13 The Intruder

Habang napadaan kami sa gitna ng banquet hall ay maraming bisita na sumalubong kay Gloven para i-congratulate siya. I assumed that Gloven is a businessman. The visitors gathered to congratulate his success as young entrepreneur.

"I think I underestimated an idiot." I murmured to myself but it seems Gloven has an abnormal hearing because he frowned the moment I said those words.

The banquet hall seems peaceful and lively but they didn't know that there's a ruckus happening inside the kitchen. When we entered the kitchen, we suddenly jolted when we heard a loud noise coming from the broken glass.

"Geez. Hoy Litmus! Patahimikin mo na kaagad 'yan bago pa maubus ang kagamitan sa cruise ship ko!" sigaw ni Gloven. Di man lang lumingon si Litmus sa amin. He just silently observes the cautious action of the opponent.

"He's playing around again." Wika ni Gloven at napakamot sa sariling ulo.

Napansin kong apat lang kami dito sa loob ng kitchen.

"Saan ang mga chef?" mahina kong tanong kay Gloven.

"I transferred them to the other kitchen. Di lang nag-iisa ang kitchen dito kaya 'wag kang mag-aala. No one will know that we have our own little party here. Let's just enjoy this." Pasimpleng wika ni Gloven habang nakangisi.

Napatingin na lamang ako sa dalawang lalaking nagtatagisan ng tingin sa isa't-isa. Si Litmus ay walang hawak na sandata pero ang kalaban niya namang lalaki ay may hawak na patalim.

"Where's the girl?" Matigas na wika ng intruder. He's quite young and slim. Mukhang nasa high school pa ang lalaki ngunit pakiramdam ko na di siya basta-bastang kalaban. So far, sa lahat ng napatumba ko na killer ay ang lalaking kaharap pa lang ni Litmus ang may mahaharap na mukha. Maputi at matangos ang ilong niya, kahit nasa malayo ay klarong-klaro ang mahaba nitong pilik-mata.

"The girl?" kalmadong wika ni Litmus. Naghihintay naman ng sagot ang intruder nang biglang bumukas ang pintuan malapit sa kinatatayuan ni Litmus. Isang waiter na babae ang pumasok ng kusina at sinalubong ang dalawang lalaki ng may gulat sa mukha.

"Anong nangyayari?" kinakabahang wika ng waitress habang di maalis ang tingin niya sa patalim na hawak ng intruder. I noticed that the lips of Litmus twitched slightly when he saw the girl.

Di nag-atubiling hinablot ni Litmus ang braso ng babaeng waiter at mabilis niya itong hinalikan sa labi. Nagulat naman ang intruder sa ginawa ni Litmus, pati na rin sa Gloven sa tabi ko. Ako lang ata ang di nagulat. Alam ko na ang plano ni Litmus sa simula pa lang, the moment na dumating ang waitress dito sa loob ng kitchen.

He wanted that girl to be the bait.

Nakabungisngis namang napatingin sa akin si Gloven. "Ehem. Wag kang magselos, Litmus wants to protect you that is why he used that waitress as a shield."

Anong pakealam ko? Binatukan ko na lang si Gloven para tumahimik.

As I expected, Litmus is really heartless. Nagawa niya pang idamay ang isang inosenteng waitress sa kanyang laro.

"Bakit ako ang target instead of Litmus?" tanong ko kay Gloven.

Tahimik kaming nanunuod sa sulok at hinihintay na matapos ang drama ng dalawang criminal.

"To tell you the truth, lahat ng mga babae na nagtangkang mapalapit kay Litmus ay pinatay. May lead na kami sa taong nag-utos ngunit sa kasamaang palad ay di namin magawang kalabanin ang taong 'yon."

Medyo na-curious ako sa taong tinutukoy ni Gloven. Sino kaya ang taong di magawang kalabanin ni Litmus? Is it someone powerful than Litmus?

"Do you really think na mau-uto mo ako ng gano'n kadali?" kalmado ngunit nagbabadyang wika ng intruder.

"Do you really think I'm that cheap to kiss some stranger?" nakangising wika ni Litmus. Halatang pinaglalaruan niya lang ang intruder.

Oh! He's quite good at playing but so do I.

I took a deep breath bago ako tumakbo papalapit sa kinatatayuan nina Litmus.

"How dare you cheat on me?" Sigaw ko bigla kay Litmus pero di ko hinayaang makalapit sa kanya instead dumikit ako sa lalaking intruder.

Nataranta naman si Gloven sa biglaan kong panghihimasok sa eksena. Litmus just glared daggers at me. Hindi rin nakaligtas si Gloven sa galit na tingin ni Litmus.

Haha. Let's see who will win to his little mind game.

avataravatar
Next chapter