webnovel

Pagsasama

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Akala ko ay nagawa mong humanap ng ilang mga hindi naniniwalang mga kakampi, ngunit tanging tatlong normal na Sacred Lord lamang ito!" Ang babaeng non-human ay masamang ngumiti.

"Anong makukuha ko mula rito?" Sinabi muli ni Zhao Feng sa napinsalang Sacred King na may luntiang baluti.

Kung sila Zhao Feng ay tutulong, kailangan nilang harapin ang anim na non-human, kasama ang dalawang Sacred King expert. Hindi payag si Zhao Feng na gumawa ng mapanganib na bagay para sa wala. Ni hindi nga ito pinansin ni Nan Gongsheng.

Dagdag pa rito, ang Sacred King na may luntiang baluting ito ay siguradong nangakong magbibigay ng isang pabuya para sa tulong kapag nakaharap sila ng mga Sacred King o Demigod. Ang Sacred King na may luntiang baluti at ang kaniyang pangkat ay umaasa lamang sa kanilang pagkakakilanlan bilang mga miyembro ng Grand Imperial Hall para puwersahin sila Zhao Feng.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter