9 Ikawalong Parte.

Kathang Isip — Ikawalong Parte.

Solomon.

"L-luna?" mahina kong bulong.

Pinagmasdan ko ang babaeng nasa harapan ko. Hindi pa rin siya nagbabago. Ganoon pa din ang maputi niyang balat. Matingkad na itim pa rin ang buhok niya. At ang pinakamagandang bahagi ng kaniyang mukha—ang kaniyang singkit na asul na mata.

Nginitian ko siya. Hindi ko inaakala na babaeng minahal ko na inakala kong kathang isip ko lamang ay talagang nabubuhay pala. Nabubuhay siya—nabubuhay si Luna.

"Na-miss kita, Lunameire..." sambit ko. "Hindi ka pala talaga isang kathang isip lamang, dahil buhay ka—buhay ang babaeng may asul na mata na aking minahal nang mahabang panahon."

Nakatingin lamang siya sa akin habang nakakunot ang noo, "Ano ba ang mga pinagsasabi mo? Oo, ako si Luna—"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at niyakap agad siya, "I missed you, I really missed you."

Napatingin ako kay 'Nay Rosa, nanakunot din ang noo niya.

Pagkatapos ng ilang segundong yakap ay kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya.

"S-sino ka ba? At b-bakit mo ako niyakap?" tanong ni Luna.

"Hindi mo ba ako natatandaan, Lunameire?" tanong ko pabalik. "Ako 'to—ako si Solomon. Ang lalaking nakilala mo tatlong taon na ang nakakalipas."

Tinawanan niya naman ako, "Wala akong kilalang Solomon. At wala akong nakilalang lalaki three years ago. Are you crazy?"

Ibinaling niya ang tingin niya kay 'Nay Rosa, "Nurse Rosa, pwede po ba na paalisin niyo siya? I don't know who he is. I don't even know what are my relationship with him. Can you please tell him that stay away from me? "

Natahimik ako sa sinabi niya. Tila may tumusok sa aking puso.

Napatingin ako kay 'Nay Rosa na ang nagbago ang timpla ng mukha. Mula sa masayang mukha hanggang sa isang malungkot na mukha.

"L-luna, anak, siya s-si Solomon." wika niya kay Luna. "D-dito rin siya dati nag-stay noong mga panahon na nagkasakit siya."

"Ano naman pong koneksyon ko sa kaniya?" tanong naman ni Luna. "At isa pa, bakit niya sinasabing nakilala niya ako three years ago? Ni hindi ko nga po siya kilala at wala po akong nakilala dito sa hospital dahil wala naman akong kaibigan dito."

Nagkatinginan kami ni 'Nay Rosa. Sa halip na yumuko ako at manlumo ay pilit ko siyang nginitian. Pilit ko pa rin siyang nginitian kahit nangngilid na ang mga luha ko.

"Luna," kinagat ni 'Nay Rosa ang labi niya. "M-magpahinga ka na muna. Ipapaliwanag ko na lang siguro sa'yo kapag nagising ka na mamaya."

Humiga na si Luna sa kaniyang kama. Nagpaalam muna si 'Nay Rosa sa kaniya bago kami tuluyang lumabas ng kwarto niya.

At sa huling pagkakataon ay sinulyapan ko siya.

~*~

"S-sol," napatingin ako kay Nurse Rosa.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa may hallway ng hospital.

"Pasensya ka na kanina ha," saad niya. "Siguro hindi ka nga niya talaga kilala."

"Pero, katulad niya po si Luna." sagot ko. Siya po 'yong babae nakilala ko dito sa rooftop ng hospital. Siya po ang babaeng kinukuwento ko sa inyo noon."

Napatigil siya sa paglalakad at tinapik ang balikat ko, "Solomon, siguro nga'y kamukha at kapareho siya ng babaeng bunga lamang ng imahinasyon mo noon. Pero, iba si Luna sa nakilala mo noon. Hindi siya ang babaeng minahal mo. Sapagkat ang babaeng minahal mo noon ay ang babaeng nasa isipan—ang babaeng kathang isip mo."

Bigla akong natahimik sa sinabi ni 'Nay Rosa at napatigil din ako sa paglalakad. Tila naestatwa ako sa sinabi niya.

"Oh siya, una na ako at bibisitahin ko pa ang iba kong pasyente." pagpaalam niya. "Bumalik ka ulit dito 'nak ha. Namiss kita."

Niyakap niya pa ako bago naglakad papalayo.

Lumabas na ako mula sa loob ng hospital at saka dumako sa kotse ko.

Isinandal ko muna ang ulo ko sa manibela at napabuntong hininga. Napapikit din ako at inalala ko ang sinabi ni 'Nay Rosa kanina.

Siguro nga, hindi siya ang babaeng minahal ko, tatlong taon na ang nakakalipas. Marahil siya ay kamukha lamang ng aking kathang isip.

Ganoon man, alam kong may rason ang Diyos kung bakit niya kami pinagtagpo ng nag-eexist na Luna.

avataravatar
Next chapter