7 Ikaanim na Parte.

Kathang Isip — Ikaanim na Parte.

Solomon.

"Magandang umaga, Sol." pagbati sa akin ni Nurse Rosa nang makapasok siya sa aking  kuwarto.

Hindi ko lamang siya pinansin, bagkus ay ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbabasa.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na inilapag niya ang dala niyang pagkain sa mesa.

"Kumain ka na, ilang araw ka nang hindi nakain," wika niya.

"Ayaw ko pa kumain, wala akong gana," walang emosyon kong wika.

"Pero, Sol. Ilang araw ka nang hindi kumakain—"

"Pwede ba?! Hayaan niyo na lang ho ako!" sigaw ko sa kaniya.

Nakita ko sa mukha niya ang gulat dahil sa ginawa ko. Maski ako ay nagulat sa pagtaas ng boses ko.

Akala ko ay aalis na siya pagkatapos ko siyang sigawan ngunit nagkakamali ako. Lumapit siya sa akin at saka umupo sa tabi ko.

"Solomon," napatingin naman ako sa kaniya at itinigil ang pagbabasa.

Nararamdaman kong seryoso ang sasabihin niya sapagkat 'Solomon' ang itinawag niya sa akin sa halip na 'Sol'.

"Alam kong masakit ang pinagdadaanan mo," tugon niya. "Nahulog ka kasi sa taong gawa lang pala ng imahinasyon mo."

Pagkasabi niya ng salitang 'yon ay nangilid ang mga luha ko. Naalala ko na naman kasi siya e.

"Pero Sol, sana 'wag mo hayaang kainin ka ng lungkot. Alam kong sobrang na-attached ka sa kaniya—sa taong mina(ma)hal mo. Pero sana, palayain mo na ang sarili mo kalungkutan. Dahil ikaw rin ang mahihirapan."

Napangiti na lamang ako nang mapait, "Sinusubukan ko naman pong kalimutan siya e. Pero kahit anong gawin ko, siya pa rin ang naiisip ko sa twina. Siya pa rin 'yong babaeng laging nasa isipan ko. Pero, sa paglipas po ng araw, alam kong magigising na lamang ako na hindi na ako apektado sa nangyari."

"Alam mo Sol, kita ko nga sa mga mata mo ang saya nang makilala mo siya." aniya. "Tanda mo ba noong mga panahong may meteor shower?"

Tinanguan ko lamang siya.

"Naguluhan ako nang sinabi mong may kasama ka kahit wala naman akong nakikita. Pati na rin noong nasa canteen kayo." dagdag pa niya. "Nandoon ako noong mga panahong 'yon, nakita ko kung paano ka sabihan ng mga tao doon ng baliw dahil nagsasalita ka nang wala kang kausap—kahit meron naman talaga. Hindi lang namin nakikita."

"Isa nga po 'yon sa pinakamagandang ala-ala namin ni Luna."

Tinapik niya ang balikat ko, "Ayaw kong sabihin na mag-move on ka na kasi alam kong kahit sabihin ko 'yan, hindi mo 'yan basta-basta magagawa. Pero sana, sa tamang panahon maging masaya ka na."

Patuloy lamang akong nakikinig sa mga sinasabi ni Nurse Rosa.

"Natutuwa ako na dumating siya sa buhay mo, kasi kahit papaano, naaaliw ka at nakikita ko sa mga mata mo ang saya." tumingin siya sa akin at nginitian ako. "Masaya ako bilang nurse mo na makita kang masaya kasi alam kong sawa ka na sa lugar na 'to."

Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. "Alam niyo 'Nay Rosa, dahil sa mga sinabi niyo, sa tingin ko, handa na akong kalimutan at gawin na lamang na ala-ala ang mga nangyari."

Napansin ko ang pagkislap ng mga mata niya—may luha sa gilid ng mga mata niya.

"Oh, ba't naiiyak ka ho ata?" tanong ko.

Tinawanan niya lamang ako, "Natutuwa ako dahil tinawag mo ulit akong 'Nay Rosa. Ang tagal ko nang hindi naririnig 'yan mula sa'yo Sol e." hinawakan niya ang kamay ko. "Natutuwa din ako sapagkat handa ka nang palayain ang sarili mo sa isang ala-ala."

Nginitian at niyakap ko lamang siya. Niyakap naman niya ako pabalik.

Hindi maalis sa mukha ko ang isang ngiti. Mukhang handa na nga talaga akong palayain ang sarili ko mula sa isang ala-ala—mula sa kaniya.

avataravatar
Next chapter