4 Meeting Her

Naalimpungatan ako sa tunog nang alarm clock ko. Inabot ko yun nang dahan dahan at tinignan yung oras. 8.42 sh!!**t Malalate nako sa first day of school.

Tama natapos kona yung home study at graduated nako sa high school. Start na nang college life ko. Napabalikwas ako sa kama at nag mamadaling bumaba. Maaaa!. Yayaa. Bat di nyo ko ginising.

"Oliver! kanina pakami katok nang katok sa pintuan mo. Bilisan mo at kumain kana at maligo isasabay nakita pag labas. may aatenan ako buisness meeting baka mawala ako nang ilang weeks ikaw na ang bahal kay jamaia. "

"Buisness meeting? for a week?"

"Yes sa Batangas yung venue at mag babakasyon nadin ako kaya aabuting nang isang linggo mahigit."

"Saka bakit madalas ang meeting mo ngayon ma? Naka 5 meeting kana this month ha tapos si papa 2 months pa sa japan."

"Wag kananga masyadong matanong malalate kana diba?"

 Tumakbo ako papuntang C.R. at kumain. 

"Kuya bilisan mong magbihis kanina pa bumubusina si mama sa labas."

"Oo teka lang nag sasapatos na. Bilis!!. "Bumaba naako nang hagdan at sumakay sa sa kotse ni mama.

"Bat ba angtagal mo?" tanong ni mama. 

"Nagbihis pako". sagot ko.

 "Napakatagal mo kuya malalate natayo".

"May 5 mins panaman tayo ha"

"5 mins!!! 8:55 na 9 ang class ko at almost 10 km! ang layo nang school natin!"

"Easy little sis. late kadin naman nagising eh" sabay tapik sa ulo nya.

 "Saka ikaw na ang matalino ikaw na ang nakasukat nang layo nang school natin" sabay simangot ang sinagot nya.

9:10 nakami nakapasok buti nalang parang race car driver si mama. First day palang naman kay okay lang malate.

Business administration major in marketing ang kinuha kong course dahil narin sa business back ground nang family namin. Kasama ko din sa course yung tatlo kong best friends. 

"Pre welcome back to school" Derick said with teasing smile

"Syempre naman" sagot ko habang tumatawa. 

"Wala pa yung Prof. natin. may meeting silang lahat. Kaya buong araw tayong walang gagawin. Makipag kilala daw tayo sa mga senior" sabay smirk. 

Iba nanaman ang tumatakbo sa utak mo. Sabi ni Aestha. Samantalang busy si Mathew sa cellphone nya.

Naglakad lakad kami sa campus para makabisado yung lugar. Then we decide to go to the cafeteria.

 "Kamusta naman ang recovery mo? Pinag bawalan kasi kami nang mama mo na bumisita para maka focus ka sa studies mo" tanong ni Aestha. 

"Oonga pinag bawalan din ako na gumamit nang gadgets. Ok lang magaling na yung mga sugat ko at wala namang na detect na internal hemorage. Kaya wala nang mga complications. Pero kailangan ko padin nang regular check ups every month".

"Pero wala ka nabang maalala na iba?" follow up question ni Mathew. 

"Anung ibig mong sabihin?" tanong ko.

"I mean isa bakit ka na aksidente? o bakit ka nag drive nang kotse alam naman nating wala kapa sa legal age para mag maneho or even a liscence? "

Napaisip ako dahil may point sya doon. ngayon kolang din na realize yon dahil nandin sa sobrang busy ko sa studies ko.

"Diko din alam di pa malinaw lahat saakin. Lahat malinaw sa memory ko bukod sa aksidente." Sabi ni doc dahil daw sa pagkakabagok nang ulo ko.

Nagkatinginan silang lahat. "Anu ba kayo wag na kayong magalala saakin buhay panaman ako."

"Tama ka. Buti nalang dika namatay. pag aalalang sabi ni Aestha. 

"Ang mabuti pa ay mag order na tayo nang pagkain" Derick cuts.

Umoder sila nang chicken at kanin nag burger lang ako. Maya maya pa ay may lumapit na mga babae saamin.

"Hi? kayo po ba si Oliver Francisco? "

"Yes ako nga bakit? " tanong ko. Habang kinikilig yung dalawang babae. 

"Uhmmm... pwede po bang.."

"Excuse me girls? pwede bang mamaya nalang kayo nakakaistorbo kasi kayo. Don't you see kumakain kami".Putol ni Aestha sa dalawang babae na may masungit na tono.

Agad naman silang umalis at inirapan si  Aestha  . "Bakit mo naman pinaalis yung mga babae?" Derick mumble and tease Aestha

I'm just give them a smile. "Kumain na ngalang tayo".

For whole day halos wala kaming ginawa at yung last prof. namin dinismiss kami nang maaga. Habang naglalakad. "Pre Punta tayong club" aya ni Derick. "Math sama ka?"

"Ayoko mag lalaro pako nang Leageu of Legends" sagot nya.

 "Ikaw Aestha?"

 "It's a no last na sumama ako sainyo ang gising ko sa gilid nang highway malapit sa bahay namin at kung sino sino ang nangmamanyak saakin at ikaw ang na ngunguna."

 "Napaka sama mo saakin Aesthana huhurt ako" pabirong banat nya.

 "Pano yan Oliv samaka?".

"Tutal naman wala si mama walang maghahanap saakin, pwede ako "sagot ko sakanya.

"Sige guys uwi nakami ingat sa gimik nyo ha" paalam ni Math at Aestha.

Agad kaming pumuntang bar. Salabas dinig agad yung ingay nang music.

"Bro, pasok na tayo". Sabi in Derick.

Pumasok na kami saloob. Napaka daming tao mga naghahalikan at kung anu ano nang himala ang nangyayari saloob.

Umakyat kami sa second floor para puntahan so tito Ezreal yung may ari nang bar kapatid sya ni Papa.

"Tito Ez. Oh. Oliver. Hang out kayo?". Tanong nya. 

"Yes po tito".

"Osige get this card para free na ang drinks ninyo". Sabay abot nang golden card saamin.

Bumaba na so Derick at nagsimulang uminom at tumarget nang mga babae, as usual.

Pumunta lang ako sa isang sulok at omoder nang vodka. Medyo na boboring nadin ako kahit na mading babaeng lumalapit saakin wala padin akong matipuhan. Siguro iba lang taste ko.

Umupo ako sa isang table. Pero may mga babaeng lumapit saakin.

"Hey, sweetie how about some goodtime?" She said with seductive tone.

  "Sorry miss busy ako". Tumayo ako at iniwanan yung mga babae.

Lumabas muna ako sa bar. Merong tinayong maliit nagarden si tito sa likod nang bar. Favorite spot ko yon bukod sa tahimik konti lang ang nag pupunta, nasa loob lang lahat nang costumer.

Umupo muna ako sa isang bench para mag pahinga. But something is weird. May gumagalaw sa damuhan. Pumunta ako para tignan.

"Hello? may tao ba?". I said pero walang sumasagot. 

"Hello ?"

medyo natatakot nako nung lagay nayon but naglakas loob padin akong lumapit sa likod nang wallflower para makita kung sino yon.

Dahan dahan akong lumapit. Then sumilip ako sa likuran nang wallflower. Nang biglang may lumabas na rabbit halos mamatay ako sa gulat.

Si Lux at si Ivern mga alagang rabbit ni tito. O panu kayo nakawala? Habang nilalambing ko yung dalawang kuneho. Napansin kong medyo aligaga sila at parang may hinahanap naging weirdo ang kilos nang mga kuneho.

"Oh? bakit?".

Bigla nalang silang tumakbo palayo. 

"Saglit lang saan kayo pupunta?". Hinabol ko sila habang tumatakbo paloob sa wallflower na nakahugis nang maze. Medyo may kalakihan tong garden ni tito Ez kaya nahirapan akong habulin sila. 

"Hintayin nyo ko saan ba kayo pupunta?".

Halos himatayin ako kaka habol paikot ikot lang sila. Hangang sa napa upo nalang ako sa sobrang hingal. Wooh ambibilis nyo. Sabi ko habang humahangos. Nakita ko na ang mga alagang kuneho ni tito salikod nang halaman at huminto nasila kakatakbo at lundag.

Napansin kong may nakatayo salikod nang mga bulaklak parang isang babae?. Lumapit ako para silipin kung sino yon.

Nakita kong nakayuko sya at nilalaro yung mga kuneho.

 "Ahm.. Miss?". 

Agad naman syang syang lumingon. Naka red dress and combination of white sandals ang suot nya at straight na straight ang mga buhok.

Napa tulala ako bigla nang makita ko yung mukha nya. "Ahhh.. ahhh". nauutal ako at ayaw lumabas nang mga salita sa bibig ko. Her eyes was so mesmerizing.

Her face..... I can't explain she makes my mind really crumble. Every second that pass by feels like a munite, my whole body is in paralyze. I.. I can't even move.

Ngumiti sya at bigla nalang tumibok yung puso ko nang mabilis. Dug..dug.. dug halos kumawala sya sa looban ko.

Tumayo sya at lumapit saakin at lalo nyang nilakihan yung ngiti nya. Mas lalo naman akong na freeze sa kinatatayuan ko.

"Mi.. miss?" 

sabi ko. Unti unti nyang tinataas ang mga kamay nya palapit sa mukha ko. Hinawakan nya ako sa pisngi at ang kaninang tumitibok kong puso ay sumabog na.

"Miss... sino kaba?" 

Tanong ko. Pero isang malaking ngiti lang ang sagot nya at lumakad palayo. Hinabol ko sya pero tumatakbo na pala sya. Miss wait Miss anung pangalan mo?.

Isang tawa lang ang sagot nya. Pilit ko syang hinahabol pero ang bilis nya parasyang kuneho sa tuwing aabutan ko sya lagi syang nawawala at parang nag teteleport sa mga pader.

"Saglit lang miss". Diko sya mahabol at tanging mala anghel natawa lang ang sagot nya sa bawat pagtawag ko.

Pumunta sya sa looban nang bar. Sinundan ko sya pero pag pasok ko mga nawala na sya sa maraming tao.

Hinahanap ko sya sa gitna nang dance floor pero wala talaga. Halos mahilo ako kakahanap almost 30 mins din akong paikot ikot sa bar.

"Pre!". Tawag ni Derick. 

"Sinong hinahanap mo?"." Wala lang pre may nakita kasi akong babae kaso diko na makita naka red dress. sagot ko.  

"Baka naman umuwina?"

"Siguro nga". 

"Heyyy! baby Derick". Tawag sakanya nang mga babaeng parang clown na sa make-up 

"Brad teka lang tinatawag nako nang mga babes ko" sabay tapik sa mga braso ko. 

"Hanap kanalang nang iba dyan". Pahabol nya.

Umupo nalang ako sa couch at uminom. Pinag mamasdan ko yung mga tao habang sumasayaw at medyo malakas nadin ang tama nang alak saakin. Umiikot na ang paningin ko.

Nang biglang. Ayuun!sya yung babaeng nakita ko kanina. Napaka ganda nya. Papalapit sya saakin at naka ngiti.

"Aah.... ahh... Miss a..nung pa....ngalan mo?". 

Sobrang hilo nako at dina makatayo. Lumapit pa sya at hinalikan ako sa labi. Sobrang bango at lambot nang mapupula nyang labi. 

"Sii.no   k..a?". 

Ngumiti at tumawa lang sya with her angelic voice at may inabot saaking papel nilagay nya sa bulsa ko. Nag collapse nako dahil sa kalasingan.

avataravatar
Next chapter