15 Air Crossing Breathing Technique

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Lightly Floating Ferry, huling pahina: Kapag kasama ang Air Pushing Breathing Technique ay magagawa ng isang tao na gamitin ito sa buo nitong potensyal. Hindi ito malalagpasan ng sinumang nasa ilalim ng ikapitong ranggo at ito ang pinakamataas na speed skill para sa lahat ng nasa ilalim ng ika-siyam na ranggo. Ang nasa baba ay ang nilalaman ng Air Pushing Crossing Breathing Technique, at ang pinakamababang mga kinakailangan ay ang pagiging nasa pinakatuktok ng ikatlong ranggo ng Martial Path at pagtataglay ng Inner Strength.

Nang ang huling ikasampung bahagi ng skill ay na-decipher, pinakawalan ni Zhao Feng ang kanyang pagkatuwa. Hindi niya inaakala na ang isang skill katulad ng Lightly Floating Ferry ay magkakaroon ng complementary skill. Ito ay pinapalakas ang Lightly Floating Ferry papunta sa isang mas mataas na antas.

Nakumpirma na ngayon ni Zhao Feng na ang Lightly Floating Ferry ay kahit papano'y isang peak rank martial skill. Karamihan sa mga tao ay alam na ang martial arts ay nahahati sa Corem, Low, Middle, High, at Peak. Gayunpaman, hindi ito nangunguhulugan na ang peak rank martial arts ay ang nasa pinakataas. Mayroong mga usap-usapan sa mga Holy Martial Arts Skills, mga skills na lagpas sa peak ranked martial arts skill.

Gayundin, mayroong Holy Martial Path sa taas ng siyam na ranggo ng Martial Path.

Narinig ni Zhao Feng na upang makapasok sa Holy Martial Path, kinakailangan ng isang tao na matuto ng isang Holy Marial Skill.

Malinaw naman, sa katayuan ni Zhao Feng, ay hindi man lamang niya kayang pag-isipan ang tungkol dito. Maski ang mga True Martial Artists ng Sun Feather City ay hindi kayang maabot ang antas ng Holy Martial Path.

...

Kinagabihan…

Naintindihan na rin ni Zhao Feng ang mga nilalaman nito at ang kabuuan ng Lightly Floating Ferry ay nailadlad.

"Kung ako'y makakakuha ng isang karunungan ng chi ngayon, kahit na sinumang kalaban sa ilalim ng ika-apat na ranggo ay hindi na uubra sa akin." Agad na sinimulang aralin ni Zhao Feng ang mga nilalaman ng Lightly Floating Ferry. Matapos makapasok ang Lightly Floating Ferry sa beginning stages, agad na gumamit si Zhao Feng ng chi.

Matapos ang kalahating oras, naintindihan palang ni Zhao Feng ang ilang parte ng Lightly Floating Ferry. Gayunpaman, upang subukang intindihin ang chi sa pamamagitan ng Lightly Floating Ferry nang mag-isa ay medyo mahirap.

Ang Sun Feather City ay mayroong libo-libong mga cultivators na naabot ang pinaka tuktok ng ikatlong ranggo, pero karamihan sa kanila ay hindi kailanman maiintidihan ang Inner Strength at maabot ang ika-apat na ranggo. Pati na ang ilang talentadong kabataan ng sect, katulad nila Zhao Yijian at Zhao Yufei ay matagal na ring hindi makaalis at hindi pa nagtatagumpay.

Tinapos ni Zhao Feng ang gabing iyon ng may kabiguan.

"Huwag kayong magmadali! Kapapasok ko palang sa realm ng ikatlong ranggo at kung kaya kong sanayin ang Air Pushing Breathing Technique hanggang sa pinakatuktok ng ikatlong ranggo ay naniniwala akong madaragdagan ang aking mga pagkakataon na magtagumpay.

Sa ikalawang araw, muling nagsanay si Zhao Feng sa Air Pushing Breathing Technique, pati na sa Angry Dragon Fists. Sa ikatlong araw, ang Air Pushing Breathing Technique ay unti-unting gumagalaw papunta sa tuktok ng ikatlong ranggo. Naramdan ni Zhao Feng na naabot na niya ngayon ang limitasyon ng kanyang lakas ng katawan, sa tuwing inuulit niya ang Technique ay pakiramdam niyang naabot na niya ang tugatog ng kanyang lakas.

Sinubukan niyang muling paliitin ang chi, subalit nagresulta muli sa kabiguan. Sa tuwing siya'y nabibigo, ang kanyang lakas ay babagsak dahil sa sobrang pagod.

Bagama't naintindihan ni Zhao Feng ang Air Pushing Breathing Technique at upang matagumpay na bumuo ng chi ay isang magkaibang bagay. Gayunpaman, si Zhao Feng ay hindi sumuko at kada subok niya ay mayroong mga maliit na improvements.

Sa parehong araw, si Zhao Feng ay nakatanggap ng isang written notice.

Bukas ng tanghali, mayroong isang makapangyarihang martial artist ang magbibigay ng lektyur sa martial arts field.

Every outer disciple received this news.

Lahat ng mga outer disciple ay natanggap ang balita.

"Isang open lecture sa martial arts field?" Siguro'y dahil isang buwan nalang ang layo ng family sparring contest, subalit ang mga outer sect disciples ay dinadagdagan na rin ang kanilang effort.

Si Zhao Feng ay hindi na rin makapag hintay sa lecture na ito. Kalahating taon palang ang itinatagal niya sa Zhao sect at ito ang unang beses niyang magkaroon ng ganitong tsansa.

********************

Kinaumagahan ng sumunod na araw…

Bagama't hindi pa tanghali, mayroon ng madaming Zhao sect disciples dito. Nakakita rin si Zhao Feng ng maraming mga malalakas na outer sect disicples na hindi kadalang nakikita.

"Tignan niyo… yun ang dalawa sa top three outer disciples, Zhao Yufei at Zhao Yijian! Maging si Zhao Guang na ikalima ang ranggo ay nandito!"

Ang pinaka pokus ng mga taong ito'y ang mga nasa tuktok ng mga outer sect disciples.

Sa Zhao sect ay mayroong mahigit sa isang libong kabataan na mula sa edad na labintatlo hanggang labing-walo. Lagpas sa kalahati nila ay mayroong cultivation na nasa ikalawang ranggo. Malinaw naman, nang unang dumating si Zhao Feng ay siya talaga ang pinaka ilalim.

Sa field, ang mga pukaw ng atensiyn ay ang mga taong nasa top ten. Ang pinaka pinagtutuunan ng tao ay si Zhao Yufei na labinlimang taong gulang. Ang kanyang kagandahan ay nagliliwanag sa gitna ng mga tao. Hindi lamang siya maganda, mayroon din siyang kahanga-hangang talento at siya rin ay pangatlo ang ranggo, kapantay ni Zhao Yijian.

"Tignan niyo! Yun si Zhao Yue ang pinaka unang ranggo!" May isang ugong nang si Zhao Yue ay nagpakita.

Hindi na kinailangan ni Zhao Feng na hanapin siya bilang ang mga tao ay mag isang nahati upang magbigay ng daan. Sa gitna ng daan ay nanggaling ang isang binata, labing anim o labimpitong taong gulang. Nakasuot siya ng mga damit na kulay azure at mayroong simpleng mukha.

"Siya si Zhao Yue?" Ito ang unang beses na nakita ni Zhao Feng si Zhao Yue, naririnig lamang niya ang mga usap-usapan tungkol sa kanya dati.

Si Zhao Yue ay mas matanda sa karamihan ng mga disiciples, sa edad na labimpitong taong gulang. Ito'y dahil kapag ang isang tao ay naging labing-walong taong gulang, maikukunsidera na nasa sapat na gulang na sila at hindi na maibibilang sa mga nakababatang henerasyon. Madalas na nag-cucultivate si Zhai Yue sa kanyang kwarto nang walang katapusan, kaya't hindi siya karaniwang nakikita ng ibang tao.

Sa sandaling ito, ang mga mata ni Zhao Feng ay naka-lock kay Zhao Yue, at siya'y nakaramdam ng puwersang nanggagaling sa kanya. Bagama't ang kanilang ranggo ay parehas lang, nararamdaman ni Zhao Feng ang presyur na inilalabas ni Zhao Yue.

Naramdaman din ni Zhao Feng ang napakalaking lakas na nagtatago sa loob ng mga muscle ni Zhao Yue. Dahil mas matanda si Zhao Yue, nangunguhulugan na nakapag cultivate siya ng mas mahaba at mayroong pinakamagandag pundasyon. Kung lakas ang pag-uusapan, siya talaga ang nangunguna.

Hindi na nakapagtatakang siya ay karapat-dapat sa titulo ng pinakamalakas na outer disciple!

Hindi makahanap si Zhao Feng ng kahit na anupamang kapintasan sa kanya. Nang dumating si Zhao Yue, si Zhao Yihian, na pangatlo ang ranggo, at si Zhao Guang, na panglima ang ranggo, ay ipinakita ang kanilang fighting intent. Halos walang pinagkaiba ang mga lakas sa pagitan ng mga top five outer disciples.

Mayroon pang ilang sandali bago magsimula ang lektyur. 'Di nagtagal, mayroong muling isang sigaw.

"Andito na si Zhao Gan!"

"Zhao Gan? Ang panglima sa top five?" Ang mga titig ng karamihan sa mga disciples ay bumaling papunta sa isang direksyon. Ang taong paparating ay isang binatang may maikling buhok na ang katawan ay kasing payat ng isang leopard.

Zhao Gan?

Naramdaman ni Zhao Feng na ang pangalan nayon ay pamilyar. 'Di nagtagal, naalala niyang ang taong ito ay ang kuya ni Zhao Kun. At sa likod nga ni Zhao Gan ay dumating ang isang pamilyar na hugis, si Zhao Kun!

Nakita rin ni Zhao Kun si Zhao Feng. Nakita ni Zhao Feng na lumapit siya sa kanyang kapatid at kung anong sinabi.

Eh?

Umikot si Zhao Gan at ang kanyang malamig na mga mata ay huminto kay Zhao Feng.

"Ikaw pala ang Zhao Feng na iyon?" Sabi ni Zhao Gan nang lumapit siya habang walang ekspresyon.

Hua!

Mayroong pagkabigla na dumaan sa mga tao.

"Anong nangyayari? Bakit maghahanap si Zhao Gan ng isang gulo sa isang taong hindi kilala?

"Hindi kilala?" May isang tao na inilang ang kanyang ulo at kumutya, "Si Zhao Feng ay hindi isang bata na hindi kilala. Ilang araw lang ang nakalipas ay aksidente siyang nakapatay ng isang Green Headed Tiger King!"

"Oh, siya yun!"

"Narinig ko na ginulpi niya ang nakababatang kapatid ni Zhao Gan. Ipupusta ko na dumating si Zhao Gan para maghiganti."

Matapos ang maikling diskusyon, ang mga tao ay kumalma nadin. Karamihan sa mga disciples ay mayroong mga mapaglarong itsura sa kanilang mga mukha, dahil si Zhao Gan ay tabla para sa panglimang puwesto sa mga outer sect disciples.

Sa sandaling ito, pati na si Zhao Yue, na nangunguna, si Zhao Yihian at Zhao Yufei, na parehong tabla sa ikatlong puwesto ay tumingin.

Si Zhao Yijian ay may nalulugod na ekspresyon sa kanyang mukha. Kabisado niya ang lakas ni Zhao Gan. Si Zhao Xue, na nasa tabi ni Zhao Yijian ay nagbuntong hininga, pero matapos maalala kung paano umarte si Zhao Feng sa loob ng Medicine Pavillion, ang kanyang malambot na ekspresyon ay napalitan ng pagkalamig.

Sa kabilang banda, si Zhao Yufei ay may naiinteresang mukha. Ang performance ni Zhao Feng sa archery field ay ginulat siya. Ang resulta, si Zhao Feng ay isa na ngayon mga pinagtutuunan ng atensiyon sa field.

"Bata, mapapahiya ka ngayong araw sa harap ng mga tao." Ang mga labi ni Zhao Kun ay naging isang ngiti. Si Zhao Gan ay naglakad habang kada hakbang at bawat hakbang niya ay nagdulot sa kapaligiran para hindi mapalagay.

"Oo, ako nga si Zhao Feng." Nagpakita si Zhao Feng ng isang mahinang ngiti habang tinatantya niya si Zhao Gan.

avataravatar
Next chapter