webnovel

Ten Thousand Divine Thoughts Technique

Editor: LiberReverieGroup

"Hehe, ang Datk Eye Secret Manual ay isang bagay na nakuha ko kapalit ang Emperor of Death matagal na panahon na ang nakalipas, at ito'y naglalaman ng karamihan sa mga teknik niya…."

Nang marinig ito ni Zhao Feng, siya ay hindi makapaniwala.

Na kay Duanmu Qing ang secret technique ng Emperor of Death? Hindi kapani-paniwala.

Siyempre, ang Void God Realm Emperors ay may sari-sariling mga kagrupo, at hindi na nakakagulat na magpalitan sila ng mga items nila.

Ang Emperor of Death at si Duanmu Qing ay parehong mga ancient Emperors na ang mga lakas ay malapit sa isa't isa.

"Matagal ng panahon ang nakakalipas, at pinagbayaran ko na ang halaga nito. Gayon pa man, ang Dark Eye Secret Manual ay wala ng halaga sa akin; gusto ko lamang ang teknik na ito dahil sa kuryosidad ko sa Eye of Death."

Bumuntong hininga si Duanmu Qing.

Ang lifespan ng isang Emperor ay napakahaba; maaari silang mabuhay sa loob ng dose-dosenang libong mga taon. Sa ganoong kahabang buhay, maaari silang makapunta sa iba't ibang larangan at maaaring kumuha lamang ng mga kaalaman.

"Master, ano ang relasiyon sa pagitan ng Dark Eye Sacres Manual at ng Death Dark Eye?"

Naalala ni Zhao Feng ang Dark Eye Incomplete Page. Dahil ito'y hindi kumpleto, hindi nacultivate ito ni Zhao Feng maliban sa panghuhula ng mga teyorya nito.

Kung tutuusin, ang Dark Eye Incomplete Page ay mayroong kabuuang siyam na mga pahina, at kapag ang siyam na pahinang ito ay pinagsama-sama, maaaring magawa ng isang tao ang ultimate Death Dark Eye.

"Sa buong Cang Ocean, tanging ang Enperor of Death lamang ang maaaring magcultivate ng Death Dark Eye. Ang Dark Eye Secret Manual ay ang hindi kumpletong parte ng Death Dark Eye, at ito'y walang true offensive skills. Gayon pa man, mayroon itong napakaraming mga teyorya tungkol sa mga kaluluwa at kamatayan…."

Sagot ni Duanmu Qing.

Nang marinig niya ito, si Zhao Feng ay huminga ng malalim. Ang Emperor of Death ay malinaw niyang ibinigay ang sikreto ng Death Dark Eye.

"Gayon pa man, ang Dark Eye Secret Technique ay naglalaman ng maraming skills ng Emperor of Death, at ito'y hindi lamang naglalaman ng impormasiyon tungkol sa Death Dark Eye."

Seryosong tumingin si Duanmu Qing kay Zhao Feng.

Si Zhao Feng ay napuno ng pasasalamat. Alam niya ang ginagawa ni Duanmu Qing.

Habang hinaharap ang Pursuit of Death, alam ni Zhao Feng na 'di kalaunan ay makikita niya rin ang Emperor of Death.

Ang dahilan kung bakit ibinigay ni Duanmu Qing Dark Eye Secret Manual kay Zhao Feng ay dahil gusto niyang maunawaan nito ang skills ng Emperor of Death at makahanap ng paraan para magamit ito.

Tahimik na kinuha ni Zhao Feng ang Dark Eye Secret Manual.

Ang kaniyang mga titig ay tumama sa isa pang libro.

Ang librong ito ay nasa ilalim ng kahon. Mula doon, makikita na ang halaga nito ay paniguradong hindi mas mababa sa Dark Eye Secret Manual.

"Ten Thousand Divine Thoughts Technique?"

Kinuha ito ni Zhao Feng.

Nang tinignan niya ang libro, pag-aalala ng nakaraan ang lumitaw aa mukha ni Duanmu Qing.

"Ito ang secret technique ng pamilya Duanmu. Ito ay isang supreme soul technique. Ang skilk na ito ay nakaabot na sa Heaven-Grade, ngunit ito'y bahagyang hindi kumpleto."

Ang boses ni Duanmu Qing ay mababa at paos.

Tila may napagtanto si Zhao Feng. Ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique at ang pamilya Duanmu ay tila may halaga sa pinaka-ilalim na parte ng puso ni Zhao Feng.

_Ang aking God's Spiritual Eye ay may espesiyalisasyon sa pagcucultivate ng soul._

Malakas ang loob ni Zhao Feng. Hinayaan niyang maghalo ang kaniyang Spiritual Sense na maging Ten Thousand Divine Thoughts Technique.

Weng~

Isang misteryosong source ng mental energy ang naging daan para mahiwalay si Zhao Feng sa panibagong mundo. Ang lahat ng nilalaman ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique ay naitala niya sa kaniyang mental energy world.

"Ang teknik na ito ay makakatulong sa paglaki at paglampas ng isang kaluluwa sa Void God Realm. Kapag ito'y nakabisado na, ang isang pag-iisip ay maaaring maging ten thousand."

Narinig niya boses ni Duanmu Qing, ngunit ang kamalayan ni Zhao Feng ay nakapasok na sa mundo ng mental energy at nagsimula ng matuto ng panibagong kaalaman.

Nang marinig niya ang panimula ni Duanmu Qing, hindi naiwasang magukat ni Zhao Feng.

Una, ang kumpleting Ten Thousand Divine Thoughts Technique ay nakaabot na sa Heaven-Grade.

Ang mga teknik ay nahahati sa Mortal-, Spiritual-, Earth-, at Heaven-Grade.

Sa kanilang lahat, ang Spiritual-Grade ay masasabi ng 'di pangkaraniwan sa Azure Flower Continent, habang ang Heaven-Grade naman ang pinakamataas sa buong mundo.

Pangalawa, ang tiyansa ng isang tao na makalampas sa Void God Realm ay tumataas.

"Karamihan sa mga Emperors ang nagnanais na makuha ang skill na ito, ngunit hindi ako pumapayag na makipagpalit sa kanila. Kahit kasi ako ay hindi pa nakakapag-cultivate sa pinakamataas na 'One Thought into Ten Thousand' na level. Siguro ay hindi talaga ako talentado pagdating sa mga kaluluwa…."

Naging magulo ang mga ekpresiyon ni Duanmu Qing. Malaki talaga ang halaga ng Ten Thousand Divine Thought sa kaniyang puso.

"Master, bakit mo ibinibigay sa akin ang Ten Thousand Divine Thoughts Tecnique?"

Maingat na tanong ni Zhao Feng.

Hindi itinago ni Duanmu Qing ang dahilan.

"Mayroong dalawang dahilan. Una, ang iyong eye-bloodline ay konektado sa mga kaluluwa, at kahit ako ay hindi ito makita. Siguro ay maaari mo aking malampasan sa pagkakabisado ng teknik na ito."

"Pangalawa, ang intent mula sa Eye of Death ay nagtatago sa iyong kaluluwa. Wala akong espesiyalisasyon sa mga kaluluwa, at ang intent ng isang Emperor ay napakalakas. Kapag pumasok ako sa iyong kaluluwa para matanggal ang intent, maaari akong magdulot ng mga 'di inaakalang mga problema."

Hindi na nagulat sa unang dahilan si Zhao Feng.

Kahit ang First Elder mula sa Broken Moon Clan ay nakitang may talento si Zhao Feng pagdating sa mga mental energy. Paniguradong mas naintindihan ito ni Emperor Duanmu Qing.

Ang pangalawang dahilan ang nagoagulat kay Zhao Feng at napuni siya ng kasiyahan, "Master, ibig mo bang sabihin na ang Ten Thousand Divine Thought Technique ay makakatulong sa akin para matanggal ang intent na iniwan ng Emperor of Death sa aking kaluluwa?"

"Tama ka."

Seryosong nagsalita si Duanmu Qing, "Matutulungan kita sa loob lamang ng limitadong oras, ngunit hindi sa buong buhay mo. Sa huli, ay kailangan mo pa ring harapin ang Empeeor of Death."

Nagustuhan ni Zhao Feng ang kaalaman ni Duanmu Qing.

Sa halip na bigyan mo ang tao ng isda, mas maganda pa rin na turuan sila kung paano ang mangisda.

Habang ibinibigay ang Dark Eye Secret Manual at ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique ng pamilya Qing kay Zhao Feng, nais nang harapin ni Duanmu Qing ang Pursuit of Death.

Maingat na kinuha ni Zhao Feng ang kahoy na kahon bago yumukod kay Duanmu Qing at saka umalis.

Kahit na kakapasok lang ni Zhao Feng sa Sacred Land sa loob lamang ng ilang araw, hindi siya itinuring ni Duanmu Qing na parang kakakita pa lamang nila.

Tahimik na inalala ito ni Zhao Feng ng may pasasalamat.

Matapos niyang makabalik kung saan siya nanatili, mabilis na kinuha ni Zhao Feng ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique at nagsimulang magcultivate.

Ang kaniyang kamalayan ay mabilis na nakapasok sa mundo ng mental energy at nagsimulang higupin ang mga kaalaman na siyang nagugutom.

Matapos ang isang oras, nagsimulang maintidihan ni Zhao Feng ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique.

Ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique ay hindi pangkaraniwang teknik na nagcucultivate ng kaluluwa. Ito rin ay may kasamang mga secret skills at kung papaano gamitin ang power of the soul..

Ang Dao of the Soul ay palaging nasa forbidden area ng cultivation.

Tanging ang mga nasa Void God Realm, na may malalaking mga kaluluwa, at may abilidad na magamit ang power of the soul. Gayon pa man, sila ay nakatapak lamang sa pinto nito.

Ang kaluluwa ay napaka-misteryoso at delikado. Mahirap aralin ang pinagmulan nito.

"Ang espesiyalidad ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique ay gawing isa o dalawa ang iniisip ng tao, hanggang sa isang daan, hanggang umabot ng isang libo… at pinapataas din nito ang kasanayan sa paggamit ng power of the soul."

Hindi naiwasang bumuntong hininga ni Zhao Feng.

Ito'y mahirap para sa isang normal na tao na gumawa ng mga bagay sa isang galawan lamang, ngunit ang mga pag-iisip ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique ay mas kakaiba.

Ang bawat pag-iisip ay maaaring pag-isahin at gawin ang mga gusto nito. Hindi talaga nito naapektuhan ang isa't isa.

Siyempre, ang bilis ng pag-iisip na ito ay mas mabagal.

Halimabawa, kapag nagawa ang 'One Thought into Two' na level, ang pag-iisip ni Zhao Feng ay magiging dalawang pagkatao. Ang isa ay maaring magcultivate ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique habang ang isa naman ay maaaring magcultivate ng Wind Lightning Emperor.

Ang paghahati ng dalawang pag-iisip ay humihigit sa paggawa ng maraming bagay.

Siyempre, ito lamang ay teyorya sa likod ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique; ito'y mas mahirap kapag ginawa na ito.

"Subukan natin."

Bahagyang natuwa si Zhao Feng nang magsimula siyang magcultivate ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique.

Sa kasalukuyan, siya ay walang Divine Sense. Siya lamang ay mayroong Spiritual Sense.

Kailangang ng isang tao na makaabot sa half-step Void God Realm para magkaroon ng Divine Sense. Gayon pa man, ang Spiritual Sense at Divine Sense ay nasa ilalim ng parehong prinsipyo.

Habang siya ay nagcucultivate, ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay hindi niya namalayang nasangkot dito buhat ng ito ay ang core ng kaniyang soul-power.

Matapos ang kalahating araw:

"Hmm? Tila hindi naman ito ganoon kahirap…."

Ang Spiritual Sense ni Zhao Feng ay mabilis na nahati sa dalawa.

Habang iniisip niya ang nakaraan, ang God's Spiritual Eye ni Zhao ay madaling makakontrol ng hukbo ng mga halimaw at utusan sila sa kahit na anong gusto niya.

Ang mga normal na beast tamers ay madalas na kumukontrol ng hukbo ng mga halimaw gamit ang pagkontrol sa pinuno ng mga ito at utusan ang mga halimaw na ito. Sa kabilang banda, mayroon ding ibang kakaibang mga eye-bloodline na may abilidad na kumontrol ng hukbo ng mga halimaw, kagaya ni Zhao Feng.

"One Thought into Ten."

Ang ikalawang araw ay nagawa ni Zhao Feng na mahati ang kaniyang Spiritual Sense sa sampu.

Shua! Shua!

Ang thought-power ni Zhao Feng ay lumitaw nang paikutin niya ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique.

Sa sumunod na sandali, ang tatlong ibon mula sa iba't ibang direksiyon ang pumigil sa kapangyarihan ng kaniyang pag-iisip.

Sa isang pag-iisip lamang, si Zhao Feng ay nagawang palutangin sa himpapawid ang mga wooden barrels.

"Ito ang power of mental energy thoughts."

Nakaramdam ng kasiyahan sa puso si Zhao Feng.

Ang kaniyang God's Spiritual Eye ay ang kaniyang kayamanan, at ang Ten Thousand Divine Thoughts Technique ang naging susi para mabuksan ito.

Sa loob lamang ng dalawang araw, ang Spiritual Sense ni Zhao Feng ay nahati na sa sampu.

Sa kaniyang teyorya, ang bawat pag-iisip ay maaaring makakontrol ng hukbo ng mga halimaw. Ang lahat ay maaaring maglabas ng mga mental energy attacks o gamitin ang kanilang mga Spiritual Sense.

"Sa inaasahang Heaven-Grade soul tecgnique; ito ay heaven-defying."

Si Zhao Feng ay napuno ng pagpupuri.

Hindi niya alam kung gaano nakakatakot ang kasalukuyang cultivation speed niya.

Noon, si Duanmu Qing ay gumugol ng sampung taon para maabot ang 'One Thought into Ten' na level. Naramdaman ni Zhao Feng ang inaasahan niyang paglakas.

Ang talento ng kaniyang God's Spiritual Eye pagdating sa mga kaluluwa ay heaven-defying, at ito ay kasalukuyang parang isda sa tubig nang magcultivate siya ng Ten Thousand Divine Thoughts Technique.

Sa araw na ito, napagdesisyunan ni Zhao Feng na aralin ang Dark Eye Secret Manual.

"Zhao Feng, aalis ako sa Sacred Land at saka magtutungo sa Tianlu Islands. Huwag kang aalis sa Sacred Land sa mga oras na ito. Kung may kailangan ka, ay maaari mo nang sabihin ito sa akin ngayon."