9 Let's Enjoy This Intimacy

I just wear simple black jeans and fitted black shirt. Nagsuot na rin ako ng jacket kung saan pwede kong itago ang mga sandata ko. Binuksan ko ang maliit na drawer sa loob ng closet ko. Kinuha ko ang isang pistol at anim na bala. Kinuha ko na rin ang dalawang balisong at ibinulsa iyon sa loob ng itim kong jacket. Binuksan ko ang isa pang drawer sa sa bandang ibabaw ng closet at kinuha roon ang pares ng sapatos. Ginagamit ko lang ang sapatos na 'to pag nasa mission ako, may nakatago kasing blade sa ilalim ng sapatos. This is very useful to slit the flesh of villains.

Hinanda ko na ang sarili at agad na lumabas ng room ko. Tumungo ako sa Room 031, kung hindi ako nagkakamali, dito ko lang makikita si Litmus. I was about to knock but to my surprise, the door suddenly open. Mukhang alam niyang pupunta kaagad ako rito. Napangiti naman ako nang malaman na ang kalaban ko ngayon ay matalino.

Pumasok ako sa loob, pinagmasdan ko ang paligid and it looks normal, medyo madilim dito sa loob dahil nakapatay yung ilaw. Napaatras naman ako ng mapansin ko ang isang anino sa tabi. Lumitaw naman ang taong 'yun at sumilay ang pekeng ngiti nito.

"He's inside in this room." Malamig na wika ni Echizen. Itinuro niya ang nakasaradong pintuan. Nagtungo kaagad ako sa pinto at ipinihit ang doorknob. Pagkapasok ko ay isang nakahandusay na katawan agad ang bumungad sa harap ko. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad papasok ng silid. Maraming mga kalat sa paligid. Napahinto na lamang ako ng makita ko ang pigura ng isang lalaki.

Kita mo nga naman, kanina pa pala naghihintay ang killer na ilang araw na akong binubulabog. Litmus was sitting at his favorite sofa that stained with blood. Nasa paanan niya ang pugot na ulo ng isa sa mga hostage niya.

Itinutok ko kaagad sa kanya ang baril ko. He just smirked at me like he's testing my courage.

"Are you Litmus?" walang paligoy-ligoy kong tanong sa lalaki. Siya yung lalaking lumapit sa akin sa coffee shop na nagbigay ng cappuccino sa akin.

"Ako nga, bakit ngayon ka lang? I'm damn tired waiting for you. If I have the chance I could drag you here by myself" he said without emotion in his eyes.

"What do you want from me?" I asked without emotion. Nakatutok parin sa kanya ang baril ko.

Napatayo naman siya at biglang ngumisi. Hinablot niya bigla ang pugot na ulo at hinarap sa akin. "Let's have a deal"

I just looked at him with hostile stare "What is it?"

"I will release the hostages if..." wika niya nang pabitin kaya pinangunutan ko siya ng noo.

"Tell me. Damn it!" I shouted.

He smirked again and excitedly said "Let's have a date"

"I refuse." Plain kong sabi sa kanya. Anong tingin niya sa akin, tanga? I don't know what his motive but he's wasting my time here. Ang ayoko sa lahat ay maraming pang paligoy-ligoy. Di ako pumarito para makipaglaro.

"Don't misunderstand. It's a cheap request in exchange of lives" He suddenly gives me a cold glare. I think he's serious this time.

Napataas na lamang ako ng kilay sa sinabi niya. "So you're getting serious. Tell me, what is your motive? Sa dami ng tao sa mundo bakit sa akin ka pa nakipagdeal?"

Napangisi naman siya bigla sa tanong ko. "My motive?" Tumingala naman siya sa kisame na parang naghahanap ng sagot doon. Bigla naman niya inilipat ang tingin niya sa akin.

"I want you to be my girlfriend." He bluntly said.

"I don't have time to hear your jokes." Inis kong wika. Nangiinis ba siya? Sino pa bang baliw ang magawang kagatin ang mga lumang jokes niya? Isa pa, we're in the middle of negotiation. Buhay ang nakataya dito hindi hayop.

"I'm serious." Wika nito at agad na kinuha ang isang remote na nakapatong sa side table. Agad niyang pinindot ang remote and he turned on the flat screen TV. Nagulat ako sa nakita ko sa screen.

"I will do anything to make you my girlfriend." Malamig nitong wika sa akin. Galit ko naman siyang tinitigan.

"I'll kill you if you do something to him." Pananakot ko sa kanya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa baril na hawak ko.

"His name is Frate Santiago, isa sa mga pinagkakatiwalaang bounty hunter ng Avilio Agency." Nakangising wika ni Litmus habang nakatingin sa screen. "Di ka lang ba nagtataka kung bakit hinayaan ko siyang mabuhay?" he added and turned his gaze towards me.

"I could use him to tame you, Ms. Yona Kisaragi." He showed me his devilish smile. Nanginginig naman ako sa galit habang pinapanuod ang nasa flat screen TV. Ang video ay nakatutok sa New Building ng School kung saan nangyari ang patayan kanina. Nakikita ko si Frate doon, busy sa pag-iimbestiga sa crime scene habang sa di kalayuan ay makikita ang isang sniper na katutok sa kinaroroonan ni Frate.

I dropped my gun, "Don't do anything to him because I'll do whatever you want." Kalmado kong wika pero halatang nagpipigil lang. Ayokong pairalin ang pride ko dahil nakataya dito ang buhay ni Frate. Di ko kakayanin pag sinaktan niya si Frate. He's my only friend and guardian. I can't lose him now.

Sumilay naman ang malademonyong ngiti ni Litmus nang sumangayon ako sa kanya. Pinatay niya bigla ang TV at kaagad siyang may tinawagan sa kanyang telepono.

Di nagtagal ay ibinaba niya na ang telepono at tinitigan ako "Deal is a deal Yona, Your friend is now safe and you're mine now."

I bit my lip to hide my irritation. Di ko ini-expect na ganito ang kakahantungan ko. Naging girlfriend ako ng isang killer. Lahat nang nangyari this past few days ay planado. Simula no'ng sa coffee shop hanggang sa mutual killing na naganap kanina. He lured me here, nagawa niya rin malaman ang kahinaan ko.

"Come here Yona," malambing ngunit malamig na wika ni Litmus. Pinapaupo niya ako sa tabi niya. Wala na akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Naglakad ako palapit sa lalaki.

Nang makalapit na ako sa kanya ay bigla niya na lamang hinila ang braso ko. Laking gulat ko nang bigla niya akong ihiga sa sofa at pumatong sa akin.

"Why me?" tanong ko agad sa kanya, nakaramdam ako ng kaba dahil magkalapit ang mukha namin.

He glared at me like he's admiring me; he caressed my cheek and said "Because it has to be you."

Then his hoarse voice keeps ringing inside of me then suddenly he looked at my lips. I was about to turn my head but he suddenly place his both hands beside my head to stop me from turning.

"Let's enjoy this intimacy." He whispered and immediately savored my lips.

avataravatar
Next chapter