1 Chapter 1: First Kiss

Loriélane's POV

As the sky slowly went bright, I simply look outside the window to see the sunrise. I felt warmth after I saw that.

'Ahh.. I think it's a sign of a good start of the day'

I stretched my hands and yawn. I brew a coffee and cook some pancakes while waiting.

Suddenly, a foot steps approached and the chair of the dining were seated. As I turned back,I saw my little brother yawning and looking at me.

I chuckled as I saw his smug face in the morning, it seems that he was woke up by the scent of brewed coffee and the pancake.

"Maghanda ka na ng pinggan" tugon ko

Agad naman siyang sumunod at nagpatuloy lang ako sa pagluluto ng pancake. Nang matapos nang maluto, inihain ko na ito sa mesa. Nilagay ko na sa tasa ang kape at nilagyan ito ng creamer at siya nama'y pinunuan ng gatas ang kanyang baso. Nagdasal kami at nagalmusal na.

Masayang isipin na nakakasama mo ang nag-iisa mong kapamilya sa oras ng pagkain. Our mom and dad died in car accident 7 years ago. Me and my little brother Larry lived in my aunt's mansion but soon,when I got my job, we moved into this small but cozy apartment. I am working at the restaurant near our apartment to pay up the bills but our aunt is still helping us by giving us allowance. My little brother was still a grade schooler so I have to keep an eye to him.

We finished our breakfast and we got prepared for our next task. I locked the door of the apartment as I kiss the forehead of Larry, saying goodbye.

"Bye ate!" he said and hugs me

'Argh! He's so cute!'

Tinignan ko nalang siya habang papalayo na siya ng papalayo. Napangiti ako at nagsimulang maglakad.

Mahirap ang buhay, ika nga nila at napatunayan ko iyon. May company dati sina mama at papa ngunit agad itong bumagsak at nabuwag. I don't know what happened pero pagkatapos noon ay ang car accident. Naghirap kaming magkapatid hanggang sa kinupkop kami ng tita namin na si Aunt Lucelle.

Coming back to reality, narinig ko na tinawag ng manager ang pangalan ko.

"Coming!" usal ko

Pumunta ako sa direksyon ni Mngr. Smith at pinagpag Ang aking uniform gamit ang aking mga kamay.

"Yes, sir?" wika ko

Hinimas niya ang kanyang batok at nagbuntong hininga.

"Kanina pa kita tinatawag pero bakit parang anlalim-lalim ata ng iniisip mo ngayon?" sabi niya

"Ahh-eh, sorry po sir. Di na po mauulit."

"Osya, dalhin mo nalang itong order sa table no. 14."

"Salamat po, sir" nakangiti kong saad

Ibinigay sa akin ang tray ng order at dali-dali akong pumunta sa table no. 14.

By the way, waitress nga pala ako dito sa may Leaf Restaurant.

Agad kong nakita ang numerong labing-apat at nang ako'y nandoon na, tumambad sa harap ko ang mga maskuladong lalaki na naka-black tank top.

'Geez, nakaka-takot'

Walang pagaaksaya ng oras kong nilagay ang kanilang order sa table at chineck kung tama ang mga nailagay ko. Di ko naman sinasadyang narinig ang kanilang usapan.

"Balita ko na may gagawing ambush si Zachary sa --- bridge mamayang gabi"

"May kasama ba?"

"Parang siya lang ata"

"Ang yabang, tignan nalang natin mamaya"

Bigla naman na akong sumingit upang tanungin sila

"Nakuha na po ba ang lahat ng mga inorder?" tanong ko

"Oo, miss. Salamat" saad ng isang lalaki at kinindatan ako

'Creepy..'

Agad naman akong nag-brisk walk upang makarating na staff room.

'What did I just heard? May papatayin kaya sila mamaya? Shocks, it's getting even more creepier.'

Natapos ang trabaho ko na nasaisip ko parin ang mga pinagusapan ng mga lalaki kanina. Itawag ko na kaya sa pulis?

Nagpaalam na ako sa manager at sa mga kasamahan ko sa trabaho upang umuwi na. Mag aalas-otso na at baka nagugutom na yung kapatid ko.

Wala nang araw at naririnig ko na ang tuning ng mga kuliglig sa daanan. Nagsimula na akong matakot sa mga guni-guni ko. Maya-maya'y may narinig akong isang malakas na kaluskos.

'Oh shocks! Baka mapagkamalang ako Yung target! No, sa ---- bridge naman yun at malayo dito.'

Ilang saglit pa'y narinig ko ulit ang kaluskos na iyon na dahilan upang ako'y tumigil sa paglalakad. Narinig kong muli ang kaluskos na iyon sa aking likuran. Napalunok laway nalang ako at pumikit.

'Guni-guni mo lang iyon, Lorié. Calm down'

Dahan-dahan akong lumingon at may nakikita akong anino ng tao. Pero bago ko pa siya nakita ng buo ay hinatak niya na ako sa pader at agad na nagdampi ang aming mga labi. Agad ko namang nabitawan ang dala kong supot ng pagkain. Kasabay noon ay ang pagsulpot ng dalawang lalaking may baril na agad kong ikinabahala.

"Nasaan na yun?"

"Hindi siya pwedeng makatakas!"

Nagtagal ang halikan namin hanggang sa umalis agad ang dalawang armadong lalaki. Natigil ang halik nang inialis nya na ang kanyang mga labi sa akin at ako'y naiwang natulala sa sobrang gulat.

"Argh!" mahinang daing niya

Nagulat naman ako nang nakita kong umaagos na ang dugo niya mula sa kanyang tagiliran.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko

Napatingin siya sa akin. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha sa sobrang dilim pero nahalata kong may nunal siya sa ilalim ng kanyang kanang mata.

Nagulat naman ako nang bigla siyang napangiti.

'Luh? Tinatanong siya kung okay lang siya eh'

Bigla naman niyang namang ikinulong ako sa kanyang dalawang brasong nakasandal sa pader at inilapit ang mukha niya sa akin.

"Thank you for saving me.." sambit nito

Maya-maya'y may dumating na kotse sa harap namin.

"Zach, let's go!"

Lumingon agad yung lalaki at napangisi. Lumayo siya sa akin at pumunta sa pintuan sa backseat ng kotse. Tumigil siya at tumingin sa akin. Madilim at hindi ko talaga makita ang kabuuan ng mukha niya.

"Until next time, we shall meet again.." usal nito at kaagad na pumasok sa kotse. Umandar ng napakabilis ang kotse. Pinulot kong muli ang supot at nagpatuloy na lumakad pero this time, parang robot.

'I can't believe that this was actually happening to me! And it was my damn first kiss. That guy, is actually stole my first kiss!'

Until I come back home, I still murmuring "My fisrt kiss" and Larry's noticing it.

"What's the matter, ate?" tanong niya

"No, nothing sweetie. Enjoy your dinner. Ate is fine" tugon ko

'Hope this encounter will never happened again, NEVER!'

avataravatar