10 Ikasiyam na Parte.

Kathang Isip — Ikasiyam na Parte.

Solomon.

"Anak," napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses.

Kasalukuyan kaming nasa art room ko kung saan ako nagpipinta.

"Bakit po 'Ma?" tanong ko sa kaniya habang itinutuloy pa din ang pagpipinta.

"Kumusta si 'Nay Rosa mo?" tanong niya. "Maayos ba ang kalagayan niya?"

Tumango ako, "Opo, hindi pa rin po natanda ang mukha. Mukhang bata pa din haha."

Tumawa naman si Mama, "Nako, bumisita nga tayo do'n minsan! Gusto ko na makita si Rosa!"

"Sige po 'Ma," sagot ko naman. "Pwede po paabot ng isang canvas sa likod niyo?"

Tumawa muli si Mama, "Oo naman 'nak," Iniabot niya sa akin ang isang canvas. "Ito na oh."

"Salamat 'Ma," sambit ko at nginitian siya.

Ipinagpatuloy ko lamang ang pagpipinta. Kung kanina ay larawan ng dalawang tao na nakaupo sa rooftop, ngayon naman ay dalawang tao na masayang nagtatawanan sa isang kantina.

Bawat obra na aking ipinipinta ay tila sumasalamin sa masasayang alaala ni Luna.

Naramdaman ko naman na tumayo si Mama at lumapit sa akin.

"Anak," Niyakap niya ako mula sa likod.

"Nako, naglalambing na naman si Mama."

Tinawanan niya lamang ang sinabi ko at hindi pinansin 'yon. Bagkus ay nagtanong siya tungkol sa nangyari kahapon.

"Anong nangyari kahapon 'nak?" tanong niya habang yakap pa din ako. "Nakausap mo ba siya?"

Naikuwento ko kasi kay Mama ang nangyari kahapon, ngunit hindi anh buong detalye.

Napatigil ako sa pagpipinta at humarap kay Mama. Bahagya akong napangiti nang mapait, "Hindi po 'Ma, hindi niya ako kilala."

Napayuko ako nang maalala ang nangyari kahapon — kung paano ako itaboy ni Luna.

Hinawakan ni Mama ang mukha ko at hinarap ito sa kaniya. "H'wag kang malungkot, Solomon. Marahil ay hindi ka niya kilala ngunit, kung magpapakilala ka sa kaniya, maaaring mas magkakilala kayo nang lubusan."

"At malay mo, maging malapit kayo sa isa't-isa." pangungumbinsi ni Mama. "Pupunta tayo do'n ngayon din."

Agad akong napalingon kay Mama na nanlalaki ang mga mata, "P-po? Pupunta tayo sa hospital n-ngayon?"

"Oo," tipid niyang sagot. "Gusto kong magkausap kayo ni Luna.

"Gusto ko na din makita si Rosa!" dagdag pa niya. "Namimiss ko na ang matandang dalaga na 'yon!"

Tinawanan ko lamang siya.

"Oh siya, tapusin mo na 'yan ha. Maya-maya ay aalis na tayo, magbibihis lamang ako." At lumabas na siya ng aking silid.

Napangiti na lamang ako. Napakaswerte kong anak. Basta kasiyahan ko, susuportahan ako ni Mama.

~*~

"Rosaaaa!"

"Cynthiaaaa!"

Agad na nagyakapan sila Mama at 'Nay Rosa nang magkita sila.

Narito kami ngayon sa hospital. Gaya ng sinabi ni Mama, gusto niyang makita si 'Nay Rosa. At gusto din niyang makausap ko si Luna.

Pagkatapos nilang magyakapan ay nagsimula na silang magkuwentuhan tungkol sa iba't-ibang bagay.

Habang ako naman ay naiinip na sapagkat nais ko nang makausap si Luna.

"Ehem," pagtikhim ko sa gitna ng pagkukuwentuhan nila. Pareho silang napatingin sa akin. "Pupuntahan ko na po muna si Luna."

Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa kantina nitong hospital.

"Sige lang 'nak," pagsang-ayon ni 'Nay Rosa. "Nasa rooftop siya."

"Sige po, salamat po."

Bago pa man ako makaalis ay nginitian ako ni Mama, "Kaya mo 'yan, Sol!"

Nagtungo na ako sa rooftop ng hospital. Nakita ko roon ang isang babaeng nakatalikod at tila pinagmamasdan ang mga ulap.

Unti-unti akong lumapit sa kaniya. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang lumapit sa kaniya.

"L-luna," pagtawag ko sa kaniya. Napaatras siya ng bahagya. Marahil ay nagulat siya sa biglaang pagtawag ko sa kaniya.

Humarap naman siya sa akin, "Bakit ka nandito, Sol?"

Tila nawalan ako ng boses para sabihin ang aking dahilan.

"Ahm, a-ano..." pautal-utal pa akong magsalita. "Gusto s-sana kitang a-ano... k-kausa—"

Bigla namang naputol ang sinasabi ko nang magsalita siya, "Gusto mo akong makausap?"

Napatango ako sa inusal niya.

"Oo, k-kung okay lang."

Lumapit siya sa akin, "Sige, pero sa isang kondisyon."

"Kondisyon?" napakunot ang noo ko.

"Oo," tipid niyang sagot. "Itakas mo 'ko dito."

avataravatar
Next chapter