webnovel

Chapter 40

Halos lupaypay ang buong katawan ng tatlo nang matapos na ang ritwal. Ang sakit ay tila ba nanunuot sa kanilang mga kalamnan hanggang sa kanilang mga kaluluwa.

Naramdaman na lamang nila ang kanilang mga sarili na nakahiga sa isang malapad na bato. Napapailing-iling pa si Milo habang pilit na nilalabanan ang sakit ng kaniyang katawan. Muli siyang nakarinig ng kakaibang musika kasabay ng pagsambit sa mga katagang pilit na nanunuot sa kaniyang sistema.

Pagmulat ng kaniyang mata ay nasipat niya si Rilan na nasa kaanyuang tao nito at dahan-dahang lumalapit sa kaniya bitbit ang isang bagay na nababalutan ng kulay lilang tela.

"Sa harap ng lupon ng mga punong Tagubaybay, ako si Rilan, kasalukuyang Hari ng Guron, tagabantay at tagapangalaga ng korona, ikaw Milo, anak ni Riyana, unang Reyna ng Guron at ni Nikandro, pumapangalawa sa punong asog ng lahi ng mga babaylan sa Norte, iniaatang ko sayo ang misyong muling ibalik ang balanse sa buong Ilawud. Sa kapangyarihan iginawad sa akin ni Bathala, tanggapin mo ang tanda bilang susunod na hari ng Guron at tagapangasiwa ng ating mga kawal." Wika ni Rilan bago dahan-dahang iniukit sa dibdib ni Milo ang tanda ng isang maharlikang Tagubaybay.

Matinding sakit ang pilit na iniinda ni Milo. Nagkikiskisan ang kaniyang mga ngipin habang nakakuyom ang kaniyang mga kamao. Napapa-igtad pa siya sa kaniyang kinahihigaan habang maingat na iniuukit ni Rilan ang mga simbolo sa kaliwang dibdib ni Milo.

Binalot ng kakaibang pakiramdam si Milo skasabay ng masidhing sakit na lumulukob sa kaniyang buong pagkatao. Tila unti-unting umiikot ang kaniyang mundo habang ang tainga niya ay napupuno ng mga salitang nagpapadagdag sa sakit na kaniyang nararamdaman. Ilang minuto pa siyang nasa ganoong sitwasyon hanggang sa tuluyan na siyang lamunin ng kadiliman.

Nang mulimg magising si Milo ay nakahiga siya sa malambot na damuhan. Marahan niyang iginalaw ang kaniyang katawan at naoagtanto niyang tila ba hindi niya katawan iyon. Nagtataka man ay patuloy siyang bumangon at naglakad patungo sa lawa.

Pagtingin niya sa repleksyon niya sa tubig ay nagimbal siya sa kaniyang nasaksihan. Ang nakita niya kasi ay repleksyon ng isang usang may ginintuang sungay ngunit hindi iyon kalakihan at may dalawang sanga lamang ito.

"Ako ba ito? Paano ako naging ganito? Teka, hindi kaya dahil ito sa ritwal kanina?" Tanong ni Milo sa kaniyang sarili, inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at doon niya napansin na kakaiba na din ang kaniyang paningin. Tila may mga nagkikislapan sa hangin at iba't-ibang kulay ang nakikita niyang nakalutang sa hangin.

"Ganito ba ang nakikita ng mga tagubaybay? Napakaganda." Sambit pa niya bago nagsimulang tumakbo sa damuhan. Gamit ang maliliksi niyang paa, at tinahak niya ang matarik na daan paakyat ng kabundukang iyon. Hindi niya alam na sa loob mg kuweba ng Guron ay may matarik pang kabundukan.

Nang ttukuyan na nga niyang marating ang tuktok nito ay doon niya nakita ang rurok ng mga kabundukan sa mga katabing isla na nakapalibot naman sa sinasabing sentro ng kaniyang Tiyuhing Hari.

Sa oagkakataong iyon ay nahigit niya ang hininga dahil sa pagsipat niya sa isang maitim na bagay na humahalo sa tubig sa pumapang-apat na isla bago ang Guron.

"Iyon ba ang Isla ng mga anggitay? Bakit ganoon ang kulay ng tubig sa parteng iyon? Naku, kailangang malaman ito ni Tiyo at ng iba pa." Akmang papanhik na siya pababa ay nakarinig siya ng malamyos na tinig na umaawit. Sa sobrang lamyos at ganda nito ay tila ba ipinaghehele siya nito. Marahas niyang ipinilig ang kaaniyang ulo at saka tumakbo na pababa ng bundok.

Dahan-dahan na ring humihina ang tinig na kaniyang naririnig hanggang sa tuluyan na nga itong maglaho. Nang marating niya ulit ang lawang pinanggalingan niya ay agad niyang nasipat si Rilan na naghihintay roon. Nakatayo ito sa harap ng lawa na tila may kinakausap doon.

"Tiyo Rilan, may nakita ako!" Pasigaw niyang bungad at agad namang napalingon si Rilan sa kaniya. Malapad ang pagkakangiti nito nang makita si Milo sa anyong Tagubaybay niya.

"Milo, mabuti ay nakabalik ka na, kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Rilan at saglit na pinakiramdaman ni Milo ang sarili.

Buhat nang magkamalay siya kanina, bukod sa kakaibang paninibago ay nakapagtatakang wala siyang nararamdamang sakit ko kung ano pa man.

"M–maayos na ako? Tiyo, kanina lang naoakasakit ng pakiramdam ko ngunit ngayon, magaan ang pakiramdam ko ay wala na akong sakit na nararamdaman sa aking katawan." Masiglang tugon niya. Lalong lumapad ang pagkakangiti ni Rilan at marahang pinitik ang ulo ni Milo.

Ilang sandali pa ay dahan-dahan siyang napalit ng anyo at bumalik sa pagiging tao. Suot pa rin niya ang kasuotan niya kanina sa ritwal. Hindi mangm pang ito nagusot o nasira man lang.

"Ano ang pakiramdam na maging katulad namin?" Tabong ni Rilan.

"Masaya, nakakatakbo ako ng malayo sa maikling oras. Akala ko nga ngumimilad na ako." Saad ni Milo na ikintawa naman ni Rilan. Sa pagkakataong iyon ay muli niyang naalala ang dapat na sasabihin niya sa tiyuhin.

"Tiyo, makinig ka muna, kanina, habang namamasyal ako ay umakyat ako sa rurok ng kabundukang ito. Nakita kong ang isang parte ng dagat na nasa palibot ng Isla ng mga anggitay ay nagkukulay itim na. At bago ako makababa nakarinig ako ng isang tinig. Napakaganda nito subalit ramdam ko din ang kilabot dito kaya nagmamadali akong bumaba rito. "

Sumeryoso naman ang mukha ni Rilan dahil sa sinabi ni Milo.

"Mukhang kailangan na nating magmadali, unti-unting nalalason na ang Ilawud. Sa ngayon ang Isla ng mga anggitay ay napabagsak na ng mga marindaga. Wala tauong magagaw kun'di ang maghanda." Saad ni Rilan. Matapos mabitawan ang mga salitang iyon ay nakita nilang papalapit na ang magkapatid sa kanila. Napansin agad ni Milo ang mga simbolong nakaukit sa magkabilang braso ng dalawa. Agad na napatingin naman si Milo sa kaniyang mga braso at mayroon din siyang kaparehong simbolo sa mga ito.

"Nakausap na namin si Lidya, ang mga nakatatanda sa kanila ay bihag ngayon ng mga marindaga. Siya lang ang tanging nakaligtas dahil mabilis siyang nakatakbo patungo sa dalampasigan ay nang walang nakakapansin sa kanya. Iyon din ang dahilan kung bakit siya napadpad sa Guron." Salaysay ni Maya.

"Hindi na talag sila mapipigilan. Bukas na bukas ay magtitipon ang lahat ng mga hari ng bawat isla, magpupulong patungkol sa mga dapat na gawin upang maiwasan ang nagbabadyang unos sa buong Ilawud at Bur'ungan. Nais kong dumalo kayo sa pagpupulomg na iyon bilang kinatawan ng mga tao." Wika ni Rilan at tumango naman silang tatlo.

"Maaasahan mo kami Tiyo." Tugon naman ni Milo. Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap hanggang sa tuluyan na sumapit ang dilim.

Maagang nagpahinga sina Milo matapos nilang kumain. Agad din silang nakatulog dahil natural na bumabawi ng lakas ang kanilang mga katawan.

Kinaumagahan, matapos ng kanilang alamusal ay paisa-isang inihanda ng mga tauhan ni Rilan ang isang oarte ng Guron para sa pagpupulong. Samo't-saring prutas at inomin ang nakahanda . Hindi pa man din sumasapit ang tanghali ay dumating na ang kanilang mga panauhin.

"Maligayang pagdating sa aming kaharian." Bati ni Rilan sa mga bagong dating. Nagkaroon sila ng mumunting kamustahan bago sila tuluyang umupo sa nakahandang upuan para sa kanila.

"Mahabang panahon na rin simula nang hulit tayong magtipon-tipon ng ganito. Ngunit, hindi sa ganitong paraan ang nais ko na magkita-kita tayo." Wika naman ng isang hari na may kulat lupang kasuotan,mahaba ang buhok nito na purong puti na , ganoon din ang balbas nito.

"Haring Demetri ng isla Bagunbon, ako man ay nalulungkot para sa mga kapatid naying Anggitay. Tuluyan nang nalason ng mga marjndaga ang kanilang karagatan, at bihag na din nila ang mga kapatid natin doon."

"Nais ko silang iligtas, ngunit ano ang magagawa ng mga lambanang katulad ko?" Patanong na wika naman ng Reyna ng mga lambana. Kulay puti ang kasuotan nito at may ginintuang korona. Kapansin-pansin din ang mahaba nitong buhok na halos kasinghaba lang din ng maliit nitong katawan.

"Huminahon kayo, hindi ba't kaya nga ako nagpatawag ng pagpupulong ay para mapag-usapan natin ang mga dapat nating gawin. At isa pa, dumating na sa ating isla ang mga babaylang makakatulong sa atin sa pagpapanumbalik ng kaayusan ng ating mga lupain at karagatan." Malakas ang boses na anunsyo ni Rilan na siya namang nagpatahimik sa iba pang mga hari.