7 Classroom of Truth

Napahawak naman si Jaime sa kanyang ulo na parang di alam ang isasagot. Mahal na mahal niya ang kanyang ate at di niya gustong ibunyag ang totoo.

"I-I didn't" mahinang wika niya.

"Louder please" bored namang utos ni Echizen.

"I DIDN'T KILL HIM!" sabay ng pagsigaw niya ang pagkabagsak ng isang katawan mula sa itaas na ikinagulat naming lahat. So ibigsabihin lang nun na nagsinungaling si Jaime. Napansin ko ang pagtalsikan ng dugo mula sa labas. I just looked calmly at the body that's now facing the floor.

Nasuka naman ang iba sa nasaksihan ang iba naman ay napaupo at tinakpan ang tainga na parang nagmamakaawang itigil ang lahat ng 'to. Napatingin naman si Jaime sa kinaroroonan ko. Nasa bandang binatana ako nakatayo at tinitigan siya ng walang emosyon.

"D-di ako nagsisinungaling!" sigaw niya ngunit walang nagtangkang lapitan siya. Her friends seems disappointed and afraid to her. Ibigsabihin na pinatay nga niya ang boyfriend ng sarili nitong ate.

"Look at the outside and see what you have done" malamig na wika ng babaeng nagngangalang Ailee. Siya yung childhood friend ni Aron.

Nilakasan naman ni Jamie ang loob para tumayo at lumapit sa bintana. Tumabi siya sakin habang nakahawak ng mahigpit sa bintanang gawa sa bakal. Napapikit na lamang ako ng bigla itong sumigaw ng malakas at sinabunutan ang sarili nitong buhok. Sa tingin ko ay malapit ng mabaliw ang babae sa natuklasan.

"A-ANONG GINAWA NIYO?! BAKIT SI ATE ANG TINULAK NIYO? SINABI NIYONG SI CLARK ANG ITUTULAK NIYO PAG NAGSINUNGALING AKO HINDI BA?!" Sigaw ni Jaime. Napataas kilay naman ako sa narinig. That's really something. So ibigsabihin ay sa una pa lang ay wala talaga siyang pakealam sa boyfriend niya? What a scum.

Nagsalita ulit ang nasa speaker. "Ooops. Nagkamali pala kami ng hostage na naitulak. Imbes na si Clark Recuperto ay si Devie Escolano ang naitulak ng ugok naming kasama. Minalas si Ms. Devie. Ang tanga kasi ni Jerome"

"Anong sabi mo! Di ako tanga ulol! Ikaw nag utus sa amin sa text kaya wag mong isisi sakin!" Sabat naman ng Jerome sa kabilang linya.

"ah. Wrong sent siguro. Dapat ang boyfriend yung tinulak niyo" pasimpleng wika ni Echizen.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sitwasyong 'to. Pinilit kong ikinubli ang emosyon sa loob ko at pinilit na lang na magbingi-bingihan at magbulag-bulagan. Dito ako magaling sa pagtatago ng emosyon. I looked at the other side and just lean calmly. This world is really sucked!

"We're not finish yet! Jaime! There's still a chance!" masiglang wika ni Echizen ngunit halatang pinipilit ang boses.

"You will have the chance to spare the life of your boyfriend and yours, if you are going to kill Mr. Uy" habang sinasabi iyun ni Echizen ay naiimagine ko naman itong nakangisi ng malapad.

Hindi na makagalaw pa si Jaime sa kanyang kinatatayuan dahil sa pagkagulantang.

"Bakit mo nagawang patayin ang kasintahan ng sarili mong ate?" tanong ni Cliff na hanggang ngayon ay di parin makapaniwala sa nangyayari.

"I-I HAVE NO CHOICE! THAT BASTARD RAPED ME!" she shouted with rage "Nababagay lang iyun sa kanya! Ni minsan ay di ko pinagsisihan ang ginawa ko. He deserved it! Kulang pa yung pagsira at pagsaksak ko sa kanyang mukha!" Jaime shouted again while still facing to the window and looking at the dead body of her sister.

"But you must have forgotten" wika ng isang babae sa kanyang likuran. Nakaponytail ito at medyo pandak. Unti-unti namang napalingon si Jaime sa babae na nagtataka.

"The man you killed is my only older brother"

"What?" mahinang tanong ni Jaime na di makapaniwala.

"Then you must deserve this also" matigas na wika ng babae at agad na inilabas ang nakatagong patalim sa kanyang bulsa. Tatakbo na sana si Jaime ngunit huli na ito ng mahuli ng babae ang buhok niya at di na niya sinayang pa ang pagkakataon at mabilis niya itong sinaksak sa tagiliran. Napasigaw naman si Jaime sa sakit at di mapigilang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi.

"A-ang s-sakit..." mahinang daing ni Jaime ngunit di pa nakuntento ang babae at mabilis niyang hinablot ang patalim at malakas niyang sinaksak ang patalim malapit sa kanyang dibdib. Nasuka naman ng dugo si Jaime at tumalsik iyon sa sahig.

"Feel better?" tanong ko sa babaeng nagsaksak sa kawawang si Jaime na ngayo'y bumagsak na sa sarili nitong dugo sa sahig.

"Of course!" Nakangising wika nito habang nakatingin pa sa hawak niyang patalim na puno ng dugo.

"W-WHAT HAVE YOU DONE KRYSTAL!" sigaw ni Cliff at mabilis na inagaw ang patalim mula sa babae. Ang iba naman ay lumayo at sinusubukang di tingnan ang nakahandusay na walang buhay na katawan ni Jaime.

"An eye for an eye, tooth for an tooth" walang emosyong wika ng Krystal.

"Yan pala ang dahilan kung bakit tumakbo ka sa pagiging secretary ng Student Council kahit na wala ka naman talagang interes sa ganoong bagay" wika ng isang babaeng nakasalamin.

"Matagal ko ng pinagisipan na patayin ang babaeng 'to ngunit di ko akalain na mas napaaga ang kamatayan niya. Mas masaya ako ngayon dahil nakaranas din siya ng pighati ng mawalan ng minamahal sa buhay bago siya mamatay."

Galit at takot ang pumaibabaw ngayon sa lahat. Lumayo sila sa kay Krystal dahil sa tingin nilang di mapagkakatiwalaan ang isang tulad niyang di nagdadalawang isip na pumatay.

"16 left" singit naman ni Echizen.

"HAHAHAHA!" I norrowed my eyes to Krystal who's laughing now. Nasisiraan na siya ng bait. "Ngayon lang ako nag-enjoy sa isang laro!" masaya nitong sigaw at mabilis na tumakbo sa malaking kahon at kinuha ang isang samurai.

Nagsitakbuhan naman palayo ang mga babae at sumisigaw na sa takot habang ang mga lalaki naman ay sinusubukang kumbinsihin si Krystal na bitawan ang hawak niya.

"If I were you, I would secure a weapon to defend myself" she said while licking the scabbard of the samurai.

"She has the point" I said grinning while leaning at the white wall between the door and window. Napansin ko naman ang talim na pagkakatitig ng iba sa akin, mukhang di nila nagustuhan ang sinabi ko. I'm just stating the fact. Depende na sa kanila kung di nila ia-accept ang advice ni Krystal. Sila na ang bahalang dumiskarte na makalabas dito ng buhay.

Di ko na kailangan ng weapon. I'll just calmly think and protect myself whatever circumstances may occur during this death game. Katabi ko lang ang nakahandusay na katawan ni Jaime. Dito ko napiling pumwesto dahil walang magtatangkang tabihan ako. Ayokong may kumapit sakin na nagmamakaawang tuta dahil baka di ko namalayan ay bigla-bigla na pala itong nanunuklaw.

Bigla na namang sumingit ang bored na boses ng lackey ni Litmus. "Muntik ko ng makalimutan si Mr. Uy."

Napansin kong pinalitan ni Uy ang hawak niyang sandata. Mukhang desidido talaga siyang pumatay. Kakaiba na ngayon ang kilos niya. Dahil kaya sa pagkamatay ng pinakamamahal niyang si Jaime kaya naging motivated ito or baka tuluyan na siyang nabaliw sa pangyayari?

"Ah. Saan na ang script?" takang tanong ni Echizen sa kabilang linya. Napataas naman ako ng kilay sa narinig. Seriously? Scripted? Are they killers or idiots?

"Naglakad siguro" wika naman ng di pamilyar na boses ng isang lalaki.

"Itanong mo kay Litmus. Mukhang pinagtripan na naman niyang gawing eroplano" inip na wika ni Jerome.

Napabuntong hininga na lamang si Echizen at bigla na naman itong nagsalita "Mr. Uy, you're lucky this time dahil nawala yung script"

"T-talaga?! Maililigtas ko na ba ang anak ko at makakalabas ako ng buhay?" wika ni Uy na may halong saya sa boses niya.

Di naman pinansin ni Echizen ang tanong ni Uy at nagfocus sa pag-iisip kung anong ipapagawa sa lalaki.

"Hmmm. I hate brainstorming. So. Just kill yourself, will you?" malamig na wika ni Echizen sabay nun ang pagbago ng expression ng mukha ni Uy. Ang masayang mukha niya ay napalitan ng takot at pagkadismaya.

Akalain mo nga naman. Nag-abala pa siyang palitan ang sandata niya subalit sa sarili pala talaga mismo niya ito gagamitin.

Napansin ko naman ang hawak ni Uy na pistol sword, it is a revolver attached alongside the sword. I'll be glad to be killed by that weapon. It's my favorite weapon after all.

"Hi-Hindi pwede 'to! Bakit ako lang? bakit di na lang sila?! Sino bang baliw ang magawang patayin ang sarili?! Mas mabuti pang mamatay ang lahat ng nandito kung 'yun lang naman pala ang kakahantungan ko!" sigaw ni Uy habang itinutok sa lahat ang baril niya.

I guess I should fight back?

avataravatar
Next chapter