16 The Hostage & the Hostage Taker

"Naku, are you doubting my good will? Ayokong mamatay sa kamay nila dahil sa katangahan mo. Tsaka gusto ko pang makilala ang boss mo. If we don't cooperate then let's consider that you failed as an errand boy."

"I'm not an errand boy. I'm a hitman!"

"Whatever, you look an errand boy to me so just deal with it."

Habang busy kami sa pagbabangayan ay di namin napansin ang paglapit ng itim na sasakyan sa amin.

Naglabas sila ng baril at tinutukan ang aming sasakyan.

Steven immediately speed up.

"Hey, lend me a gun." Sabi ko kay Steven.

"Pwede ba, mamaya na tayo maglokohan! I'm sure you don't know how to touch a real gun."

I sigh. I don't have any choice but to do this.

Mabilis kong tinanggal ang pagkakatali sa akin. Nagulat naman ang lalaking katabi ko ngunit di ko na siya hinayaan pang makapagsalita. I immediately put him to sleep.

Nahuli naman ako ni Steven kaya mabilis niyang hinablot ang kanyang baril at tinutukan ako.

Di rin ako nagpatalo at mabilis kong dinampot ang baril na hawak ng lalaking katabi ko at tinutukan ko rin siya ng baril.

We are glaring at each other, walang balak na magpatalo.

"Put that gun down!" Galit na utos ni Steven.

"Calm down Steven. I don't have any intention to harm the driver. I'm not that stupid to dig my own grave."

"Matalino ka naman pala, eh. So again, put that gun down."

"Didn't I say that I am not stupid to dig my own grave?"

"What do you mean?"

"I will help you to get rid this nuisance in order for me to escape safely."

Napatawa naman si Steven habang nakatuon na ang atensyon niya sa kalsada. Ibinaba niya ang kaniyang baril at nagsalita, "Seriously? Are you asking me for your safety? Nabagok ba 'yang ulo mo at nalimutan mong hostage ka lang at nabibilang na lang ang oras mo dito sa mundo?"

I rolled my eyes, "I already know that, ayaw ko lang talaga na mas mapapaaga ang kamatayan ko."

"What a crazy woman. Kakaiba ka rin mag-isip."

"Whatever."

Nagsimula nang magpaputok ang mga kalaban, buti na lang at bullet proof ang sasakyan namin. Si Steven naman ay sinusubukang harangan ang daanan ng kalaban. Nasa likuran lang namin ang itim na sasakyan.

"Marunong ka bang magmaneho?" Tanong ni Steven.

"Sinong tinatanong mo? Tuta? Of course I do!"

"Switch places. Ikaw magmaneho."

"Ayoko nga! Trust my marksmanship."

"Sino bang masusunod dito? Ang hostage o ang hostage taker?" Inis na tanong ni Steven.

"Geez. Syempre ang hostage! Di ka pa ba masaya niyan? The hostage is helping the hostage taker? Dami pang arte."

"Fine! You'll be dead if you miss a single shot."

"I got it! Stop nagging my lovely mother." Wika ko at hinanda na ang baril.

"I'm not your mother!"

Mabilis kong inilabas ang ulo ko at pinaputukan ang itim na sasakyan. Na-alarma naman ang kalaban kaya sinadya nilang banggain ang likuran ng sinasakyan namin.

Napatingin naman ng masama si Steven sa akin, "Didn't I said that you must not miss a single shot? Damn! And all you did is to provoke them!"

"Tanga ka ba? Di ko sinayang ang bala mo! Natamaan kaya ang sasakyan nila!"

"WTF! Tao ang targetin mo, hindi 'yong sasakyan!"

"FYI, bullet proof ang sasakyan nila."

"Eh di ang gulong ang barilin mo!"

"'Yon nga ang ginawa ko tanga."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

"Bakit nagtanong ka ba?"

Nagsukatan kami ng tingin ni Steven sa isa't-isa. Kahit kailan, di ko talaga magugustuhan ang lalaking kaharap ko.

Napalaki bigla ang mata ko habang nakatingin sa kalsada, we are heading to a cliff.

"Bastard! Look out!" Taranta kong sigaw.

Nagulat naman si Steven at mabilis na tinapakan ang preno ng sasakyan. Malapit ng kumawala ang kaluluwa namin ni Steven sa nangyari. Buti na lang at kalahati lamang ng sasakyan ang lumagpas sa bangin.

"Don't move or else, we'll be dead." Medyo kinakabahang tugon ni Steven.

"Are you even driving? I swear, I'll kill you after I got out from this damn car." Galit kong sigaw kay Steven.

"Wait! The heck! Let's get out from here quickly!" Gulat na sigaw ni Steven habang nakatingin sa likuran ko.

I curiously looked at my back and saw the black car crazily running towards us.

WTF!

We need to get out from the car!

Huli na ang lahat nang bigla na lamang may sumalpok sa likuran ng sasakyan namin. Naubusan kami ng oras sa pagtakas dahil busy kami ni Steven sa pagtanggal ng seat belt.

In the end, the two cars fell unto the cold ocean. No one knows what will happened next.

avataravatar
Next chapter