'yon diba? Nag away lang naman kami dahil sa kasalanan niya din. Siguro tinawanan niya lang yung letter tsaka itinapon din 'yon. Tama.. tama.. wala dapat ipag alala.

"Ohh.. Here's the chubby again.." Inangat ko ang aking ulo at tumingin sa papasok sa pintuan ng classroom na isang babaeng short hair at medyo mataba. Naka yuko lang ang kaniyang ulo habang naglalakad, halatang iniiwasang tumingin sa kahit kanino.

Tinignan ito ni Roxane ng may padidiri.

"Eww.. Tignan niyo yung paa niya! Letse! Para ngang di paa eh!"

"Ganyan ang mangyayari kapag nainlove sa pagkain.." Natatawang dagdag ni Vina.

Ang Chubby na sinasabi nila ay nagngangalang Minet. Isa itong loner at mahiyain pagdating sa pagkausap ng tao. Umupo na ito sa kaniyang upuan tsaka inilabas ang kaniyang libro para magbasa. That reminds me, hindi ko pa siya kinakausap kahit na minsan.  Pero wala din naman akong rason para kausapin siya.

Pagkarating ng Lunch ay sabay-sabay na kami nila Vina at Roxane na lumabas kaso napatigil din kami ng biglang may humarang sa dadaanan namin. Shet! Yung masungit na lalake!

"Hello.. Girls" kinilabutan ako ng bigla itong ngumiti.

Napatili naman sila Vina at Roxane.

"Hai. Kairo" sabi ni Vina sabay ipit ng buhok nito sa kaniyang tainga.

Kairo? Yun ba ang pangalan ng lalakeng 'to? Ba't kilala nila siya?

"Gusto mo ba na sumabay sa'min sa lunch?" Nahihiyang sabi naman ni Roxane.

"Ah..hindi, gusto ko lang sanang hiramin itong kaibigan ninyo.."  Napatingin sa'kin sila Roxane at Vina ng may pagtataka.

Mag eexplain pa sana ako nang bigla akong hinila ni Kairo sa braso.

"Thanks." Sabi nito bago ako tuluyang hinila.

Noong makalayo na kami tsaka ko na hinila yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Ano ba!?" Inis na sabi ko rito.

"Huwag mo ako basta-bastang hinihila! Ang kapal mo n--Ahhhh!" Napatili ako nang bigla niya akong binuhat na parang sako.

"Ahh!! Ibaba mo ako!! Kyaahh!!" Pinagpapalo ko yung likod nito hanggang sa makarating kami sa likod ng school kung saan pabagsak niya akong ibinaba sa damuhan.

"Aray! Dahan-dahan naman oh!" Inis na sabi ko habang hinihimas ang pwetan ko na unang tumama sa lupa.

"Ang bigat mo!" Sabi nito habang hinihilot ang balikat nito. Mabigat!? Eh siya nga ang basta-bastang binuhat ako! Gosh he deserves a beating!

Napatayo ako.

"Ang bastos nito! Pagkatapos mo akong kidnapin bigla-bigla! Ganiyan pa sasabihin mo!? Gusto mo atang mamatay!?" Nakapamewang na sigaw ko dito.

"Tumahimik ka nga! Talo mo pa yung megaphone eh.." Inis na sabi nito tsaka umupo sa damuhan.

"Ano ba kasi kailangan mo?"

Napangisi ito at inilabas sa black leather jacket nito ang letter.

"Gusto ko na gumawa ng isang milyong copies nito at ikalat sa buong school.." Waaahh!! Sabi na eh!

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sige.. Subukan nang mailibing kita ng maaga.."

Napatawa ito.

"Makinig ka.. May isa akong tauhan na may hawak ng isa pa na copy.." Ipinakita niya ang phone nito. "Isang tawag ko lang.. Ikakalat niya kaagad ang letter.. "

Nanlaki ang mga mata ko.

"Bakit ba!? Hindi naman kasi yan para sa'yo!" Naiinis na sabi ko.

"Para kay Aries.."

Nanlaki ang aking mga mata.

"P-pano mo nalaman?" Tinignan niya yung letter at binasa.

"You're the best basketball Captain! Sana mapansin mo din ako.." Pagbasa nito. Hinablot ko kaagad yung letter at napahalakhak ako nang maagaw ko ito.

"Nakuha ko rin!"  naglabas ulit siya ng isang letter.

"Matagal na kitang hinahangaan mula noong mga elementary pa lang tayo.." Tuloy na basa nito. Totoo nga! "Gusto mo pa ba na ituloy ko?" Ngising tanong nito.

"Ano ba ang kailangan mo?" Pigil inis na sabi ko.

"Tutor." Sabi nito.

"Tutor!?"

"Nabasa ko ang files mo.. Naging top two ka sa overall ranking ng school.."

"Pero hindi ako tutor! Puntahan mo na lang yung top one.."

"Nope.. Busy siya.. Tsaka." Winagayway niya yung phone nito. "Susunod ka o ano?"

Sinamaan ko siya ng tingin tsaka napaisip din. Isa itong black mail galing sa isang baliw. Kung di ko lang sana nailagay yung name ko edi safe pa ako kaso.. Shet!

"Sige! Pero sa isang kondisyon--"

"Nah.. Walang kondisyon dito.. Lahat ay mangyayari sa gusto ko.." Masasakal ko na itong lalakeng ito!!

"Bilisan mo.. Naiinip na ako.."

"Oo na! Oo na! Demonyong ito!" Sigaw ko sa kaniya.

"Good. Ngayon na ang simula mo.." Inihiga niya ang ulo nito sa kaniyang brasong nakapatong naman sa lupa.

"Ikuha mo ako ng maiinom."

Napakunot ang aking noo.

"Ha!? Tutor ako hindi utusan!"

"Tutor at utusan..pareho lang 'yon..May reklamo ka ba?" Ipinakita nito ang kaniyang phone.

"Wala! Wala! Heto na nga eh! Aalis na! Bwiset!" Padabog akong umalis na doon at pumuntang cafeteria.

"Ano po ang order niyo?" Tanong nung babaeng matanda.

Shet! Nakalimutan ko na tanungin. Gago talaga 'yon.

Napatingin ako sa maraming inumin na nakadisplay doon.

"Uhmm.. Sag isa na lang sa lahat ng nandiyan.." Sabi ko. Binayaran ko naman na lahat ng iyon at binuhat ang dalawang supot ng iba't ibang inumin.

Ang bigat!

Pumunta ako sa likod ng school at naabutan siyang nakahiga pa din. Pabagsak ko na ibinaba ang dalawang supot at napapunas na rin ako ng pawis. Ang init.

"Heto na po ang inumin niyo.. Kamahalan.." Sarkastiko na sabi ko. Iminulat naman na nito ang kaniyang mata at umupo.

Napakunot ang noo nito nang makita ang binili ko.

"Sabihin mo lang kung papainumin mo ang lahat ng tao sa school.."

"Gago ka ba!? Eh di mo nga sinabi kung anong inumin eh.." Inis na sabi ko.

"Kaya binili mo na lahat ng klase ng inumin? Tanga ka ba?"

"Hindi ako tanga!"

"Tss. Never mind.. Magkano lahat?" Tanong nito.

"596." Tumayo ito at kinuha ang kaniyang wallet tsaka inabot ang isang libo.

"Wala ka bang barya?" Tanong ko dahil buo-buo din ang pera ko. Kinuha nito ang isang bottle ng juice, binuksan at ininom.

"Keep the change.." Sabi nito at tinalikuran ako. Sabi mo eh. Inilagay ko na ito sa wallet ko at ibinulsa.

"Nga pala magready ka mamayang hapon.. 5:00 sa library.. One minute late mo lang.."

"Oo na!" Inis na sabi ko dito. Umalis naman na siya. Hindi ko inakalang ang simpleng pagbibigay ng love letter ay umabot sa ganito. Nakaka istress.

Napatigil ako ng makita ang mga inumin na binili ko.

Teka! Yung ibang inumin pa! Sinilip ko pa siya pero nakalayo na ito. Psh.

Inis akong napaupo sa lupa tsaka kinuha 'yung isang coke doon at ininom. Tumingala ako sa langit. Hmm.. Napakapayapa pala dito. Bakit ngayon ko lang alam?

Brrzt.

Nagvibrate ang phone ko mula sa bulsa ng aking skirt kaya kinuha ko ito. Isang text message mula sa isang unregistered number.

0937*******

This is Kairo, save this number.

Tsh. Di ka pa nga nagpakilala sa'kin ng husto. Sinave ko naman ang number niya bilang Drug Lord. Pfft! Mukha siyang adik kasi. Nga pala..saan niya naman nakuha ang number ko?

Next chapter