2 Unang Parte.

Kathang Isip — Unang Parte.

Solomon.

"Pwede ba? Bitawan mo ako!" sigaw ko sa nurse at tsaka lumabas ng kuwarto. 

"Solomon!" sigaw pa ni Nurse Rosa. "Sol! Bumalik ka dito!"

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Gusto ko munang mapag-isa.

Napagpasyahan kong magtungo sa rooftop ng hospital — wala naman kasing mga tao roon at gusto mapag-isa.

Pagkarating ko roon ay napaupo ako sa may gilid at napabuntong hininga.

Ang hospital na ito ay naging tahanan ko na mula pagkabata. Mula pagkabata ay lagi na akong nandito. Umaasa pa din kasi si Mama na gagaling ako.

Nakakasawa ang lugar na ito. Gustong-gusto ko na umalis dito. Pero kahit anong kagustuhan ko, hindi puwede.

Sabi nila Mama, gagaling daw ako. Gagaling ako kung kaya't kailangan kong manatili rito.

Hanggang kailan pa ba? Hanggang kailan pa ba ako mananatili rito para sabihin ng mga tao na normal na ako?

Gusto ko lang naman maging normal. Nakakasawa na kasi ang mga sinasabi ng mga tao sa akin. Na kesyo, baliw daw ako. Na kesyo, abnormal ako. Na kailangan akong layuan ng mga tao.

Nakakapagod na ang paulit-ulit na nararanasan ko. Nakakapagod na, tama na.

Tumayo ako at tiningnan ang ibaba. Desidido na akong wakasan at tapusin ang buhay ko.

Tatalon na sana ako nang may humawak sa kamay ko.

Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang isang babaeng may katamtamang haba ng buhok, maputi at matangkad.

"Kung may problema ka, hindi pagkitil ng buhay ang solusyon." wika niya at hinawakan ang kamay ko para tulungan akong bumaba sa pinagkakatuntungan ko.

Umupo siya sa may gilid kung kaya't umupo ako sa tabi niya.

"Kung gusto mo magpakamatay, siguraduhin mo lamang na walang makakakita sayo." ani niya at tumawa.

Napatingin ako sa kaniya at inobserbahan siya. Mahaba ang kaniyang mga pilikmata. Kulay asul naman ang kaniyang mga mata na bumabagay sa maputi niyang balat.

At hindi ko namalayan na tinititigan ko siya.

Iwinagayway niya na lamang ang mga kamay niya, "Hoy, natulala ka na diyan."

"Ano bang dahilan at gusto mong kitilin ang sarili mong buhay?" tanong niya.

Nginitian ko na lamang siya, "Nakakapagod na mabuhay e. Nakakapagod na yung mga paulit-ulit kong nararanasan."

Tiningnan niya naman ako nang seryoso.

"Hiram lang natin ang buhay natin sa Diyos. Kaya habang hindi mo pa oras, 'wag mo muna tapusin ang buhay mo." wika niya. "Gawin mo muna ang mga bagay na gusto mong gawin—live your life to the fullest."

"Tsaka isa pa, dapat iniisip mo muna ang consequence ng gagawin mong bagay. Paano kapag nawala ka? Malulungkot ang pamilya mo. You must think before you act, ika nga nila." dagdag pa niya.

Binigyan ko na lamang siya ng isang ngiti. "Maraming salamat—teka, ano nga pala ang pangalan mo? Kanina ka pa diyan dumadakdak, pero hindi pa kita kilala." tugon ko at tumawa.

"Ako si Lunameire," sabi niya at inilahad ang kamay niya. "Luna na lang."

Tinanggap ko ang kamay niya, "Ako naman si Solomon, Sol na lang."

Nagsimula na kaming magkuwentuhan at hindi ko namalayan ang oras.

"Luna, kailangan ko na umalis. Maggagabi na e." saad ko. "Ikaw ba? Hindi ka pa uuwi?"

"Sige, mauna ka na. Dito na muna ako."

"Kita ulit tayo bukas dito, Luna."

"Sure."

Hahakbang na sana ako. Ngunit bago pa man ako makaalis ay hinawakan niya ang kamay ko, "Ipangako mo sa akin na hindi mo na uulitin ang tinangka mong gawin kanina."

Tinanguan ko lamang siya, "Pangako."

Binigyan ko siya ng isang ngiti bago tuluyang umalis.

Hindi ko mapigilan ang pagngiti hanggang sa makarating ako sa kuwarto ko.

And today, I met a savior.

avataravatar
Next chapter