1 KEYCHAIN 1

-Angelo-

= MIZUNO'S COMPANY =

Nakatayo ako malapit sa malaking window glass kung saan matatanaw mo ang ibang mga gusali kagaya ng istruktura nito...Napabuntong hininga ako at umupo sa swivel chair ko. Ako si Angelo Gomez, ang CEO ng mizuno's company , twenty one years old.

Napatingin ako sa cellphone ko Dahil tumunog ang ringtone ko, si Bryan. Ang kaibigan ko na nagtratrabaho dito sa company ko, sinagot ko ang tawag niya.

"Hello?"- angelo

"Angelo, nasa iyo ang mga papeles para sa meeting natin diba?"-bryan

"Oo. Anong oras ang meeting natin?"- angelo

"Four pm."-bryan

Napatingin ako sa wall clock..3:15 pm, Medyo mahaba pa ang oras.

"Then siguraduhin mo na makakaattend ang iba."- angelo

"Roger that, oo nga pala, may napili na kami na magiging secretary mo, darating na siya diyan mayamaya..."- bryan

I ended the call. Hinanap ko ang papeles pero nakalimutan ko kung saan yun nakalagay, napakamot ako ng ulo sa inis.

"Takte, saan ko nga iyon nailagay?"- angelo..

Binuksan ko lahat ng drawer ko..nakita ko ito sa huling drawer ,kinuha ko lahat pero may nahulog , pinatong ko muna ang mga papeles at pinulot ko ang bagay na nahulog,nanlaki ang mga mata ko...

'Ang keychain na to....galing sa aking kababata na minamahal ko...'

Ang keychain ay isang kabiyak na puso...sa kanya ang right at sa akin ay left... Pagpinagsama ay makakabuo ito ng hugis na puso... Napangiti ako at hinigpitan ko ang kapit ko dito sabay pikit nung may naala-ala ako tungkol dito...

*FLASHBACK 10 YEARS AGO*

=PLAYGROUND=

" ANGELOOOO!!!!!"

Napatigil ako sa paglalakad ko nung makita ko siya na tumatakbo papunta sa akin.. Nung nasa harapan ko na siya ay napahawak nalang siya sa mga tuhod niya at hingal na hingal...

"Bakit roia? May problema ba?"- angelo

May kinuha siya sa bulsa niya at inabot sa akin, kinuha ko ito...isang maliit na box na silver at gray ribbon sa itaas nito..

" Roia, hindi naman pasko o bagong taon, august 12 palang ngayon. Bakit may binibigay kang regalo?"- angelo..

Binatukan niya ako at himapas sa braso.

"Birthday mo! BIRTH-DAY! Hay nako, taon-taon mo nalang nakakalimutan!"- roia

Napanguso siya, napakurap ako ng isang beses at ngumiti..i pat her head..

"Salamat roia!"- angelo

Inalis niya ang aking kamay habang namumula.

"Don't thank me! Its embarrasing!"- roia

Tumingin siya sa gilid. Tumawa ako at binuksan ko ang kahon, isang keychain na left side ng puso...

"Nasa akin ang right side, kaya pagpinagsama natin yung iyo at aking kabiyak na puso ay mag-iisa ito..."- roia

"Iingatan ko to, dahil bigay mo to sa akin, roia..."-angelo

Tumalikod siya ...

"Heh. Subukan mo naman yan iwala, patay ka sa akin!!"

Sabay tumakbo siya papalayo....

*END OF FLASHBACK*

Nilapag ko ang keychain at binuhat ko ang mga papeles, Narinig ko ang pagkatok ng pinto ng tatlong beses.

May pumasok at nanlaki ang mga mata ko sa gulat nung nakita ko ang babae na nasa harapan ko...

"Sir! Ako ang magiging secretary niyo mula ngayon! Roia gonzales at your service!"-Roia

Tulala lang ako sa kanya...si roia...ang kababata ko...kumurap siya ng ilang beses lumakad siya sa kinatatayuan ko.

" And as your secretary! Ako na ang magbubuhat niyan! Atsak---- keychain? Teka..."- Roia

Tumingin siya sa table ko kung saan nakapatong ang keychain ko dun na binigay niya...tumingin siya sa akin...

"Angelo?...ikaw ba si angelo?"- Roia

Tumango ako at yumuko siya...

"Wala na tayong komunikasyon simula nung iniwan mo ako 8 years ago...you owe me an apology and explanation!"- Roia

Yes.. I left her without her knowing...natatandaan ko nung nasa loob ng eroplano na ako at umaandar papaalis ay nakita ko siya na hinahabol ito habang umiiyak...

"Umalis ako dahil gusto ko ang pamilya mo at ikaw ay magkaroon ng masaganang buhay! Ayoko na maghirap kayo!"-Angelo

" Kaya naman pala may nagpapadala ng pera sa amin, ikaw yon! At paano ako magkakaroon ng masaganang buhay kung wala ka sa tabi ko?! Matagal kitang hinintay angelo! Freaking 8 years ako naghintay sayo! Nasan ka nung nasasaktan ako? Nasan ka nung nahihirapan ako?! Wala! Wala ka nung nararanasan ko iyon! Bakit mo nagawang iwan ako?!"- Roia

"Hinanap kita roia! Pero nalaman ko nalang na lumipat kayo ng tirahan na hindi ko alam kung saan! Bakit ko ginawa yon?! Dahil mahal kita! Hindi bilang kaibigan! Mahal kita dahil ikaw yon! Alam ko na hindi yon ang nararamdaman mo pabalik sa akin pero sana hayaan mo akong ipakita at iparamdam iyon sayo!"- Angelo

"Anong hindi rin iyon ang nararamdaman ko pabalik sayo?! Manhid ka ba?! Mahal kita angelo! Hindi mo iyon napapansin?!"- Roia

Natahimik ako... Tumulo ang mga luha niya pero pinunasan ko iyon gamit ang daliri ko...i look at her tenderly and smiled..she smiled too..kinuha niya ang keychain niya at yung sa akin..pinagsama niya ito at naging hugis puso ang keychain...

"Roia gonzales..MAHAL KITA , i swear on this keychain.."- Angelo

"Ako rin...Angelo gomez...pangako.."- Roia

I lift her chin up and kiss her on her forehead..

"So ...tayo na?"-Angelo

Pinitik niya ako sa ulo..

"Wala pang tayo, manligaw ka muna!"- Roia..

Napanguso nalang ako..may tumawag sa akin ,bigla ko nalang yun sinagot na hindi tiningnan kung sino ang tumawag.

"Oh? Kailangan mo?"- Angelo

"WHERE ON EARTH ARE YOU ANGELO GOMEZ?! NAGSISIMULA NA ANG MEETING!"- Bryan

Nilayo ko ang cellphone ko sa tainga ko..takte masisira ang eardrums ko..tumingin ako sa wall clock...kinuha ko yung mga papeles..

"Takte! Im 15 minutes late!!!"- Angelo

Hinawakan ni roia ang kamay ko at tumakbo palabas sa opsina ko..

"Roia?"- Angelo

Lumingon siya sa akin at ngumiti..

"Be ready to the lecture of your friend later..."- Roia

" Stop that! You're freaking me out!"- Angelo

Tumawa lang siya habang tumatakbo kami, Napangiti nalang ako. Kasama ko na siya ulit, ang kababata ko.

Simula non, naging mas challenging ang nararanasan ko .Pero..makakaya ko yun dahil nandito na ang future wife--este girlfriend ko and Kaibigan kong si bryan.

avataravatar