14 Lakas ng Isang Quasi Martial Artist

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ang epekto ng blood plant ay napakabuti." Nakapabuti ng pakiramdam ni Zhao Feng. Una niyang inakala na kahit na sa tulong ng dalawang daang taong gulang na blood plant, ay kakailanganin parin niya ng dalawang araw para makapasok. Kung ang lahat ay nakaranas ng parehong epekto, kung gayon ay ang mga nasa ikaapat o mas mataas na ranggo ay mawawalan ng halaga.

Hindi nagtagal ay nalaman niya ang mga dahilan.

Una, hindi pa siya nakakagamit nito dati, kaya't nagawa niyang masipsip ang halamang gamot hanggang sa isang mataas na antas. Pangalawa, ang Air Pushing Breathing Technique ay naabot na ang ikatlong antas na nagdulot upang makaabot ang lakas ni Zhao Feng sa ikatlong ranggo habang siya'y nasa ikalawang ranggo. Pangatlo, naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang katawan ay unti-unting nagbabago matapos ang pagsanib sa kanyang kaliwang mata.

Kumalma din agad si Zhao Feng nang napagtanto niya na marami pang iba sa Zhao Feng na naabot ang ikatlong ranggo sa kanyang edad. Maikukunsidera lamang siyang talentado, hindi isang henyo.

Gawing halimbawa si Zhao Yufei, siya'y naabot na ang tuktok ng ikatlong ranggo dalawang buwan na ang nakalipas at halos natutunan na ang Inner Strength, na nagkakahulugang mayroon na siyang lakas ng isang Quasi Martial Artist.

"Siguro ako'y nasa parehong antas nila Xin Fei at Zhao Yijian. Gayunpaman, wala akong kumpiyansang mananalo ako laban sa kanila." Pagkatapos ng lahat, sina Xin Fei at Zhao Yijian ay natuto na ng mga high rank martial arts skills, at sinanay ang mga ito ng hindi bababa sa low level.

Sa mga sumunod na dalawang araw ay pinagtibay niya ang kanyang cultivation.

Habang siya'y nagsasanay sa Air Pushing Breathing Technique, napagtanto niya na mayroong isang mababa na humuhuning tunog. Pinalakas ni Zhao Feng ang kanyang kaliwang mata at nadiskubre niya na mayroong isang mahina na berde at pulang liwanag na namumuo sa pagitan ng kanyang dugo at balat.

"Nalalapit na sa tuktok ng ikatlong ranggo ang Air Pushing Breathing Technique. Ang aking lakas ay hindi na mas mahina kaysa kay Zhao Yufei o Xin Fei na mayroong lakas ng Quasi Martial Artist." Matapos marating ng Air Pushing Breathing Technique ang tuktok ng ikatlong ranggo ay magkakaroon siya ng pagkakataong maunawaan ang chi. Karamihan sa mga tao ay kailangang maging half-step Martial Artist para marating ang hakbang na ito. Maging ang karamihan sa mga nasa tuktok ng ikatlong ranggo ay hindi ito kayang magawa.

Matapos niyang mapagtibay ang kanyang pundasyon, si Zhao Feng ay iniwan ang bahay-tuluyan at dumiretso papuntang Zhao sect. At para sa natitirang dalawang blood plants, hindi pa niya pinaplanong gamitin ang mga ito sa lalong madaling panahon.

Sa lalong madaling panahon na nakaalis si Zhao Feng sa bahay-tuluyan, isang pulubi na nakasuot ng gutay-gutay na damit ang umikot at tumakbo palayo sa kanya.

Ang Pulubi ay dumating sa isang restaurant at nag ulat sa isang kabataang nakasuot ng kulay pilak, "Master Xin, siya'y lumabas na!"

"Ok, ito na ang ipinangako sayong pilak." Ang binata ay may malamig na ngiti.

**********

Nang lumiko si Zhao Feng sa isang eskinita, nakarinig siya ng mga malalakas na yapak na papalapit sa kanyang likuran.

Teng sou sou———-

Dalawa o tatlong silweta ang tumalon mula sa pader at hinabol siya mula sa likod.

"Sinong nandiyan!?" Agad na umikot si Zhao Feng.

"Bata! Iwanan mo ang sampung libong pilak at hahayaan ka naming umalis," Sabi ng tatlong disciples ng Xin family habang pinalilibutan nila si Zhao Feng. Ang taong nagsalita ay ang binatang nakasuot ng kulay pilak.

Xin Gang! Agad na nakilala ni Zhao Feng ang binata.

Ang tatlong mga disciples sa harap niya ay naabot na ang ikatlong ranggo at si Xin Gang ay naabot na ang tuktok ng ikatlong ranggo.

"Sampung libong pilak? Kayo lang tatlo?" Sabi ni Zhang na tila walang pakialam habang siya'y diretsong nakatayo. Gumastos siya ng halos sampung libong pilak sa Sun Feather City at mayroong pang sampung libong natitira sa kanya. Ang mga taong ito ay halatang plinano na kuhanin ang lahat para sa kanilang mga sarili.

"Bata! Binabalaan kita, 'wag kang maging masyadong arogante! Nasugatan ako nung nakaraan, kaya ka nanalo. Maniningil kami ngayong araw para sa mga pagkalugi na natamo namin sa Sky Cloud Forest."

"Hmph… nung araw na iyon ay kinuha mo ang animnapung porsiyentong halaga ng tigre, habang isang tao mula sa aming sect ang namatay." Isa sa mga Xin disciples ay mayroong kasakiman at kabigatan ng loob sa kanyang mga mata.

"Tigilan niyo nga ang pagsasalita ng katarantaduhan! Bilisan na natin siyang itumba kung sakaling may aksidenteng mangyari," Sabi ng binata sa kaliwa habang sumipa siya papunta kay Zhao Feng. Mabilis na sumunod ang dalawa pa.

"Hahaha, isang grupo ng mga basura," Tumawa si Zhao Feng nang tumalon siya ng pitong metro mula sa lupa at lumapag sa tuktok ng pader ng isang mansion. Madali niyang naiwasan ang taltlong mabibilis na atake.

"Huwag niyo siyang hahayaang makatakbo!" Sumigaw si Xin Gang at siya ang unang lumukso patungo kay Zhao Feng.

"Tumakbo?" Kinukutyang tingin ni Zhao Feng kay Xin Gang nang mabilis niyang ginamit ang Air Pushing Breating Technique at Lightly Floating Ferry, at nag-iwan ng isang afterimage sa ere.

Masama 'to! Nakaramdam si Xin Gang ng isang mabigat na pressure mula sa kanyang tabi.

Pah—-

Si Xin Gang, na nasa ere, ay bahagya lamang na nasangga ang isang suntok.

Wah!

Bagama't nasangga niya ito, ang puwersa ay nagawa parin siyang ihampas sa pader na gawa sa bato at umubo ng dugo.

"Ang lakas ng batang ito ay malamang naabot na ang Quasi Fourth rank. Hindi magawang tanggapin ang isa sa kanyang mga tira." Naramdaman ni Xin Gang na dumilim ang kanyang paningin at agad na binalaan ang kanyang mga kasama, "Xin Yu, Xin Chen mag ingat kayo!" Gayunpaman, bago pa man niya matapos na balaan sila ay mayroong isang sigaw na nanggaling mula sa kanyang kaliwa.

"Ahhhhhh…" Isa pang binata ang nabali ang buto.

"Takbo!" Ang huling Xin disciple ay natakot palabas ng kanyang diwa at sinubukang tumakbo. Gayunpaman, bago pa siya makatakas. Isang sumisipol na tunog ang nanggaling sa likod.

Peh!

Naramdaman niyang nagdilim ang kanyang mga mata bago paman niya nakita ang atake.

Kung bilis ang pag-uusapan, si Zhao Feng na natuto ng isang high rank martial art skill at kapag ginamit, ay maaring ikumpara sa martial artists ng ikaapat na ranggo.

"Pakakawalan muna kita sa panahong ito pero kapag ginalit mo ulit ako…" Malamig na tumingin si Zhao Feng kay Xin Gang at tulad ng isang ibon, ay lumutang papalayo.

"Hindi kapani-paniwalang lakas at bilis…" tulirong sinabi ng binata sa tabi ni Xin Gang. .

"Kararating palang ni Zhao Feng sa ikatlong ranggo at mayroon na agad siyang lakas ng isang Quasi Martial Artist." Ang lakas ni Zhao Feng ay maikukumpara na ngayon sa lakas ni Xin Fei.

*****************

Pagkatapos tapusin si Xin Gang at ang kanyang mga kasamahan, si Zhao Feng ay bumalik sa Zhao sect. Ilan sa mga dsiciples na pamilyar kay Zhao Feng ay nasurpresa sa antas ng kanyang cultivation.

"Kailan pa narating ni Zhao Feng ang ikatlong ranggo ng Martial Path?" Alam nilang lahat na ang lakas ni Zhao Feng ay nasa unang ranggo lamang dalawampung araw ang nakalipas.

"Narinig ko na si Zhao Feng at ilan sa mga Xin family disiciples ay nakapatay ng isang Green Headed Tiger King kahapon at ninakaw niya ang lagpas sa kalahati ng mga nasamsam…" Sabi ng isang maalam Zhao disciple.

"Isang deadly beasts ay nagkakahalaga ng dalawampu hanggang tatlumpung libong pilak. Siguradong bumili ang batang 'to ng ilang sobrang mahal na halamang gamot na dinagdagan ang kanyang cultivation.

"Ano naman ang kamangha-mangha tungkol sa paggamit ng panlabas na tulong para dagdagan ang cultivation ng isang tao? Ang mga taong yun ay kadalasang may mas mababang lakas."

Ang lahat ng mga disciples na ito ay naiingit o mapanghamak.

Hindi inakala ni Zhao Feng na sobrang bilis makararating sa sect ang impormasyon. Nang hindi pinapansin ang mga taong 'to, dire-diretsong naglakad si Zhao Feng. 'Di nagtagal ay nakarating na rin siya sa kanyang tirahan.

Una niyang nakita ang kanyang nanay na si Zhao Shi na nagtatahi ng damit.

"Tay, nay, ito ang isang libong pilak." Naglakad papasok ng kuwarto si Zhao Feng ay naglabas isang patong-patong na mga silver notes.

"Isang libong pilak?" Si Zhao Shi ay tumitig habang kinukuha niya ang mga silver notes.

"Paano ka nakakuha ng napakaraming pera?" Nasurpresang tanong ni Zhao Tianyang, Nang nakita niyang umabot na sa ikatlong ranggo ang cultivation ng kanyang anak, isang kakaibang kislap ang dumaan sa kanyang mga mata.

"Ganito po ang nangyari…" Nagkuwento si Zhao Feng ng isang simpleng kwento ng kung anong nangyari sa loob ng Sky Cloud Forest. Matapos makinig sa istorya, si Zhao Tianyang at Zhao Shi ay may bahid ng kawalang-paniwala bukod sa kanilang kagalakan. Dahil si Zhao Feng ay hindi nag perform ng ganito kabuti dati. Gayunpaman, bilang mga magulang, malinaw na gusto nilang magtagumpay ang mga anak nila.

Si Zhao Feng ay umupo nang naka cross-legged sa kanyang kuwarto at siniyasat ang silid-tulugan. "Mayroon pang isang buwan bago ang family sparring contest. Kung ako'y maging isang inner disciple… ang katayuan ng aking mga magulang at ang trato sa kanila ay magiging medyo mas mataas…"

Isinara niya ang kanyang mga mata, ang kamalayan ni Zhao Feng ay pumasok sa sobrang madilim na dimensyon sa loob ng kanyang kaliwang mata. Ang mahinang berdeng singsing ay lumawak hanggang tatlong talampakan.

Nang si Zhao Feng ay nasa unang ranggo, ang haba ng berdeng singsing ay isang talampakan, at ito'y dalawang talampakan nang umabot sa ikalawang ranggo ang kanyang cultivation. Ngayon, ito'y tatlong talampakan nang marating niya ang ikatlong ranggo.

Habang lumalaki ng ang berdeng singsing, nakita ni Zhao Feng na ang kapangyarihan ng kanyang kaliwang mata ay nadagdagan din. Kaya niyang makita ang bawat detalye ng lahat ng aytem sa layong labinlimang kilometro. Malaki din ang nadagdag sa enerhiya ng kanyang isipan at bilis ng kanyang reaksyon.

Muling sinubukan ni Zhao Feng na intindihan ang Lightly Floating Ferry. Hindi nagtagal ay paunti nang paunti ang hindi niya nauunawan sa Lightly Floating Ferry.

One-third ang natitira… one-quarter ang natitira… one-fifth left ang natitira…

Dumating ang gabi. Bago pa man tuluyang mapagod si Zhao Feng, ang pinakahuling bahagi ng Lightly Floating Ferry ay naunawaan na niya. Sa sandaling ito, pinigilan ni Zhao Feng ang kanyang paghinga habang tinitignan niya ang mga nilalaman nito.

"Ang footwork skill ay kaya ring…" Ang kanyang pagod ay napalitan ng lubos na kaligayahan.

avataravatar
Next chapter