webnovel

Paglipad

Editor: LiberReverieGroup

Sa loob ng batong kuwarto.

Isang tao at isang pusa ang nakaupo sa sahig, nagcucultivate. Makalipas ang kalahating araw, ang lalagyan ng alak ay nagpakulo ulit ng isa pang pangkat ng alak, na nagbigay ng isang espiritwal na amoy.

Kahit hindi ito naging isang Spiritual-grade alcohol, sa pamamagitan ng kaliwang mata ni Zhao Feng, nakikita niya pa rin na maaaring mai-angat ng alak ang mga katawan ng mga nasa Ascended Realm.

Nakita niya rin na kung gaano katagal pinakuluan ng lalagyan ang alak, mas mataas ang magiging grade ng alcohol at mayroon pa itong pagkakataon upang makagawa ng isang True spiritual alcohol. Ngunit ang prosesong ito ay mangangailangan ng isang buwan.

Gumawa ng kasunduan si Zhao Feng at ang munting pusang magnanakaw na maghati 50-50. Ang pagnanais ng munting pusang magnanakaw sa alak ay halos umabot na sa lebel ng pagnanasa niya sa isang kayamanan.

Matapos iyon, ang tao at ang pusa ay tahimik na nagcultivate sa batong silid.

Nililipon ni Zhao Feng ang kaniyag cultivation habang sinusubukang magpiga ng mas marami pang potensyal mula sa misteryosong likido.

Dahil nilunok ng munting pusang magnanakaw ang buong bangkay ng insekto, hindi niya pa ito natutunaw.

Makalipas ang dalawang araw.

Tumaas ang aura na nagmumula parehas kay Zhao Feng at sa munting pusang magnanakaw. Hindi lama ni Zhao Feng ang tiyak na lakas ng pusa, ngunit wala naman sigurong magiging masiyadong problema kung makatapat ito sa mga Core disciples ng Clan.

"Sampung araw na lamang ang natitira bago ang Alliance Banquet at ang misyon ko ay hindi pa nakukumpleto."

Napagdesisyunan ni Zhao Feng na bumalik. Lumipad ang tao at ang pusa sa ere at iniwanan na nila ang silver crystal field.

Pinagmasdan ni Zhao Feng ang mga libingan sa ibaba, ngunit hindi siya naglakas-loob lapitan ito. Ito ay isang pinagbabawal na lugar na naglalaman ng 'Curse of One Hundred Graces', na ang pinagmula ay ay ang mga libingan na ito. Kahit ang mga katawan sa mga libingan ay namatay na, nagpapakawala pa rin sila ng kasindak-sindak na aura na nakasisiguro na mga nilalang sila na nasa True Spirit Realm o mas mataas pa noong sila ay nabubuhay pa.

Kung gaano ka kalapit sa libingan, ganoon din kalakas ang mistersyosng pagbulwak ng puwersa.

Sa pagbabalik sa lugar ng mga white bones.

Kinailangan ulit ni Zhao Feng harapin ang mga atake ng white skeletons.

Lightning Wind Palm!

Ginamit ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang kapangyarihan at sa gitna ng kombinasyon ng lightning at ng wind, ang mga kalansay ay naging alikabok.

Sa oras na ito, kahit ang mga skeletons na nasa 7th Sky ay madaling naililigpit ni Zhao Feng.

Pagtapos makalabas sa lugar ng mga white bones, lumitaw ang mahamog na lugar.

"Ang mga libingan siguro ang sentro ng lugar na ito; ang lugar ng white bones ang pumapalibot na bilog sa loob at ang mahamog na lugar ang pumapalibot sa labas." Kongklusyon ni Zhao Feng.

Pagtapos pumasok sa mahamog na lugar, magugulo ang pandama ng isang tao at mawawalan sila ng direksyon. Para naman sa kung magtatagumpay ba sila sa pagtakas, nakadepende ito sa suwerte nila.

Sa oras na pumasok ang isang tao sa lugar ng white bones, maaapektuhan sila ng kapangyarihan ng sumpa.

Shua!

Pumagaspas ang Yin Shadow Cloak at naging isang asul na guhit si Zhao Feng na paminsan-minsan ay nagsisitsit ng kidlat na kumaripas patungo sa mga kanto ng mahamog na lugar.

Nang biglang.

Para bang may naramdamang isang bagay si Zhao Feng at dali-dali siyang nagtago sa isang malaking puno.

Makalipas ang isang iglap, dalawang makapangyarihang aura ang pumasok sa mahamog na lugar. Isa sa kanila ay isang matandang lalaking mayroong kulay abong kapa, samantalang ang isa naman ay matandang babae.

Ang dalawa ay mayroong nakapalibot na hangin ng True Spirit, na maaaring makapagpigil nang katiting sa misteryosong kapangyarihan ng mahamog na lugar.

Halata naman, ang dalawang tao na ito ay nasa True Spirit Realm.

"Ang Forbidden Land of One Hundred Graves ay talagang kagaya ng pangalan nito. Ang aking espiritwal na pandama ay umaabto lamang ng hanggang isang yarda rito." Bumuntong hininga ang matandang lalaking naka-kulay abong damit.

"Gusto mo pa rin bang magpatuloy? Ang sumpa mula sa Forbidden Land of One Hundred Graves ay hindi isang bagay na maaaring salagin ng mga nasa True Spirit Realm. Sa nakaraan, ang mga nakatakas mula sa lugar na ito ay lahat nasumpa at nabaliw sila bago mamatay makalipas ang ilang taon...." Panghihikayat ng matandang babae.

Si Zhao Feng, na nagtatago sa likod ng isang puno, ay nakaramdam ng paninikip ng kaniyang puso. Hindi niya naisip na ang sumpa mula sa 'Forbidden Land of One Hundred Graves' ay ganito kalala. Kahit ang mga nasa True Spirit Realm, na nagtagumpay sa pagtakas sa lugar na ito, ay namatay pa rin sa dulo.

Maaari bang mayroon pang natitirang katiting na sumpa sa kaniya?

Kahit na mayroong misteryosong mata si Zhao Feng, hindi pa rin siya nakasisiguro.

Dagdag pa rito, kung titingnan, ang dalawa na nasa harap niya ay halatang mas malakas pa kaysa sa mga Elders ng Clan.

"Ang matandang lalaki na ito ay mayroon na lamang sampung taong natitira para mabuhay at imposible para sa akin na makatungtong pa sa True Lord Realm at sa Origin Core Realm sa Area of Dust na ito. Batay sa mga tala ng 'Ancient Shrine', kung makukuha ko ang lugar na ito, ang pagkakataon sa tagumpay ay mas tataas pa ng sampung beses."

Determinadong-determinado ang matandang naka-kulay abong damit.

Tiningnan niya ang dalawang nasa True Spirit Realm na papalayo gamit ang kaniyang mga mata, hindi naglakas-loob si Zhao Feng na gamitin ang kaniyang kaliwang mata upang sundan sila, kahitn a alam niya na ang pandama ng isang tao ay nahaharangan sa lugar na ito.

Dahil din sa katotohanang ito kung bakit hindi maramdaman ng dalawa si Zhao Feng, na mayroon ding tulong mula sa Yin Shadow Cloak.

Makalipas ang ilang sandali.

Nakarinig ng malakas na sigaw si Zhao Feng – ang matandang may kulay abong dami at pumasok na sa lugar ng mga buto.

"Maaaring ang dalawang iyon ang Elders ng 'Ancient Shrine' hihintayin ko upang makita ko ang kalagayan."

Hindi basta-bastang kumilos si Zhao Feng.

Nakakalamang siya sa mahamog na lugar – hindi siya takot na makita siya rito.

Makalipas ang ilang sandali.

Isang sigaw ang nagmula sa lugar ng mga buto.

Qiu-----

Ang ingay ng paglipad sa himpapawid ay maririnig, sunod ay nakita na umatras mula sa lugar ng mga buto ang matandag nakakulay-abong damit.

Biglang nagpunta ang matandang babae sa tabi niya at tinanong ang tungkol sa sitwasyon.

Puno ng takot ang matandang may kulay abong damit at hindi niya mapigilang hindi manginig. Dahil sa pagiging berde ng kaniyang mukha, sa wakas ay nakapagsalita na rin siyaL "Binalot na ng sumpa ang aking katawan at ang aking lifeforce ay nauubos..."

Sunod, nakade-kuwatro ang matandang may kulay abong roba sa sahig at kumain ng ilang spiritual pills gamit ang tulong ng kalapit na babae.

Kakaiba ang mukha ni Zhao Feng – ano ang nakaaepkto sa sa matandang lalaking naka kulay abong damit? Sa pagtayo niya sa malayo, ginamit niya ang kaniyang kaliwang mata upang suriin ang matandang lalaki.

Subalit, nang sinuri ng kaliwang mata mata ni Zhao Feng ang matandang mayroong kulay abong damit, nanlamig ang kaniyang puso at napahinga siya ng malamig.

Sa pamamagitan ng kaniyang kaliwang mata, nakakita siya ng hindi nakikitang puting mga kamay na puro dugo na gumagapang sa katawan ng matandang mayroong kulay abong damit.

Ang mga laman-loob ng matandang naka kulay abong damit ay pinapaguho ng mga hindi nakikitang kamay. Kinilabutan si Zhao Feng sa eksenang ito.

Kahit ang matandang babaeng katabi ng matandang mayroong kulay abong damit ay hindi mapakali at kinailangan niyang lumayo habang pinapadaloy ang kaniyang True Force.

Noong lumapit ang matandang babae, ang mga puting kamay na hindi nakikita ay umaamba rin sakaniya.

Siyempre, kahit hindi nila nakikita ang mga kamay, nararamdaman pa rin nila ang pagbabanta mula rito.

Punong-puno ng awa ang mga mata ni Zhao Feng – hindi na mabubuhay ng kalahating taon ang matandang naka kulay abong damit.

"Ang Forbidden lang ng One Hundred Graves ay talaga namang.... pinagbabawal."

Takot na takot si Zhao Feng, hindi niya inaasahan na dadalhin siya ng munting pusang magnanakaw sa ganito kapanganib na lugar. Kung nalaman niya ang sitwasyon dito, hindi maglalakas-loob pumasok si Zhao Feng, kahit na mayroon pa siyang isang daang tibay ng loob.

Mabilis na pinadaloy ni Zhao Feng ang kaniyang kaliwang mata upang tingnan ang sitwasyon ng pusa ng at ng sakaniya, ngunit wala naman siyang nakitang mali.

Nakahinga si Zhao Feng.

Ang dahilan kung bakit hindi naapektuhan si Zhao Feng ng sumpa ay dahil sa misteryosong kaliwang mata. Para itong token na nakakapagtunaw ng mga kapangyarihan ng mga sumpa. Para namna sa munting pusang magnanakaw, ang kasaysayan nito ay lubhang misteryoso at ito naman talaga mismo ang nanguna sa kaniya sa lugar na ito.

"Munting pusang magnanakaw, huwag mo na ulit itong gagawin sa susunod." Binigyan ng malamig na tingin ni Zhao Feng ang munting pusang magnanakaw gamit ang kaniyang kaliwang mata.

Malamig na sininok ang munting pusang magnanakaw at tumango ito ng ilang beses bago inilabas ang sinaunang barya at malungkot na pinaglaruan ito.

Alam ni Zhao Feng na ang misteryosong kaliwang mata lamang ang kayang kumontrol sa munting pusang magnanakaw o kung hindi, sa pag-uugali na mayroon ang pusa, bakit hindi pa nito inaabala ang mga nasa True Spirit Realm?

Hindi nagtagal.

Lumipad na palayo ang matandang lalaking mayroong kulay abong damit at ang matandang babae.

Bago sila umalis, narinig pa ni Zhao Feng na magsalita ang matandang babae: "Ito ang nangyari dahil hindi ka nakikinig sa akin. Sa nakaraang libong taon, si Lord Patriarch lamang nakapunta sa Forbidden Land of One Hundred Graves at nakabalik nang walang pinsala. Ngunit kahit ang Patriarch ay hindi kinaya ang lugar na ito. Ang magagawa na lamang natin ngayon ay magpunta sa Iron Dragon Country at hanapin ang Division Leader. Napakamisteryoso niya ngunit sanay na sanay siya sa mental energy techniques. Siguro ay mayroon pang paraan..."

Makalipas ang ilang sandali pagkaalis ng dalawa, ang anyo ni Zhao Feng ay lumitaw habang idiniin niya ang kaniyang mga mata: "Ang Patriarch ba na iyon ay ang Scarlet Moon Patriarch?"

Hindi na siya nagtagal pa at umalis na siya sa daan tagos sa mahamog na lugar.

Makalipas ang dalawang araw.

Nakita ni Zhao Feng ang Two headed Silver Crowned Bird sa alapaap ng Sky Cloud Forest. Ang Two headed Silver Crowned Bird ay ang panginoon ng alapaap na ang lakas ay hindi maikukumpara sa mga nasa 6th Sky.

Ngunit ang lakas ni Zhao Feng ngayon ay doble ng lakas niya noong umalis siya sa Clan. Sa isang tira pa lamang ng Luohou Bow, ay napatay na niya ang isang Two headed Silver Crowned Bird.

Ang misyon ay nangangailangan ng apat na ulo at hindi kalaunan nakakita ulit si Zhao Feng ng isa pa.

Sa oras na ito hindi siya pinabagsak ni Zhao Feng. Sa halip, gumamit siya ng isang mental energy technique upang kontrolin ang Two headed sIlver Crowned Bird. Kung may taga-Ancient Shrine na nandirito, matutula siguro sila.

Si Zhao Feng, na nasa 5th Sky, ay nagawang kontrolin ang isang Yao Beast na nasa 6th Sky- ito pa lamang ay kamangha-mangha na. Dagdag pa rito, ang Two headed Silver Crowned Bird ay mayroong dalawang ulo ibig sabihin dalawang beses na mas mahirap kontrolin ito.

Umupo si Zhao Feng sa Two headed Silver Crowned Bird at bumalik siya sa Sky Moon Mountain.

"Ano ang Yao beast na iyon na may dalawang ulo?"

Ang mga disciples ng Sky Moon Clan ay nataranta at para bang may makakaharap sila na isang makapangyarihang kalaban. Ang Two headed Silver Crowned Birds ay mga hindi matalo-talong mga nilalang, kahit para sa mga inner disciples.

Nang makita nila si Zhao Feng sa tuktok ng Two headed Silver Crowned Birds, ang mga mata nila ay napuno ng paggalang at ng paghanga.

Nakumpleto na ni Zhao Feng ang misyon ng pagpatay sa dalawang Two Headed Silver Crowned Birds. Ngunit sa hindi inaasahan, ilang mga Vice-heads ang nagpataasan ng presyo upang bilhin ang Two headed Silver Crowned Bird na ito.

Gaano kaastig ang magkaroon ng isang Two headed Silver Crowned Bird? Ito ang pinakamagandang sasakyan bukod sa Giant Golden Ashen Eagle.

Ang pinakamahalagang parte ay nandoon si Zhao Feng, ang 'beast trainer' na nakakaapekto sa estado ng pag-iisip ng Two headed Silver Crowned Bird, na mas nakakapagpadali pa lalo sa pagsasanay sa ibon.

Makalipas ang isang oras, binenta ni Zhao Feng ang Two headed Silver Crowned Bird kay Vice-Head Li at hindi lamang siya nakakuha ng mga gantimpala para sa misyon, nakakuha rin siya ng sampung libong substandard Primal Crystal stones.

Namumula ang mukha ni Vice-Head Li at puro ngiti.

Siyempre, hindi madali makakuha ng mga Primal Crystal Stones. Para sa susunod na mga araw, ginamit ni Zhao Feng ang kaniyang mental energy techniques upang tulungan si Vice-Head Li na sanayin ang Two Headed Silver Crowned Birds.

Sa araw na ito.

Bumalik mula sa labas ang Core disciple na si Bei Moi at ang kaniyang cultivation ay umabot na sa peak ng 5th Sky.

Ngunit nang makita ni Bei Moi si Zhao Feng, lubhang nagbago ang kaniyang ekspresyon na hindi siya makapaniwala.

Dahil ang cultivation ni Zhao Feng ay bahagyang mas mataas kaysa sakaniya, naabot na ang perpektong 5th Sky, hindi malayo mula sa 6th Sky.

"Mukhang ang pagsisiskap at ang mga panganib na kaugnay nito ay sulit naman." Naisip ni Zhao Feng sa kaniyang puso.

Ito ang unang beses na nalagpasan niya si Bei Moi.

Sa pagkakataong ito.

Mayroon na lamang ilang mga araw na natititra bago ang Alliance Banquet.

"Mayroon na lamang lima hanggang anim na araw bago ang Thirteen Clan's Alliance Banquet, ngunit ang lugar kung saan ito gaganapin ay malayo mula sa Sky Moon Mountain, kaya't aalis tayo makalipas ang dalawang araw." Tinawag ni First Elder palabas sina Zhao Feng at Yang Gan.

Nang makita ni First Elder si Zhao Feng, kumislap ang mga mata niya dahil sa kagalakan.

Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Yang Gan – hindi niya na isip na ang junior martial brother niya na ito ay nasa kalahating hakbang na lang ng 6th Sky.

Nakatayo si Zhao Feng at ang mga kamay niya ay nasa kaniyang likuran habang sumasabay sa ihip ng hangin ang kaniyang asul na buhok. Isang ngiti ang kumurba sa kaniyang mga labi at isang hindi maipaliwanag na lakas ng loob ang nagmumula sa kaniya nagdulot upang mas lalo pa siyang maging misteryoso.

Matapos bumalik sa Clan, punong-puno siya ng lakas ng loob para sa Alliance Banquet. Mula sa pagkakataon ito at sa mga susunod, walang kapangyarihan ang makakapigil sa kaniya sa paglipad.