webnovel

True Lord Rank (1)

Editor: LiberReverieGroup

Ang desisyon ni Bei Moi sa pagitan ng pagpatay sa kaniyang Master at pagligtas sa kaniyang sariling buhay ay labis na pagkatiya. Walang bakas ngp ag-aalinlangan.

Ni hindi makapaniwala si Master Haiyun sa nangyari. Ang kaniyang mga mata ay lumabas nang siya ay mamatay.

"Pinatay niya ang kaniyang Master nang ganoon lang? Ang Bei Moi na ito… ay napakasama."

"Hmph! Hindi ito ang unang pagkaktaong nagtaksil siya. Siya ay isang napakasakim na tao."

Ang buong Broken Moon Clan ay nag-usap tungkol sa ikinilos ni Bei Moi sa mababang tono, karamihan ay may panghahamak.

Hindi maiwasang mag-isip ni Zhao Feng.

Nakita ng lahat ang pagpatay ni Bei Moi kay Haiyun at tahimik na inilagay ang ulo nito sa isang lalagyan.

"Brother Zhao, si Bei Moi ay isang natural na taksil. Kung papakawalan natin siya nang ganoon kadali, malamang ay…"

Ang ilang mga pamilyar na mga disipulo at elder ay nag-aalala.

"Hayaan niyo na siya."

Wala nang sinabi pa si Zhao Feng.

Si First Elder ay bahagyang ngumiti at nagbigay ng kautusang hayaan si Bei Moi na umalis.

Bago pumunta si Zhao Feng sa Canopy Great Country, labis na naghanda si Lord Guanjun para kay Zhao Feng, kasama ang kaniyang mga magulang, si Lord Guanjun, at mga kasama nito.

Ito ang pinakakinakailangan para umalis si Zhao Feng. Labis na nagpapasalamat si Zhao Feng sa pangangalaga ni First Elder.

Sa oras na ito, nakaramdam si Zhao Feng ng pagsisisi nang tingnan ang nawawalang braso ni First Elder.

"Nawalan ng braso si Master. Pagbalik ko sa Canopy Great Country, gagawa ako ng mas simpleng bersyon ng Wheel of Light and Darkness kasama si Master Tiegan."

Nagdesisyon si Zhao Feng.

Ang blueprint ng Wheel of Light and Darkness ay mula sa Heaven's Legacy Inheritance, at kaya nitong magbago at maging tatlong anyo ng isang braso, isang kalasag, at isang gulong. Mainam ito para kay First Elder, na nawalan ng isang braso.

Sunod, may iba pang mga gawain na kailangang matapos a Broken Moon Clan.

Si Clan Master Haiyun at Regulations Elder ay patay na, ngunit marami pa ring mga tao ang naging kaibigna ni Clan Master Haiyun, gayundin ang mga tauhan at mga espiya ng Iron Dragon Alliance.

Ang mga nakakapagod na trabahong ito ay ibinigay kay First Elder, Granny Liuyue, Yang Gan, at mga kasama nila.

Sa parehong araw, ang Broken Moon Clan ay sumailalim sa isang maliit na pagpatay. Halos isang daang tao sa buong Broken Moon Clan, mula sa mga Elder haggang sa mga disipulo, ang napatay.

Naging mabait pa si First Elder, dahil halos kalahati ng Clan ay nasa panig ni Clan Master Haiyun.

Kailangang aminin na sa nakaraaang dalawang taon, ang Broken Moon Clan ay lumawak sa ilalim ng kontro lni Clan Master Haiyun at maaaring mabigyan ng antas na ansa top five ng Thirteen Clans.

"Feng'er, ngayong patay na si Haiyun, kailangan ng Broken Moon Clan ng bagong Clan Master. Sino sa tingin mo ang mainam na kandidato?"

Tanong ni First Elder.

Inisip ito ni Zhao Feng at may napili nang kandidato. Ito ay si Brother Yang Gan.

Maganda ang mga pakikipag-ugnayan ni Yang Gan at naging isa nang Head Disciple. Ang kaniyang talento at lakas ay hindi na masama.

Ngayong nakabalik na si Yang Gan mula sa Sacred True Dragon Gathering, ang kaniyang cultivation ay nakaabot na sa half-step True Spirit Realm. Kailangan lang ng oras bago siya makaabot sa True Spirit Realm.

"Si Yang Gan ay tunay nang mainam na kandidato, ngunit ang kaniyang cultivation at karanasan ay kulang pa."

Si First Elder ay sumang-ayon din.

Sigurado siyang walang intensyong maging isang Clan Master si Zhao Feng. Walang lugar sa Cloud na kayang hawakan ang isang napakahalagang tao tulad niya.

"Mayroon akong ilang mga resources at spiritual pill mula sa mga henyo sa panlabas na mundo. Sapat na ito para sa ilang True Spirit Realm. Si Master na ang bahala kung anong gagawin sa kanila."

Kinuha ni Zhao Feng ang ilang resources mula sa "panlabas na mundo' at ibinigay ito kay First Elder.

Kahit na ang mga resources na ito ay labis na kaunti sa Azure Flower Continent, hindi naman ito gaanong marami para sa isang two-star sect.

Kahit na sinong mga disipulo mula sa isang two-star sect na nasa True Mystic Rank o True Lord Rank. Mula rito, makiktia kung gaano karami ang kanilang mga resources.

Makalipas ang tatlong araw, ang buong Broken Moon Clan ay napanumbalik na ang kapayapaan nito at bumalik na ang lahat sa kanilang mga karaniwang gawain.

Pumunta si Zhao Feng sa seklusyon at naghandang makalagpas sa True Lord Rank.

"Ang paglagpas sa True Lord Rank ay hindi mapapataas ang aking lakas nang sobra, ngunit kaya nitong mapalakas ang aking pundasyon at mga katangian."

Pumikit si Zhao Feng at mabagal na ipinalaganap ang Qi of True Spirit sa kaniyang katawan.

Sa ngayon, ang mental energy level ni Zhao Feng ay nasa late-stage True Lord Rank, at ang kapangyarihan ng kaniyang kaluluwa ay kahanga-hanga. Siguradong nasa Origin Core Realm lang ang makakahigit sa kaniya.

Ang lahat ng ito ay dahil sa Wood Spirit Essence Soul.

Sa makapangyarihan kaluluwa at mental energy level, nahirapan si Zhao Feng na hindi tumaas ang cultivation nang mabilis.

Kapag tumaas na ang mental energy level ng isang tao, ang bilis ng kanilang cultivation ay tataas rin at makakalgpas na sila nang walang hirap.

Sa isang bulwagan sa Sky Moon Mountain, si Zhao Feng ay nakaupo sa lupa nang nakapikit. May nagliwanag na mga kidlat sa kaniyang Qi of True Spirit nang may magulong aura.

"Kapag nakaabot na ako saTrue Lord Rank, ang aking Source of True Spirit ay lalawak. Bago ito, kailangan kong maintindihan at magsama ng mas maraming intent mula sa Wind Lightning Stone Tablet, dahil ang pagbabago sa lakas bago at pagkatapos ay maaaring mas malaki."

Hindi nakatuon si Zhao Feng sa paglagpas kaagad.

Tanging kalahating araw lang ang kailangan kung nais niyang makalagpas. Maaari pa nga niyang gawin ngayon.

Gayunman, gusto ni Zhao Feng na gamitin ang pagkakataong ito para mapalawak ang kaniyang Source of True Spirit at magsama ng mga elemento ng hangin at kidlat.

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay sumama na sa nasirang World of Wind and Lightning.

Weng~~ Hu!

Ang karamihan sa dimensyon ay madilim, at ang lugar ay puno ng nakakasirang kidlat at makapangyarihang hangin.

Dagdag pa rito, ang mga kulay at katangian ng mga hanging ito at kidlat ay iba.

Hallimbawa, ang hangin sa harapan ni Zhao Feng ay walang kulay, asul, lila o ginto pa.

Mayroon ring malaking bilang ng mga kulay ng kidlat.

"Transparent, asul, lila, scarlet, ginto, matingkad na ginto…"

Nagsimula ang maintindihan ni Zhao Feng.

Ang aura ng transparent ay ang pinakamahina. Ito ay mainam sa mga nasa ilalim ng True Spirit Realm para maunawaan.

Ang lebel ng asul ay ang kasalukuyang lebel ni Zhao Feng, at ang sunod na hakbang ay ang lilang hangin at kidlat. Ang intent ng lilang hangin at kidlat ay nakaabot na sa Origin Core Realm, at ang mga nasa True Lord Rank ay kaya itong maunawaan.

"En, una ko munang palalaganapin ang purong matingkad na asul, at pagkatapos ay susubukan kong gawin itong lila."

Si Zhao Feng ay may mahirap na plano ng gagawin niya.

Tinantya niya na kung kakayanin niyang ganap na maunawaan ang lilang lebel ng hangin at kidlat, malaya na siyang makakalibot sa buong kontinente. Pagkatapos nito, kung mauunawaan na niya ang scarlet na lebel, wala nang hihigit pa sa kaniya sa kontinente, at maituturing na isang eksperto kahit sa panlabas na mundo.

Sa pinakamataas na lebel naman na ginto at matingkad nag into, ang mga Wind Lightning Emperor lang ang nakakaabot nito.

Sa isang kisapmata, kalahating buwan na ang nakalipas.

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay sumama na sa Wind Lightning Stone Tablet at tumuon na sa pagcultivate.

Sa mga nakaraang araw, ang hangin sa ibabaw ng bulwagan ay napuno ng hangin at kidlat.

Ang lugar ay napuno ng itim na mga ulap at bagyo na nagtutulak sa kahit na sinong True Human Rank palayo nang isang milya.

"Ang Zhao Feng na iyon ay hindi pa nakakaabot sa True Lord Rank ngunit ang kaniyang mental energy level at nakalagpas na sa mga normal na True Lord."

Si True Lord Tiexiao, na nagbabantay na sa Clan, ay labis na seryoso. Naging mas hindi na siya mapakali kay Zhao Feng at mas naging magalang.

Gayunman, siya ay nagtataka. Sa mental energy level ni Zhao Feng, bakit hindi pa siya nakalagpas sa True Lord Rank?

Tama, ang sitwasyon si Zhao Feng ay bahagyang kakaiba.

Sa Purple Saint Ruins, kailangan niyang humarap sa mga kalabang mula sa lahat ng panig. Ang knaiyang kaliwang mata ay sumailalim sa pagbabago matapos na makabalik sa lugar Cloud.

Ngayong matatag na ang God's Spiritual Eye niya, maaari na siyang magpokus sa pagcultivate. Gayunman, ang mga paghahandang kailangan niyang gawin ay magulo.

Gustong palitan ni Zhao Feng ang elemento ng kaniyang Source of True Spirit. Ang pangunahing elemento ng kaniyang True Spirit ay kidlat sa ngayon, ngunit ang pagkatapos na maunawaan ang Wind Lightning Stone Tablet, nagsimula na ring humalo ang hanginnsa kaniyang mga skill.

"Ano pang hinihintay ni Zhao Feng? Kailangan na niyang makalagpas sa True Lord Rank sa loob ng isang araw o dalawa."

Sinuri ni True Lord Tiexiao ang Heaven Earth Yuan Qi sa ibabaw ng Sky Moon Mountain.

Ang Wind and Lightning Yuan Qi sa hangin ay labis na hindi mapakali.

Sa ikadalawampung araw, isang ipo-ipo ng hangin at kidat ang nabuo sa ibabaw ng bulwagang kinaroroonan ni Zhao Feng, at mayroon itong makapangyarihang aura ng True Lord Rank.

"Ang kapangyarihan ay nakalagpas na sa early-stage True Lord Rank at hindi pa rin siya nakalagpas…"

Pinatunog ni True Lord Tiexiao ang kaniyang dila.

Nalaman niyang ang intent ng Wind and Lightning sa hangin ay mas nagiging mahirap maabot at hindi masukat.

Ang inheritance na pinili ni Zhao Feng ay pagmamay-ari noon ng isang Emperador na walang katumbas ang bilis. Hindi ito isang bagay na maikukumpara sa mga inheritance ng Azure Flower Continent.

Kasabay nito, habang nasa seklusyon si Zhao Feng, ang Broken Moon Clan, at ang Thireen Clans ay nagbabago.

Ang pagbabago sa Broken Moon Clan ay nagdahilan sa buong Cloud Counry na magbago rin.

Sa ikalimang araw ni Zhao Feng sa seklusyon, ang mga miyembro ng Dragon Killing Alliance ay dumating.

Ang ulat ng pagbalik ni Zhao Feng sa Cloud Country ay kumalat na sa buong Thirteen Countries, at umabot pa sa dalawang malakas na bansa.

Tatlong Palace Lord ng Iron Dragon Alliance ang natalo ng isang junior. Ang ulat na ito ay tila isang buhawi ng dumaan sa lugar ng Cloud.

Ang pangalang Zhao Feng ay gumulat sa Thirteen Clan muli at iginalang siya ng parehong bata at matandang henerasyon.

Dahil sa pag-iral ni Zhao Feng, ang Cloud Country at Thirteen Countries at naging kuta ng Dragon Killing Alliance.

Ang mga puwersa ng Dragon Killing Alliwanve ay mabilis na nagtipon sa Thirteen Countries at ang kanilang puwersa ay tumaas.

Noon, ang Iron Dragon Alliance ang nagdedesisyon sa buhay ng lahat. Walang nangangahas na lumaban.

Gayunman, iba na ngayon.

Ang ulat at mga tsismis ng pagtalo ni Zhao FEng sa apat na Palace Lord ay nagdahilan sa maraming puwersang sumama sa Dragon Killing Alliance.

Sa puntong itom ang Broken Moon Clan ay naging kaibuturan na ng Dragon Killing Alliance.

Kahit na si Zhao Feng ay nasa seklusyon at hindi alam ang nangyayari sa panlabas na mundo, naging isa na siyang spiritual leader ng kalaban ng Iron Dragon Alliance.

Sa puntong ito, maraming mga eksperto mula sa libo-libong milya ang layo ang naglakbay para bumisita kay Zhao Feng, ngunit hindi pumayag ang Broken Moon Clan.

Sa araw na ito, isa pang ulat ang nakarating sa Thirteen Countries. Ang nangungunang angkan sa Thirteen Clans, ang Cloud Sword Clan, ay nagpalit na ng pinuno.

Pagkatapos ni Zhao Feng, isa pang nakakagulat na henyo – isang henyong nasa Dao of the Sword – ang bumalik sa lugar ng Cloud.