13 Ikatlong Ranggo ng Martial Path

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Makalipas ang kalahating araw, si Zhao Feng ay may dalang taltlong malalaking bags nang pumasok siya sa Sun Feather City.

****************

Sa tindahan sa Sun Feather City na nagbebenta ng mga balat ng hayop.

"Black-spotted Wild Pig, ngipin, paws. Nagkakahalaga ng tatlong daan at limampu't siyam na pilak."

"Golden-spotted Snake, nagkakahalaga ng apat na daan at dalawampung pilak."

"Five Poison Centipede. Nagkakahalaga ng dalawang daan at sampung pilak."

Ang shopkeeper ay blanko ang ekspresyon habang kinakalkula ang presyo.

"Metal Beak Eagle…yi!" Ang mukha ng shopkeeper ay nagbago. Ang Metal Beak Eagle ay isang hayop na halos nakapasok na sa ranggo ng mga deadly beasts. Ang dipensa nito ay malakas at ito'y mahirap mahuli. Maging ang ilang mga cultivators ng ikaapat na ranggo ay hindi sila kayang hulihin.

Dahil dito, ang presyo ng Metal Beak Eagles ay lumampas na sa mga ibang hayop ng parehong ranggo.

"Metal Beak Eagle… tatlo nito… nagkakahalaga ng isang libo at isang daang pilak," Sinabi ng shopkeeper matapos huminto ng isang segundo.

Isang libo at isang daang pilak? Si Zhao Feng ay medyo nagulat, ang mga agila ay nagkakahalaga ng mas malaki kaysa sa kanyang inaakala. Hindi nagtagal, maliban sa Green Headed Tiger King, ang lahat ay nakalkula na.

"Ang kabuuan ay limang libo walong daan at limampung pilak. Sinabi ng Shopkeeper.

Limang libo walong daan at limampung pilak! Ang puso ni Zhao Feng ay bumilis ang pag tibok. Ang kanyang buwanang allowance ay dalawampung pilak lamang! Hindi pa siya nakakahawak ng higit sa isang daang pilak.

At saka, ang pinakamahal na materyales na mula sa Green Headed Tiger King, ay hindi pa rin naisasama.

Kung ganito, bibigyan kita ng total na limang libo at siyam na raang pilak." Ang shopkeeper ay mayroong isang tusong mukha.

"Sige." Si Zhao Feng ay ayaw maabalang magsalita kaya siya pumayag. Mabilis na tinanggap ni Zhao Feng ang kanyang pera, lahat ay mga silver notes.

"Maari bang mayroon kang mga parte ng deadly beasts?" Ang mata ng shopkeeper ay lumutang patungo sa huling bag sa kamay ni Zhao Feng.

"Yep." Unti-unting binuksan ni Zhao Feng ang kanyang bag, pinapakita ang mga parte ng Green Headed Tiger King. Isang makapangyarihang aura ang agad na lumabas galing sa bag.

"Green Headed Tiger King!" Nasambit ng shopkeeper habang siya'y hindi makapaniwalang tumingin kay Zhao Feng.

Hindi niya ma-imagine kung paano nakapatay ng isang deadly beast ang isang kakarampot na second ranker. Alam ng lahat na ang isang deadly beast ay kayang lumaban sa mga tunay na Martial Artists. Mayroon ding usap-usapan na ang mga deadly beasts ay sumisira ng buong village.

"Mayroon kaming pitong tao. Medyo natagalan kami bago ito mapatay at nawalan din kami ng isang tao." Ang mga salita ni Zhao Feng ay tila kinomfort ang gulat na shopkeeper.

Kaharap ang mga materyales, ang paningin ng shopkeeper ay tumingin sa simbolo ng Zhao sa damit ni Zhao Feng at sa wakas ay nagbigay ng presyo, "Labing-anim na libong pilak!" Habang binibigay niya ang presyo, ang mga manggagawa sa loob ng tindahan ay huminga nang malamig. Ito ang unang beses nilang makarinig ng ganito kataas na presyo.

Ang shopkeeper ay hindi naglakas ng loob na lokohin si Zhao Feng dahil siya'y galing sa Zhao sect. Ang Zhao, Xin, at Qiu families ay ang tatlong may pinakamalakas na kapangyarihan sa Sun Feather City. Walang tindahan ang maaring magbukas kung wala ang kanilang pahintulot.

"Deal!" Ngumiti si Zhao Feng. Siya ay tila kalmado ngunit siya'y tumatawa sa loob.

Hindi nagtagal, si Zhao Feng ay kinuha ang kanyang dalawampung libong pilak at umalis sa tindahan.

"Magagawa ko na ngayong bumili ng ilang mga resources para matulungan akong makapasok sa ikatlong ranggo." Si Zhao Feng ay dumiretso patungo sa tindahan ng armas na pinuntahan niya ilang araw na ang nakalipas.

----------

"Bata, nandito ka ulit?" Ilang araw ang nakalipas, si Zhao Feng ay paubos na ang pera at technically ay kalahating hiniram at kalahati siyang nagbayad para sa heavy metal bow.

Pah!

Ipinatong ni Zhao Feng ang kanyang kamay sa lamesa. "Ito ang isang daang pilak. Salamat sa tulong mo nung araw na iyon."

Isang daang pilak? Ang shopkeeper ay nasurpresa dahil hindi niya inakalang si Zhao Feng ay napakamatapat. Sinabi ni Zhao Feng na babayaran siya ng doble, pero ito'y lagpas sa sampung beses ang halaga!

Ngumiti ang shopkeeper habang kinuha niya ang pilak. Bagama't isa siyang shopkeeper, hindi siya ang may ari ng tindahan. Isang pilak ay kalahati na ng taunang sweldo niya.

Matapos niyang ibayad ang pera, si Zhao Feng ay hindi umalis subalit tumingin tingin pa sa paligid.

"Ang lakas ng aking Heavy Metal Bow ay masyadong mababa." Gusto ni Zhao Feng ng bagong pana. Ginamit niya ang kanyang kaliwang mata para inspeksyunin ang mga sandata na nasa pader. 'Di nagtagal ay huminto ang kanyang mga mata isa isang silver longbow. Ang silver longbow ay nagbibigay ng isang malamig na aura habang nagbibigay din ng isang malalim na nakaka-kalmang pakiramdam.

"Magkano para sa pana na ito?" Tanong ni Zhao Feng.

"Mayroon kang mahusay na mata! Ang pana na ito ay tinatawag na Mysterious Silver Bow at isa sa mga pinakamalakas na pana dito sa tindahan. Isang tunay na Martial Artists lamang na mataas ang kaalaman sa archery ang kayang gamitin ito sa puno nitong potensyal. Ang presyo nito ay isang libo at walumpung pilak." Hindi niya naisip na makakayang itong bilin ni Zhao Feng, subalit umasal parin siya nang magalang.

"Isang libo at walumpung pilak? Hindi naman masyadong mahal. Bibilhin ko ito," Sinabi ni Zhao Feng.

Ang Mysterious Silver Bow ay gawa sa mga mahuhusay na materyales at mas maganda nang ilang beses sa kanyang Heavy Metal Bow.

"Sigurado ka bang gusto mo ito…? Hindi ito hihiramin?"

Pah!

Pinagpatong patong ni Zhao Feng ang pilak at itinulak patungo sa shopkeeper. "Bilis, wala na akong masyadong oras."

Ano? Hindi naisip ng shopkeeper na napakayaman pala ni Zhao Feng. Ilang araw lamang ang nakalipas ay bumili siya ng pana na nagkakahalaga lamang ng labinlimang pilak.

"Sige, sige!" Ang shopkeeper ay tumango habang binababa niya ang pana at inilgay ito sa isang kahon na may magandang ukit. Bumili din si Zhao Feng ng isang daang arrows na nagkakahalaga ng tatlong pilak bawat isa.

Matapos lumabas sa tindahan ng armas, si Zhao Feng ay pumunta sa pinakamalaking tindahan ng gamot sa siyudad.

"Ang medicine pavilion ay ang pinakamalaking tindahan ng gamot ng siyudad. Ang may-ari ay napakamisteryoso at mayroon itong mga tindahan sa labintatlong mga bansa sa paligid nito. Maging ang tatlong malalaking pamilya ng Sun Feather City ay takot sa lakas nito." Sa lalong madaling panahon na nakarating siya sa tindahan ay narinig niya ang boses ng isang pamilyar na lalake.

Yi!

Natagpuan ni Zhao Feng ang isang batang lalaki at babae sa hindi kalayuan. Ang nagsasalita ay isang batang nakasuot ng purple na naglalabas ng isang nakatatakot na aura.

"Sila nga…" Bumuntong hininga si Zhao Feng.

Ang duo ay sina Zhao Yijian at Zhao Xue.

"Brother Feng," Nasurpresang sinabi ni Zhao Xue nang nakita niya si Zhao Feng.

Tinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo bilang tugon at naglakad papasok sa Medicine Pavilion.

"Hmph, siya lang? May karapatan ba siyang pumasok sa Medicine Pavillion? Kahit anong item mula sa Pavillion ay nagkakahalaga ng ilang taon ng kanyang kita," Sabi ni Zhao Yijian na puno ng paghamak habang tumitingin siya kay Zhao Feng.

Bagama't hindi nagsalita si Zhao Xue, alam niyang sa background ni Zhao Feng ay magiging napakahirap para maglabas ng ilang daang pilak. Kumpara kay Zhao Yijian, na ang ama at lolo ay parehong cultivators na mas mataas sa ikaapat na ranggo na may hawak sa mga middle-high positions ng sect. Ang kanilang yaman ay 'di maikukumpara.

Nang hindi pinapansin ang dalawa, si Zhao Feng ay naglakad papasok ng Medicine Pavillion at nagsimulang maghanap ng mga resources na tutulong sa kanyang cultivation para tumaas.

"Ang ikatlong ranggo ng Martial Path… ay kapag ang katawan ay naging mas malakas. Sa direksyong ito, ang mga blood plants ay napakabuti. Kaya nitong pagsamahin ang pundasyon ng isang tao at kaya ring tulungan ang mga cultivators na maunawaan ang inner strength…" Pinag-isipan ito ni Zhao Feng at kinumpirma ang kanyang mga pangangailangan.

Mula sa lahat ng mga halaman, ang blood plant ay ang may pinakamalaking paggamit para sa mga Martial Learners. Ang mga blood plants ay nahahati sa maraming katergorya. Ang mga nasa matanda ay may mas magandang paggamit, subalit mas mahal.

"Isang daang taong gulang na blood plant, limang daang pilak. Dalawang daang taong gulang na blood plant, Isang libo at dalawang daang pilak. Tatlong daang taong gulang na blood plant… tatlong libong pilak. Limang daang taong gulang na blood plant… sampung libong pilak." Sinuri ni ng mga mata ni Zhao Feng ang listahan ng presyo.

Malinaw naman na kung ito'y mas matanda, ay mas mas mabuti ito. Siyempre, ang limitasyon ng mga Martial Learners ay mga blood plants na limang daang taong gulang.

"Brother Yijian, kung meron akong dalawang daang taong gulang na blood plant, maaari kong maabot ang tuktok ng ikalawang ranggo sa kalahating taon," ang boses ni Zhao Xue ay narinig sa paligid.

"Hindi 'yan posilbe. Ang kaya ko lang mabili para sayo ay ang mga nasa isang daang taong gulang lamang. Sinusubukan kong matutunan ang Inner Strength at kinakailangan kong ng mga mamahaling materyales para matulungan ako," sinabi ni Zhao Yijian. Bama't mayaman siya, hindi niya kayang gastusin ang kanyang pera ng padalo-dalos.

"Ayos narin ang isang daang taong gulang," Ngumiti nang bahagya si Zhao Xue.

Sa sandaling ito, isang boses ang nagsalita ng walang emosyon,"Shopkeeper, bigyan mo ako ng dalawang piraso ng dalawang daang taong gulang na blood plant, at isang piraso ng tatlong daang taong gulang na blood plants." Ang boses na ito ay napukaw ang atensyon ng maraming tao.

Siya nga! Nakita ni Zhao Xue si Zhao Feng na hindi nalalayo at ang kanyang puso ay pumintig.

"Isang three hundred year old blood plant? Nagyayabang lang siguro yan." Si Zhao Yijian ay malamig na tumawa. Hindi siya naniniwala na ang isang normal na disciple ay kayang bumili ng isang three hundred year old blood plant.

"Dalawang piraso dalawang daang taong gulang na blood plant at isang pirasong ng tatlong daang taong gulang na blood plant. Ang kabuuan ay limang libo at apat na daang pilak," ang shopkeeper ay binigat ang kanyang presyo.

Sa harap ng kanilang mga mata, nilabas ni Zhao Feng ang kanyang pilak at matagumpay na pinalit ito sa shopkeeper. Ang tagpong ito ay pinatigas ang ngiti ni Zhao Yijian.

"Paano… paano ito naging posible?" Si Zhao Xue ay may isang 'di makapaniwala at tulirong itsura.

"Shopkeeper, pwede ring pa makakuha ng tatlong bote ng high level healing pills, at saka tatlong bote ng high level blood pills?" Bumili si Zhao Feng ng ilan pang mga gamot na lahat ay mataas ang antas, at gumastos pa ng isang libong pilak.

Matapos ang pagpapalitan, kumaway si Zhao Feng kay Zhao Xue at umalis sa isang astig na paraan. Habang tumutugon, si Zhao Xue ay may pilit na ngumiti at hindi tinignan si Zhao Feng sa mata.

Matapos siyang umalis sa Medicine Pavillion, hindi bumalik si Zhao Feng sa Zhao sect. Sa halip ay nagpunta sa isang bahay-tuluyan. Una niyang kinalkula ang natitira niyang mga pilak, ang total ay labindalawang libong pilak.

"Iiwan ko muna ang pilak na ito para magamit sa susunod." Naiintidihan ni Zhao Feng ang isang cultivator ay nangangailangan ng isang malaking halaga ng resources..

Nung gabing iyon, isinara niya ang kanyang mata at unti-unting ginamit ang Air Pushing Breathing Technique.

Sa loob ng kanyang kaliwang mata, ang mahinang berdeng liwanag ay lumaki mula sa animnapung sentimetro hanggang pitumpu't limang sentimetro. Nakumpirma ni Zhao Feng na narating na niya ang tuktok ng ikalawang ranggo at kailangan nalang ng kalahating hakbang para maabot ang ikatlong ranggo.

"Gaano kaya kalakas ang gamot na ito." Si Zhao Feng ay puno ng ekspektasyon habang kinakain niya ang isang blood plant na dalawang daang taong gulang ang tanda. Hindi nagtagal, nakaramdam si Zhao Feng ng isang napakalaking magulong lakas na lumitaw sa kanyang katawan.

"Isang napakalakas na halamang gamot!" Si Zhao Feng ay lubusang ginamit ang Air Pushing Breathing Technique at hinigop ang gamot. Dahil hindi pa nakakagamit ng precious herbs si Zhao Feng noon, naisip niya na ito'y napakalakas.

******************************

Kinaumagahan…

"Maaari bang…" Ramdam ni Zhao Feng na siya ay umaapaw sa enerhiya. Lahat ng kanyang mga kalamnan at mga buto ay puno ng lakas.

Peh!

Kaswal niyang iniwagayway ang kanyang kamao at sumuntok nang may pitong daang kilogramo! Nakapasok patungo sa ikatlong ranggo nang mas madali kaysa sa inaakala ni Zhao Feng…

avataravatar
Next chapter